Chapter 8 - Stupid Contract

205 72 24
                                    

Ayerah's Point Of View

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Agad-agad akong bumaba at nakita doon si Niel na nakahiga sa sofa. Teka? Anong oras na ba? Tiningnan ko ang orasan sa may tv at WTF?! 11:45 na?! so it means na halos limang oras akong tulog?Tss kaya naman pala tumutunog na naman ang tiyan ko.

Lumapit ako kay Niel at inalog-alog ito.

"Psst"inalog alog ko ulit siya. Tulog-mantika din ang isang 'to

"Hoy!"sigaw ko sa kanya at lalong linakasan ang pag-alog.

"Hmm?.."

Salamat naman at nagising na 'to. Bakit ba kasi hindi pa ito umuwi kanina? Baka hinahanap na sya oh!

"Gising na diyan!Pag-hindi kukuha ako ng pusa"pagbabanta ko sa kanya. Nakakatawa ang reaksyon niya nang marinig ang salitang pusa. Alam niyo naman siguro kung bakit di ba? Takot na takot siya sa pusa eh

"Subukan mo lang, kukuha ako ng ipis sige ka!"sabi ni Niel

Piningot ko nalang ang tenga niya. Sige na talo na ako. Ayaw na ayaw ko sa ipis. Nakakadiri at nakakatakot kaya yun! Umupo ako sa tabi niya.

"Bakit ka pa nandito?Alas-onse na ah"tanong ko

"Syempre binabantayan ka"sabi ni Niel. Inirapan ko nalang siya para matago ang ngiti ko. Kung hindi ko lang 'to Bestfriend, aakalain ko talaga na may gusto sakin si Niel.

"Ok ka na ba?Ano bang nangyari kanina?"tanong niya.

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

"Ok na ako tsaka wag mo nang isipin yun"sabi ko sa kanya

Tumango nalang siya.

" Ok ka na ba talaga?Kung hindi,dito nalang ako matutulog ulit"sabi niya

"Ok na ako. Ano ka ba?"sabi ko

"Sigurado ka na diyan ah"sabi niya. Tumango ako at nagpasundo na siya sa driver niya. Pumunta na lang ako sa kusina. Binuksan ko ang ref para kumuha ng isang luncheon meat.

In-on ko na ang stove at pina-init muna ito. Natuto akong magluto dahil kay Mommy.

Nang matapos ko na maluto ang luncheon meat, kumain na ako. Linigpit ko na ang pinagkainan ko at didiretso na sana sa kwarto ng makita ko ang picture frame kung saan masaya kaming naglalaro nina Mommy at Daddy sa park.

Dumiretso na ako at humiga sa kama.

Kinabukasan. Agad akong nagising dahil sa tinatawag ako ni Manang.

"Mam Ayerah"sabi ni Manang habang kumakatok

"Ano ho yun?"tanong ko.

"Pinapatawag ka po ni Sir. May pag-uusapan daw po kayo" narinig kong sabi ni Manang

Agad agad akong pumunta sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush.

Bumaba na ako at nakita ko si Daddy kasama ang isang lalaki at si...Mr. Nerd?!What he hell is he doing here?

"Ayerah, pwede ba kitang kausapin?"tanong sa akin ni Daddy

"Kausap mo na ako di ba?Nagtanong ka pa!"sagot ko sa kanya

Nag-buntong hininga nalang siya at nagsimulang nagsalita.

"These past few months,me and Mr. Madrigal decided that the both of you will be having an arranged marriage. We already plan the details"halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Daddy.

"AYOKONG MAGPAKASAL!"sigaw ko

Nakita ko naman na napailing na rin si Sebastian. Based on his reaction, alam kong alam na niya ito. Tss Stupid Humans!

What a stupid Contract is this?Because of their business,magpapakasal kami ni Mr. Nerd?How dare them!

Lumapit ako kay Nerd ng naka-poker face sabay bulong ng...

"Ang ayoko sa lahat ay yung pinapakialaman ang buhay ko. At sino ba namang babae ang hahangading makapangasawa ng isang low-class na nerd?Stupid Ugly Nerd"

Nagulat siya sa binulong ko dahil biglang nanlaki ang mata niya. Ha! Walang mangyayaring kasalan ..

_________________

Author's Note:

Ano kaya ang mangyayari sa next chap?Abangan :)

©HillariousWP


Ms. HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon