Kabanata 3

898 33 12
                                    

Kabanata 3

Miku

 

“Ano na naman bang ginawa mo, Miku Andrea Chua?” Hinilot ni Karen ‘yong noo niya.

            “Wala,” simpleng sagot ko at ipinagpatuloy ‘yong pagkain ko ng muffin.

            “Sapok, gusto mo?” iritang pahayag niya at ngumuso sa kaliwang kamay ko na nakabenda. “Napano ‘yan?”

            “Sinuntok ko ng malakas ‘yong lupa. May matutulis palang bato.” The heck I care ang drama ko habang patuloy sa pagkain ng precious muffin ko. Nandito kami ngayon ni bes sa car park. Yeah, paradahan ito ng mga sasakyan pero may mga tindahan din dito ng food and drinks.

            Narinig ko ang buntung-hininga ni Karen with matching irap pa. Paki ko naman sa kanya. “Baliw ka na nga. Pati lupa pinag-iinitan mo.”

            Bumalik sa alaala ko ‘yong nangyari kaninang umaga sa botanical garden. Iyong cleaning service ko, ‘yong maangas na Engineering student, ‘yong pagkatalo ng martial arts ko...

            “Weak.”

 

            Biglang pumait ‘yong muffin sa bibig ko no’ng naalala ko ‘yong sinabi no’ng lalaki. “Ang yabang niya!” Ibinagsak ko ‘yong kanang kamay ko sa mesa kahit na may hawak akong tinidor. Napatalon naman sa gulat si bes pati na rin ‘yong ibang tao sa paligid. Sinamaan ko ng tingin ‘yong mga estudyante. “Ano?” hamon ko sa kanila. Agad naman silang umiwas ng tingin.

            Umiling si Karen at nag-‘tsk’ sound ng tatlong beses. “Malala ka na, bes.”

            “I’m pissed off.” Lalong kumunot ‘yong noo ko. “Lagot siya sa’kin kapag nagkita kami!”

            “Whoa, chill. Sino ba kasi ‘yang ikipuputok ng buchi mo?” Uminom si Karen ng frappe niya. I should have ordered one.

            “Iyong Engineering student kanina sa botanical. Akala mo kung sino.”

            “OMG!” Nag-twinkle ‘yong mga mata niya. “Gwapo ba? Marami raw kasing gwapo sa Eng. Tell me, bes, hottie ba?”

            For a second, biglang nag-flash sa memory ko ‘yong mga mata no’ng guy. They were dark brown and always looked bored. Napailing ako. Bakit ba iniisip ko ‘yong kumag na ‘yon?

            “Panget!” kunot-noong pahayag ko.

            “Ay.” Halata sa mukha ni Karen ang disappointment. “Akala ko pa naman malaking isda na.”

            “Malaki talaga siyang isda,” pagsang-ayon ko. “Isdang puro hangin ang ulo! Tapos bastos pa. Walang modo.”

Surviving College (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon