15. For her happiness

166K 4.5K 1.1K
                                    

"Gianna, stop drinking."

Sinaway ko ni King David habang hawak ko ang isang bote ng Jack Daniels. We were sitting on his hood in the middle of nowhere. The encounter with Zeus was too much for me. It broke my already wrecked heart. It was too painful.

Bakit ganoon?

Bakit kung kumilos siya ay parang walang nangyari? Hindi niya ba ako binigyan ng halaga kahit kailan? Hindi niya ba talaga ako minahal? Was it all play for him? Paano ako? I wanted so much to talk to him. Kahit anong dahilan siguro ang sabihin niya ay paniniwalaan ko. Ganoon ako kadesperado.

I looked at King David. Hawak niya ang kamay ko at pilit na kinukuha sa akin ang alak. Hindi ko binibigay. Gusto kong maging manhid sa sakit. Hindi pa sapat ang ginawa kong pagsira sa kotse niya para lang mawala ang sakit. Who am I kidding? Kulang ang apat na McLaren para makabangon ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kulang na kulang ang isang Zeus Vejar para alisin ang sakit na nararamdaman ko.

Sinulyapan ko si King David na tahimik lamang sa tabi ko.

And sadly, one King David Sandoval isn't enough to take me to oblivion.

I sighed.

"Bakit ang sakit pa rin? Bakit noong nakita ko siya, sumakit pa rin? Why is he acting like nothing ever happened to us? Why is he like that, King David?" Sunod-sunod na tanong ko. Kig David looked at me. "Mahal ko pa rin naman kasi siya, King David..." Mahinang pag-amin ko. Iyon naman ang totoo. Hindi ko pwedeng itanggi sa sarili ko ang katotohanan. Isang taon pa lang naman ang nakalipas at oo, may sugat ang puso ko pero ang puso kong ito rin ang patuloy na nagmamahal kay Zeus. I tried opening my heart for King David. He's been so good to me but still - although I want to love him - my heart needs Zeus. And that is something that I have no control of.

"Stop, Gianna. Nandito ako." Wika niya pa sa akin. Ngumiti ako. Kung gaanon lamang sana kadali - sana hindi na ako magmumukmok sa ngayon.

Tuluyan na niyang nakuha sa akin ang bote ng alak at saka niyakap ako. Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak hanggang sa hindi ko na kinaya at kusa na akong tumigil. He volunteered on taking me home but I told him that I didn't want to go home so instead of taking me home he took me in his house again.

Masyado akong malungkot para umuwi sa bahay. Hindi ko kayang harapin si Mama o si Papa o ang kahit na sino sa pamilya ko. I'm afraid that if they see me and if they ask - maiiyak na lang ako na parang batang iniwanan at nakuhanan ng candy. At least in King David's home - I'm safe and I can be anyone I want to be - kahit na ang pagiging weak pa iyon.

We were holding hands as we enter the house. Agad kong naamoy ang napakabangong kung anong nanggagaling sa kusina. Tiningnan ko si King David at saka nagtatakang nagtanong.

"Ano iyon? Bakit ang bango? Did you ask your chef to cook something for us?" He shook his head. Binitiwan niya ang kamay ko at nagtungo sa kitchen niya. Sumunod naman ako. It was odd. Halos mag-uumaga na kaya nakakagulat talaga ang ganitong mga pangyayari.

Nakarating ako sa kusina at doon nakita ko ang isang babaeng nakatayo sa may stove habang hinahalo ang sauce na nasa pan. I haven't seen her before but it was obvious that King David knows her.

The woman is pretty. She had hair that only reaches her chin, heart-shaped ang mukha niya. Her lips were pink - I don't know if it's because of lipstick or it's her natural color but it's pink. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako.

"Hi there, David's friend."

"It's King David, Arru! How many times do I have to tell you that you have to address me as my name! My father didn't name me King David so you can just ignore the KING part." Gigil na gigil si King David sa babae.

I was born to love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon