Chapter 9 - Unknown Caller

214 58 26
                                    

Ayerah's Point Of View

Nang magsink-in lahat sa utak ko lahat ng sinabi ko kay Sebastian. Tumakbo nalang ako papasok muli sa kwarto ko.

Nakokonsensya ako. Bakit ba kasi sinabi ko yun?Ang tanga mo Ayerah!

Kinuha ko ang life size bear ko na binili ni Mommy 8 years ago. Sinuntok-suntok ko ito sa mukha, At nagsisigaw na parang baliw.

"Nakakainis talaga sila. Buhay na may buhay pinapakialaman?Dahel!!" Napatigil ako sa pagsigaw ng biglang tumunog ang tiyan ko. Shit. Di pa ako nagaagahan. Pasado alas-nwebe na eh.Naku!

Pagkabukas ko palang ng pinto ay may nakita akong sulat. Dahil sa na-curious ako, pinulot ko ito.

Ayerah,

Katulad ka din pala nila...

Kinilabutan ako sa nabasa ko. Iisa lang naman ang pwedeng magpadala nito eh. Si Sebastian.

Anong ibig niyang sabihin na Katulad? Nila?

Nevermind. Pero alam ko sa sarili ko na nakokonsensya ako. Masama man ako (oo tinatanggap ko yun) madali pa rin akong umiyak, masaktan, makonsensya at magmahal.

Porket masama bawal nang magkagusto? Nagkakagusto ako o nagkakaroon ng interest sa mga badboy ang itsura pero cool ang dating.

Hindi yung mga Gangster-Wannabe diyan.

Casanova! Yeah. Gusto ko yung casanova na pa-fling fling lang at walang seryosohan.

Teka! Hindi lovelife ang ikukwento ko. Gahd!

Bumaba ako at nakita ko si Daddy na kumakain. Didiretso na sana ako sa kusina ng magsalita siya.

"Ayerah..." narinig kong tawag ni Daddy

Liningon ko siya at binigyan ng anong-kailangan-mo look.

"Umupo ka dito, may paguusapan tayo" Wala na akong nagawa pa. Umupo na ako sa kabilang dulo ng mahabang mesa. Tiningnan ko siya ng matalim at inirapan.

Inilagay ko ang sinangag at bacon ng padabog sa plato ko. Nakita ko sa peripheral view ko si Daddy na napatingin sakin. Pinatuloy ko lang ang paglalaro sa pagkain hanggang sa...

"Ayerah! Tumigil ka diyan! Kung paglalaruan mo lang ang pagkain,pwede bang umupo ka lang diyan at makinig sa sasabihin ko?!?!"sigaw niya

Napatigil ako. Kahit na gutom na gutom na ako, titiisin ko nalang. Nakakabanas naman oh!

"Anong sinabi mo kay Sebastian?"tanong ni Daddy

Agad ko siyang liningon at binagyan ng isang poker face with a smirk.

"Pinayuhan ko lang, sakaling mahimas-masan.." sabi ko habang di ko pa rin inaalis ang isang nakakalokong ngiti.

"Kinausap ka ba niya kanina? Sinundan ka niya pero parang ang bilis naman ata ng paguusap niyo" pagtatakang tanong ni Daddy.

So sinundan niya pala ako? Ha-ha-ha para saan? Bobong Nerd pala siya eh! Teka! meron ba nun??

"Hindi kami nagusap. Ano pa ang tanong mo?"irita kong tanong sa kanya

"Tungkol sa kasal..." Napatigil ako bigla.Shit. Seryoso pala talaga sila diyan sa kasal na yan?

Namumula na ang mukha ko dahil sa galit. Gusto ko ng kaibigan ngayon pero walang Neil. :(

"Daddy naman! Bakit ba atat na atat ka na magpakasal ako?Damn! Pera lang ba? Sabagay mukha ka namang pera eh!"sigaw ko. Fuck. Tumayo na ako at naglakad palabas ng bahay. Pero bago pa ako maka-apak sa pintuan...

Isang malutong na sampal ang ibinigay sa akin ng sarili kong ama. Napahawak ako sa pisngi ko. Feeling ko ay namumula na ito dahil sa lakas ng sampal niya. Tuloy-tuloy na ang pag-agos ng luha ko.

Wala ito sa mga nakuhang sakit sa katawan ni Mommy noon. Alam kong malayo, malayong malayo sa nararamdaman ko ngayon, ang naramdaman ni Mommy noon sa kamay ng sarili niyang asawa.

"Wala kang kwentang ama!" sigaw ko.

Tumakbo na ako palayo. Palayo sa gulo, palayo sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Si Daddy ang dahilan kung bakit ako ganito. Kung bakit ako masama sa mata ng maraming tao.

" Cecilia, you're breaking my heart

You're shaking my confidence daily

Oh Cecilia, I'm down on my knees

I'm begging you please to come home "

Nakaipit pala sa mini-skirt ko ang cp ko. Tiningnan ko ang tumatawag pero unregistered ito.

Hindi ko alam kung bakit in-answer ko ang tawag.

"Hello..." kabado kong bati.

"Ayerah Martin, maghanda ka na dahil kakainin mo lahat ng sinabi mo tungkol sa akin..."

Natulala ako sa narinig.Ako? Maghahanda? Para saan? Baka na-wrong dial? Pero bakit minention yung pangalan ko? Boses lalaki siya pero hindi masyadong pamilyar sa akin. Ilang beses kong dinial ang number ng unknown caller pero cannot be reach na 'to. Pakshet naman oh! Sino bang baliw ang tumawag sakin? Nacu-curious na ako kung sino siya.

_________________________

Author's Note:

Hello guys! Medyo masama ang panahon ngayon dahil sa bagyong Ruby. Please Lord, iligtas niyo po kami. Keep praying guys. God loves us as always :')

©HillariousWP

Ms. HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon