Kabanata 1

1.5K 33 4
                                    

Kabanata 1

Miku

 

“Sige na kasi. Huwag ka nang pakipot. Ibigay mo na.”

            “Pero...” Nanginginig na kinuha no’ng babae iyong wallet niya. “I-Ipon ko ‘to.”

            “C’mon. Pahiram lang naman. Babayaran din namin,” nakangising pahayag no’ng lalaking may piercing sa kaliwang tenga. Lumapit siya doon sa babae kasama ang isa pang lalaking kulay brown ang buhok. Takot na umurong iyong babae ngunit pagkaraan ng dalawang hakbang ay napasandal na siya sa pader.

            “Paano kung...” Hinimas ni brown-haired guy ‘yong buhok no’ng babae. “Iba nalang ang ibigay mo sa amin,” makahulugang pahayag niya. “Hindi ka na namin kukulitin kahit kailan.”

            Nanlaki ang mga mata no’ng babae at may luhang tumulo sa pisngi niya. “T-Tulong,” mahinang sambit niya.

            “Kahit sumigaw ka, walang makakarinig sa’yo dito. Nasa botanical garden tayo, babe,” sabi ni Piercing.

            “Hoy.”

          Napatingin sa akin ‘yong dalawang lalaki. Tiningnan kong mabuti ‘yong uniform at college logo nila sa left part ng polo nila. Engineering students, huh? Lumapit ako sa kanila at walang buhay na tiningnan silang tatlo. “Ang ingay niyo,” tinatamad na sabi ko.

            “Aba, ang yabang mo ah?” kunot-noong sabi ni Piercing.

            “Tumahimik ka.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay niya sa ginawa ko. “Ang pangit mo.”

            “Gago ka ah?” sigaw niya sa’kin at umambang susuntukin ako pero pinigilan siya ni brown-haired guy. Narinig kong sinabi niyang ‘babae ‘yan pare!’

 

            “Wala akong pakialam!” Marahas na kinuha ni Piercing ‘yong braso niya. “Maangas siya. Dapat alam niya kung saan lulugar ang mahinang babaeng katulad niya.”

            Parang biglang nag-bulge ‘yung ugat sa sintido ko. Pinanliitan ko siya ng mata. “Gusto mong pagbuhulin ko kayo?” Kalmado pa ko nito ah.

            Ngayon, pareho na silang nakasimangot sa’kin. “Miss, huwag kang masyadong mayabang,” banta ni brown-haired guy.

            “Whatever.” Kinuha ko ‘yong kamay no’ng Tourism student. Damsel in distress lang ang drama? Pero bago ko siya hatakin paalis ay kinuha ni Piercing ‘yong kabilang braso niya. Tiningnan ko ‘yong pagkakahawak niya sa braso no’ng babae. Pagkatapos, tinitigan ko siya. “Bitaw.”

            Ngumisi siya. “Paano kung kayong dalawa nalang ang pagpiyestahan namin ng kaibigan ko?”

Surviving College (hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon