Chapter 14

25.4K 925 135
                                    

Arrow Perez

"I'm craving for carbonara, bitches," nakangusong sabi ni Sabrina habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.

"I also want ice cream, puro kasi pasta kinakain ko lately," sagot naman ni Miyuki.

"I'll buy lasagna, nakatikim ako sa Greenwich kahapon," si Saiko naman ang nagsalita.

Napanguso na lang ako sa tabi. "Ako gusto ko lahat ng sinabi ninyo."

Napalingon sila sa akin at tumawa. Naramdaman kong niyakap ako ni Sabrina baywang.

"Ang takaw takaw mo talaga, Arrow." Tumawa siya matapos sabihin 'yon.

"Nagugutom talaga ako, stress na stress na ako sa mga nakikilala ko." I pouted.

"Nagtataka nga ako kung bakit lagi ka na lang nilalapitan ng mga nasa rank, ang ganda ganda mo kasi." Tumatango-tangong sabi naman ni Miyuki.

"Hindi naman siguro sa gano'n, baka malas lang talaga ako," nahihiyang tugon ko.

Napalingon ako kay Saiko nang hampasin ako nito sa balikat. "B-Bakit?"

"Sino ba ang nagsasabing malas ka? Ang ganda mo naman para maging malas ka." Umirap pa siya sa akin.

Napasimangot na lang ako.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang Cafeteria.

"Doon tayo, malayo sa mga aliens," sabi ni Sabrina habang tinuturo ang table na nasa likod.

"Sige, mauna na kayo, kami na lang mago-order ni Saiko," ani ni Miyuki.

Tumango na lang kami ni Sabrina, hinawakan niya ang kamay ko 'saka kami dumiretsyo sa table na tinuro niya.

Hinintay na lang namin dumating sila Miyuki.

Nag-make up na naman si Sabrina kaya napangiti na lang ako. Ang kapal kapal pa kaya ng make-up niya, pero ayos lang naman kasi ang ganda ganda niya.

"Let's eat." Nilapag na nila Saiko ang mga tray na naglalaman ng mga pagkain.

Napapalakpak ako dahil kumpleto ang pagkain na sinabi ko kanina.

Habang kumakain kami ay bigla na lang may naglapag ng tray sa bakanteng parte ng table.

Nag-angat kami ng tingin lahat.

Nagulat ako nang makita si Juana at Homer na nakangiti sa amin.

Kaya pala bigla na lang tumahimik ang lahat dahil nandito sila.

"Hi pretty girls, mind if we join you?" nakangiting sabi ni Juana.

"Oo naman, upo kayo!" masigla kong sabi.

"Ikaw Juana, diyan na lang kasi kay Saiko may bakante, upo ka sa tabi niya. Ikaw naman Homer, diyan ka na lang kay Sab," nakangiting saad ko sa kanila.

Nakita kong namula ang magkabilang tenga nila Saiko at Sabrina.

I'm such a great cupid! Hihi.

"Thanks, you're really my angel," bulong ni Homer sa akin bago tumabi kay Sabrina.

Nakita kong parang normal lang naman kay Juana na tumabi kay Saiko, hindi naman niya siguro alam na crush siya ni Saiko.

"Hello nga pala mga beki, nakalimutan ko tuloy magpakilala. I'm Juana, and Arrow told me na friends na kaming dalawa. Kaya gusto ko rin kayo maging friends," pumipiltik pa ang daliri na sabi ni Juana.

"H-Hello, we are willing to b-be your friends naman," nahihiyang sabi ni Saiko sa tabi niya.

"Really?! Aww, you're so cute, thank you." Bigla na lang niyakap ni Juana si Saiko na ikinapula ng huli.

Napahagikhik na lang kaming tatlo nila Miyuki.

Kitang-kita namin ang pamumula ng mukha ni Saiko.

"Wala 'yon, ano ka ba." Nahihiyang yumuko si Saiko.

"Hello gorgeous ladies, I'm Homer. Alam ko namang kilala ninyo na ako. But I still want to introduce myself properly especially when I'm with four beautiful ladies. Right, Sabrina?" Bumaling si Homer kay Sabrina na katabi.

Namumulang tumingin sa kaniya ang kaibigan ko.

"P-Po?" namumulang tanong ni Sabrina.

Homer chuckled. "I said you're beautiful,"

Napatili ako sa isip ko. Ang cute naman nila tingnan lahat.

"Miyuki, tayong dalawa na lang walang love life, ano?" nakangusong sabi ko kay Miyuki na katabi ko.

Sumang-ayon naman siya. "Makakahanap ka rin, ako kahit 'wag na."

"Hala ka, maganda ka kaya Miyuki, tapos marami naman siguro nagkakagusto sa 'yo. Dapat nga may boyfriend ka na rin ngayon, e," sabi ko sa kaniya.

Nakita ko ang simpleng pagngiwi niya. "No way,"

"Sige na, mag-boyfriend ka na," pamimilit ko.

"Hindi puwede, ikaw na lang. Pero dadaan muna sa amin ang manliligaw mo, ha?" matapang niyang sabi.

Napakunot noo naman ako. "Ayaw,"

"Hoy, Saiko, Sabrina," tawag niya sa dalawa na kapwa busy sa mga kausap.

Lumingon naman sila sa amin. "Bakit?"

"Tandaan ninyong mabuti, ha? Dadaan muna sa atin ang manliligaw ni Arrow. Tayo muna ang liligawan non," sabi ni Miyuki sa dalawa.

"Hala, kung kayo ang liligawan, edi baka sagutin ninyo siya. Hindi na ako ang magiging girlfriend," nakangusong sabi ko.

Bigla na lang silang nagtawanan na ikinataka ko.

"Hindi naman gano'n, Miyuki. What we mean is 'yung blessings namin as your bestfriends," paliwanag ni Sabrina.

Napatango naman ako. "Gano'n ba? Maganda 'yon."

Binaling ko na lang ang atensyon sa pagkain.

Pero bigla din akong napatingala nang may naisip.

"Eh sino naman ang manliligaw sa akin? Sabi ni mommy at daddy dapat maging mapili ako, dapat daw yung tamang tao ang maging boyfriend ko," saad ko.

Nasamid na lang bigla si Homer. "Hindi ka na puwedeng magpaligaw, Arrow, may nakalaan na sa 'yo. Ngayon pa nga lang ang sama na ng tingin sa akin."

Napakunot ang noo namin lahat maliban kay Homer at Juana.

"Ha?" takang tanong ko.

Umiling-iling lang siya 'saka simpleng tinanguan si Juana.

Parang nag-uusap ang mga mata nila sa paraan ng pagtitinginan nila.

"Sinong masama ang tingin sa 'yo? May kaaway ka?" usisa ko.

"Wala, pero magkakaroon." Tumawa na naman ito kaya napasimangot na lang ako.

"Ang weird naman ng mga sagot mo, Homer. Basta kapag may kaaway ka... ahm.." Napatigil ako.

"Kapag may kaaway ako, ano?" nang-aasar niyang tanong.

Ano nga ba? Hindi ko naman siya kayang tulungan. Baka masapok lang ako.

"Basta kaya mo na 'yon, ang galing mo kaya." Nagtawanan sila sa sinabi ko.

Bakit kaya?

Naging honest lang naman ako.

"Akala ko ipagtatanggol mo ako,"

"Oo naman. Pero kapag suntukan na, doon ako papalya, Homer, hehe." Nahihiya kong kinamot ang ulo.

They chuckled saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Sana ganito na lang kami lagi kasaya.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now