18. Already

142K 4.7K 861
                                    

I know that I should've fought for Gianna the moment I got back from Luxembourg. Alam ko naman ang lahat ng sinasabi ni Hera ngayon. But the thing is--- I saw how happy she was every time she's with King David Sandoval --- and that makes me wanna smash the guy's face everytime. Hindi naman ganoon kadali ang pakikipag-usap sa taong galit sa'yo. It will never be easy taking back what I have lost and I know that giving a part of me to make her happy will never pay for the pain she had been.

Hindi kahit kailan magiging sapat ang ginawa ko para lang makabawi. What I did only prevented her from being hurt again. She will never have the same feelings for me because I have broken down her faith.

"At least tell her your reason."

Iyon naman ang paulit-ulit na sinasabi ni Hades sa akin sa walong araw na nakahiga lang ako sa kama at nagpapaling. I know that too. I was planning on talking to her when I feel better. Tama na ang pagtatago. Panahon na siguro para kausapin ko siya at sabihin sa kanya ang dahilan ko. I know that it's too late but at least I tried talking to her.

Humahanap ako ng tamang tiyempo. Kasabay ng paghihintay ay ang pagpapagaling ko. Hindi ko alam kung kailan aayos ang parteng nawala sa akin. Nakakatayo naman na ako kaya lang ay dama ko ang hapdi.

But that morning when I woke up --- it felt different. Wala na akong ibang naisip nang araw na iyon kundi ang kung paano ko kakausapin si Gianna.

Bumangon ako at nag-ayos. Bumangon ako at nagbaon ng maraming lakas ng loob para sa pagharap sa babaeng matagal ko nang pinagtataguan. What I'm doing now reminded me of Hades almost two years ago --- ganitong takot rin siguro ang nararandamadaman niya noong araw na pupuntahan niya si Hera sa ospital para kausapin. Naaalaka ko rin si Daddy noong panahon na inisip niyang kausapin si Mommy par humingi ng tawad dahil sa nagawa niya noon. Mom forgave Dad but she never came home to us.

Natatakot ako. Ano't anuman ang kalabasan ng araw na ito ay tatanggapin ko. Tatanggapin ko na hindi na siya babalik sa akin kahit na malaman niya pa ang totoo. Sasagutin ko ang lahat ng tanong niya. Sasabihin ko sa kanya ang totoo. Kung bakit hindi ako dumating--- kung anong naramdaman ko. Kung anong nangyari noong panahong wala ako sa tabi niya. I will tell her how much I love her --- that until now I still can give her everything.

I looked at myself in the mirror and smiled. I was wearing a gray suit. I've always like the color gray. It seemed so powerful.

Hindi na ako nagpaalam kay Athena. Tulog pa kasi siya nang sumilip ako sa kwarto niya. I used her car to get to Gianna's. Una akong nagpunta sa bahay nila but the maid said that Gianna was still on the hospital with her parents kaya doon na ako dumiretso.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang usapan kapag magkaharap na kaming dalawa.

Huminga ako nang malalim nang marating ko ang harapan ng kwarto ng Daddy ni Gianna. I took a deep breath and knocked three times before entering the room. Pumasok ako at nakita ko si Mr. Dela Monte na nagbabasa ng aklat. Ngumiti siya sa akin. As if on cue --- kumirot ang bahaging iyon ng katawan ko. Napahawak ako doon.

"Good morning, Mr. Dela Monte." Binati niya rin ako. Wala pa akong nasasabi ay bumukas muli ang pinto at doon pumasok si Gianna kasama si King David. They werw holding hands and they seemed very happy. Ngumiti lang ako na para bang walang nangyayari pero damang-dama ko ang sakit.

"Can we talk, Gianna?" Malumanay na wika ko. Tumitig siya sa akin at saka huminga nang napakalalim.

"Sure. Pwede mong sabihin sa akin ang lahat nang gusto mo dito sa loob ng kwartong ito habang kaharap ang Daddy ko at si King David."

Gusto kong ngumiwi pero inaasahan ko na rin naman ito. Alam kong hindi ko basta makukuha si Gianna ngayon dahil sa galit na nararamdaman niya. Huminga na lang ako nang napakalalim at saka tumitig sa kanya. Wala naman akong ibang masasabi kundi: Gianna, I'm sorry...

I was born to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon