Kabanata 2

1K 29 5
                                    

Kabanata 2

Miku

“Grabe, bes, hindi na talaga kita carry!”

            Binuksan ko ‘yong cubicle ng CR. “Bakit na naman?” walang ganang tanong ko. Tiningnan ko sa salamin ‘yong sarili ko. Nagpalit kasi ako ng skirt. Lagi akong may dalang extra in case na mangyari nga ‘yong katulad ng nangyari kanina.

            “Binigyan ka ng two-day cleaning service sa botanical garden dahil do’n sa pagsuntok mo sa Humanities prof mo, tapos ngayon naman, na-extend ‘yong cleaning service mo ng one week plus three-day suspension dahil sa gulong kinasangkutan mo! O ‘di ba? Malapit ka nang bumingo, bes!” masayang sabi ni Karen, baliw na best friend ko.

            “I don’t need you to enumerate my greatness, bes,” nakangising pahayag ko.

            She rolled her eyes at me. “Ang akala ko ba magbabago ka na?”

            “Nagbabago na nga ako,” sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko.

            “Ay, wow ha. Ang galing naman ng pagbabago mo. Mas lumala kaysa no’ng high school tayo!” sarkastikong pahayag niya at humalukipkip habang nakatingin sa akin sa salamin.

            “Isn’t being more aggressive also a change?” nakangiting sabi ko.

            “Whatever, bes. Whatever.” Kinuha niya ‘yong lipstick niya mula sa Hello Kitty bag niya at nilagyan ang mga labi niya. She likes cute stuff, you know. At kung ano ang ikina-kikay ng best friend ko, iyon naman ang ikinalalaki ng ugali ko. Nakakaiyak na combination.

            I grabbed my backpack. “Tara na,” yaya ko sa kanya.

            “Wait lang!” Naglalagay siya ng mascara.

            Humalukipkip ako. “Ang arte mo, alam mo ‘yon?”

            “Puro ka reklamo, alam mo rin ba ‘yon?” pagbabalik niya sa’kin.

            “Maganda ka na. Hindi mo na kailangan niyan,” sabi ko.

            “I know,” proud na sabi niya.

            “Wow. Nalunod naman ako sa humility mo,” pagtataray ko.

            “A girl needs to be attractive around boys, you know. Lalo na’t college na tayo. We’re being prepped to be proper ladies and gentlemen!” Inilagay niya ‘yong mascara sa loob ng bag niya. Kahit no’ng high school palang, ang hilig na niya sa cosmetic stuff. Ang cute daw kasi ng colors. “Kaya, bes, kung hindi mo aayusin ang sarili mo, magiging forever alone na ang beauty mo!”

            “I don’t give a damn about those things. You know me, bes.”

Surviving College (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon