Kabanata 4

1.4K 48 36
                                    

Kabanata 4

Miku

 

Blag! Pak! Blag!

 

            Sinuntok ko ng sinuntok ‘yong punching bag dito sa gym ng bahay ni bes. I kicked. Hard. Pagkatapos no’n, I stepped back. I inhaled slowly, deeply, and initiated my aikido form. And in one swift movement, I punched the punching bag with all my strength.

            Tumaas iyon ng more than 90 degrees. Umayos ako ng tayo at ilang beses na huminga ng malalim. I ran my arm across my forehead to wipe up the sweat.

“Tapos ka na ba?” Napatingin ako kay Karen na nakaupo sa isang black leather sofa.

“Yeah,” I said, panting. May dala siyang manicure set at nilalagyan ng nail polish ang kaliwang kamay. Lumapit ako sa kanya at kinuha ‘yong towelette sa tabi niya. She was painting her nails with neon pink. I tried to tease her about it once. But she grew mad and said that no one dares to screw with her precious nail polish. It was a joke, but I knew it was true in some way.

I started unwrapping the gauze. “May sugat na naman ‘yang mga kamay mo,” said she.

Napatingin ako sa mga kamay ko. There were tiny wounds on my knuckles. Hindi kasi ako gumamit ng gloves kanina. Lagi ko ‘tong ginagawa whenever I’m so pissed off. Hindi lang pala si Daddy ang may kayang ubusin ang pasensya ko. Tsk.

“He called.”

Napatingin ako kay Karen. “Who?” Ininom ko ‘yong baso ng tubig na dala ni bes para sa’kin.

“Sino pa ba? Your beloved dad,” she said, still putting some nail polish.

“Ano sabi mo?”

“Sabi ko tulog ka.”

Tumango ako. Sumandal ako sa sofa, exhausted. “Ang kulit talaga no’ng matandang ‘yon.” Kumunot ang noo ko.

“Sigurado akong sinumbong ka na naman no’ng guidance counselor slash ex-lover ng dad mo.” No’ng matapos siya sa hinliliit ay tiningnan niya ang buong kamay niya. She smiled, satisfaction all over her face.

I rolled my eyes heavenward. “Paki ko naman sa kanilang dalawa?”

“Ang laki ng galit mo sa mundo, ‘no?” natatawang pahayag ni Karen habang pinapatuyo ang mga kamay niya. “Kung sabagay, hindi naman kita masisisi. Your dad’s a jerk. No offense, bes.”

“Yeah. None taken,” pagsang-ayon ko. “He’s a big jerk.”

I disliked my dad ever since I could remember. Lagi siyang wala sa bahay noon dahil na rin sa business. My mom and my older brother were the only ones who cared for me. Naghiwalay sila ni mama noong elementary palang ako. It was Christmas Eve back then when my dad left the house. Hindi ko alam kung saan siya pumunta at ang tanging balita ko na lamang sa kanya ay ‘yong newspaper at TV news about sa pagiging tanyag ng isang businessman sa Pilipinas at sa China. I never cared about him since then.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Surviving College (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon