Chapter 15 - Date

143 34 11
                                    

- - -

Ayerah's Point of View

- - -

"Bakit ka nagalit?" tanong niya sa akin pagkalapag ng pagkain sa mesa.

"Ewan ko" sagot ko naman habang nangalumbaba.

Ginulo niya lang ang buhok ko at inabot sa akin ang sandwich. Kinuha ko naman ito at kinain. Hindi na siya umimik at kumain na rin ng lunch niya. Oo sandwich lang ang kinakain tuwing lunch. Diet ako! Paki mo ba?

---

"Good afternoon class." saad ng Math teacher namin na si Mr. Salkon. Tuwing Math lesson namin, gusto ko na agad matulog. Si Ian naman ay seryosong naghahantay sa susunod na sasabihin ni Sir. Katabi ko siya ngayon dahil pinalipat niya si Ysabel. Bahala sila diyan, basta ako matutulog na. Unang salita palang ni Sir ay sinubsob ko na ang ulo ko sa desk.

"Huy" Halos isang minuto pa lang ng pagkaidlip ko ay may yumugyog na sa akin. Inayos ko ang pagkakaupo ko at hinarap ito with a poker face. Nanggugulo eh!

"Bakit?" mataray kong tanong.

"Wag ka na matulog" malambing niyang sabi.

Ewan ko kung bakit pero hindi ko siya matiis. Kaya kahit ayaw ko ay pinilit kong makinig sa Math teacher namin.Tsk

"Good" bulong niya at nagpatuloy na sa pakikinig sa pag-explain ni Sir kung paano i-divide ang 'X' sa 'Y'.

"Who can answer this equation?" tanong ni Sir habang itinuturo ang equation sa whiteboard. Sa pakikinig ko ngayon, alam ko ang sagot pero duh? para lang sa mga sipsip ang pagsagot sa unahan eh.

"Sir!" napatingin ako sa kanya ng gulat na gulat.

"Mr. Trinidad, go to the board" tawag sa kanya ni Mr. Salkon. Makatapos naman ng ilang segundo ay nasagutan niya ito. Tsk di siya na ang matalino!

"Ang cute mo Ian" bulong ni Fiona pagkalapit ni Ian sa pwesto namin.

Liningon ko si Fiona at nakatingin ito kay Ian with matching puppy eyes. Hmp para siyang aso diyan. Nginitian din siya ni Ian at kumindat. Naramdaman ko namang umupo na si Ian sa tabi ko. Tsk naglandian na naman.

---

Nandito ako ngayon sa Guardhouse at kasalukuyang hinihintay si Kuya Nestor na kakagaling palang Laguna. Umuwi kasi siya dahil manganganak na ang kanyang asawa.

"Susunduin ka?" Halos mapatalon ako sa gulat at nagtaasan ang mga balahibo ko nang may biglang bumulong sa tenga ko.

Oh well! Andito na naman siya. Kailan kaya niya ako titigilan? Para siyang anino eh. Kanina nga gusto pa atang sumama sa akin nung magc-cr ako.

"May sundo ako" sagot ko. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Sabay nalang tayo,Please..?" pagmamakaawa niya at ako'y nagulat nang akbayan niya ako. Anong nakain ng isang 'to? Tapos sabay kami uuwi? Tsk

"Bawal. Tsaka malapit na yung driver namin eh"

"Sabay ka nalang ulit sa kotse namin"

Pinandilatan ko siya ng tingin kaya itinaas niya ang dalawang kamay na parang suko na at nagsalita.

"Dali na please"

Naka-pout na siya ngayon at nakatingin sa akin na parang nagmamakaawa. Kaya ano pa ba ang magagawa ko? Naku Ian!

"Sige" kalmado kong sagot. Nakita ko namang tila kuminang ang mata niya. Tsk isip-bata! Magsasalita na sana siya pero pinutol ko na ang kasiyahan niya.

"---sa isang kondisyon." dugtong ko. Hindi nabawasan ang saya niya ha? Determinado ata.

"Ano?" tanong niya. Nagpalinga-linga naman ako para makapag-isip kung ano ang ipapagawa ko sa kanya. Nang mapadako ang tingin ko doon, nagkaroon na ako ng ideya.

Humanda ka Ian bwahahaha!

"Nakikita mo yung taong yun?"

Agad naman niyang sinundan ng tingin ang itinuturo ko, isa itong estudyante. Napangiwi siya na parang alam na niya ang ipapagawa ko.

"Ano doon sa bakla?"

Tama siya. Iyong bakla na naka-headband ang itinuro ko. Agaw-pansin kasi ang mickey mouse headband niya eh.

"Hug and kiss him."

Napalunok siya ng laway sa sinabi ko. Tiningnan niya ako with seryoso-ka-look. Sorry Ian. Gusto mo akong makasabay pauwi eh.

Dahan-dahan siyang tumango pero nakakunot ang kanyang noo. Tumayo na siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ng bakla. Dahil medyo malapit lang sa pwesto ko ang kinatatayuan ng bakla, narinig ko ang usapan nila.

"Hi Miss"

Pinipigilan ko ang tumawa dito habang pasikretong nakikinig sa kanila. Gulat na mukha ang bumulaga kay Ian hahaha

"Ahmm M-Me?" di makapaniwalang tanong ng bakla.

"Exactly. By the way, what is your name?" kalmadong tanong ni Ian sa kanya. Habang siya naman ay nagba-blush. Good acting Ian!

"Ed sa umaga, Eda sa gabi" malanding sagot nito. Imbes na matawa ay napa-singhap ako. So may balak siyang manlandi kay Ian? Kaimbyerna!

Akmang yayakapin na ni Ian si Ed nang lumapit ako at sinaway siya.

"Tama na yan. Sige na. Payag na akong makipag-date sayo. By the way Hi Ed!" sabi ko at pinulupot ang braso ko sa braso ni Ian. Namutla si Ed nang makita ako. Mukha ba akong multo? Tsk

"Miss A-Ayerah. H-Hello" pautal-utal na bati nito tsaka tumakbo palayo. Hala! Nakakaba ba kapag kausap ako?

"Ian tara na!"

Nakatayo pa rin siya sa pwesto niya kanina at nakatulala. Ipinaypay ko ang dalawa kong kamay sa harap niya tsaka siya nahimasmasan.

"Oh Ayerah. Tara date tayo." Biglang namula ang mukha ko kaya yumuko nalang ako. Tsk sineryoso niya talaga?

Tinawagan ko na si Kuya Nestor na di na ako magpapasundo at sabi niya naman ay tatawagan na niya rin sana ako para sabihing may sakit daw siya.

"Oh pasok na sa kotse Ayerah. Magde-date pa tayo." sabi niya na naka-smirk. Tsk mukhang napasubo ata ako. Pero bahala siya. Gusto ko nang umuwi.

.

.

---

Author's Note:

Pasensya na po dito sa update na 'to. And yung about sa Chapter 14.5, bahala kayong mag-isip kung sino yung taong yun. Bwahaha Sige. One more thing, sa Saturday na po ang next update nito. Ie-edit ko na siya HAHA. May ibang part kasing putol at may scenes na idadagdag at ibabawas kaya EDITING time na..

Ms. HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon