Chapter 3 - Arranged?

358 87 35
                                    

Sebastian's Point Of View

"Dad, ano bang pumasok diyan sa utak mo at nagplano kayo ng ganun?"sigaw ko kay Daddy. Nasa salas kami ngayon. Nanunuod ako ng tv nang bigla na lang niyang na nakipagkasundo siya kay Mr. Martin,ama ni Ayerah

"Ian naman. Alam kong matagal mo nang gusto si Ayerah."sagot naman niya

"Anong koneksyon noon sa pagpapakasal namin?" tanong ko sa kanya

Nakakainis lang. Alam kong magagalit sa akin si Ayerah sa akin kung nagkataon.

"Hmm wala naman. Pero malay mo,magustuhan ka na niya kung babalik ka sa dati mong ayos"sabi niya

Tama ang sinabi ni Daddy. Hindi ako tunay na Nerd. Isa lang 'tong pagpapanggap. Marami akong naging Girlfriend sa dati kong paaralan at di naman sa pagmamayabang ay marami ang naghahabol sakin noon.

Nakakabanas na sila kaya nagbago ako ng anyo. Mula sa Casanova patungo sa Nerd ang ginawa ko. Astig ba?

---

"Ayokong bumalik sa dati kong pagkatao; malay mo pati bakla, mainlove sakin"biro ko kay Daddy.

Natawa na lang siya at napailing-iling. Babalik na lang ako sa pagiging normal at hindi nerd kapag kinakailangan na.

_*_

Pagkatapos ng napaka-nonsense na usapan namin ni Dad ay pumunta na ako sa kwarto ko. Dali-dali kong binuksan ang laptop at in-open ang fb account ko.

Binuksan ko ang mga messages:

From : Niel Santos

Brad, Goodnews! Napag-usapan naming barkada na diyan na lang sa HC Academy papasok next year. Maganda ba diyan?

3 minutes ago...

Nang makita kong online siya ay nag-reply ako.

To: Niel Santos

Ayos yan Brad. Maganda naman dito

Sent . Just Now

Di ko na nahintay ang reply niya dahil nakatulog na ako. Kinabukasan ay agad-agad akong naligo dahil anak ng tilapia ay 6:30 na!

Anong klaseng pag-aayos ang magagawa ko nito?Bwisit naman oh

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Nadatnan ko naman si Dad na may kausap. Si Mr. Martin! Nag-uusap na naman ba sila tungkol sa Arranged Marriage na yan?

"Morning Dad" lumingon ako kay Mr. Martin "Good Morning ho"

Sinuklian na lang ako ni Mr. Martin ng isang ngiti. Ako naman ay kumuha na lang ng isang sandwich sa mesa at kinain ito. Dali-dali akong tumakbo palabas pero bago pa ako makalabas ay tinawag ni Mr. Martin ang pangalan ko.

"Sebastian!"narinig kong tawag sa akin

Lumingon ako nang may pagtataka sa mukha.

"A-Ano po y-yun?"kinakabahan kong tanong

"Salamat nga pala at pumayag ka sa plano namin"sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niya. Sa pagkakatanda ko ay di ako pumayag sa planong iyon. Tiningnan ko si Dad at alam niyo ba ang mukha niya?Ganito -> ^_^

Seriously?Anong klaseng tatay 'to?

"Ah A-Ayoko po diyan s-sa - - -"naputol ang sasabihin ko dahil sumingit si Dad

"Ian!Lumabas ka na,naghihintay na si Mang Randy"sabi niya.

Lumabas nalang ako at napa-iling. Gusto kong pakasalan si Ayerah pero sa tamang panahon at hindi ngayon. Masyado pa kaming bata para diyan. Isa pa, ayokong dahil lang sa pera ang kasal namin.

Nang maihatid na ako ni Mang Randy sa paaralan ay nakita kong masayang nakikipag-usap si Ayerah kasama ang mga kaibigan niya. Dadaan ka lang, Ian sabi ng isip ko. Pero itong lintek na puso ko ay para gustong humiwalay sa katawan ko at pumunta kay Ayerah

Halos wala nang tao sa corridor dahil malapit ng mag-time. Pero parang may nakalimutan ako, 7:20 na! Kahit alam kong late na ako ay nagmamadali parin akong tumakbo.

Nang malagpasan ko na ang pwesto nina Ayerah ay nakahinga na ako ng maluwag.

Pero...

*BLAG*

"Aray ko"sabi ko habang hinihimas ang ulo ko.

Ang dungis ko na! Kasalanan 'to ng putik eh. Yung damit ko may mga dumi na at yung mukha ko? Ayun!Sobrang dumi na rin. Tumayo na ako. Nagulat ako dahil sa hindi inaasahang pagtulong ng taong akala ko ay walang puso.

"Here"sabi ni Ayerah sabay abot ng panyo. Ito rin ang panyo na napulot ko malapit sa kinauupuan ko kahapon.

"Ayaw mo?"tanong niya muli

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at kinuha ko na ang panyong inabot niya sakin.

"Thank you"sabi ko at binigyan siya ng isang ngiti

Mas nagulat ako ng sinuklian niya ako ng isang matamis na ngiti na ngayon ko lang nakita.

Tinawagan ko si Mang Randy at sinabihang magpapasundo ako.

Sa araw na 'to, nakita ko ang matamis na ngiti ng isang Ayerah Martin. Sana ganyan nalang siya palagi...

- - - - -

AUTHOR'S NOTE:

Pahinging FEEDBACKS :(..

Every monday po ang update nito. ^.^

THANK YOU FOR READING THIS STORY.

~Hillary

Ms. HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon