I Know

48 8 0
                                    

Riza POV

Kasalukayan akong nasa Canteen kasama ang anim kong kaibigan. Nagkwe-kwentuhan ang mga ito,samantalang ngiti at tango lang ang isinasagot ko kapag tinatanong nila ako. Hindi kasi mawala sa isip ko ang narinig ko noong isang araw.

FLASHBACK

Uwian na.
Naisip kong maglakad nalang tutal ay maaga pa naman at maganda ang panahon. May narinig akong nag-uusap sa isang iskinitang nadaanan ko. Napatigil ako ng mabosesan ko ang dalawang lalakeng nag-uusap. Nagkibit-balikat nalang ako at maglalakad na sana ulit ng marinig ko ang pangalan ni Jean Patricio,iyakin kong friend xD kaya nagtago ako at tahimik na nakinig.

"Okay Dale! It's a Deal. Kapag hindi mo napasagot si Jean hanggang Friday sasama ka samin Gumimik on Sunday." Sabi ng isang lalaking sa tanto ko ay si Dennis.

"DEAL! Friday!" Sagot ni Dale at nagkamay pa ang dalawa.

END OF FB

Ito ang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ng malaman ko na sinagot na ni Jean si Dale. Nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko ba o hindi ang narinig ko. Kung sasabihin ko kasi agad hindi mararanasan ni Jean na makasama si Dale which is First Love nito so I decided to keep my mouth shut. Sana lang tama ang decision ko crossfinger na sabi ko sa isip ko.

"Paano ba yan,Riza?" Tanong ni Rona na nagpagising sa akin. Ngumiti lang ako na parang nahihiya pero ang totoo hindi ko talaga narinig ^_^V

"Hulaan ko. Di mo narinig noh?" Sabi ni Jomaika Marquez, ang aking Chubby friend. Ngumiti ulit ako at nahihiyang tumango. "Ang lalim kasi ng iniisip eh!" Kantyaw niya.

"Oo nga! Ano ba yang iniisip mo? At di mo kami pinapansin" kunwaring nagtatampong sabi ni Geraldine Pedrasta, K-POP friend ko.

"W-wala!" Maang-maangan na sabi ko.

"Uulitin ko ha!" Sabi ni Rona with matching flip pa ng hair. "Ang sabi ko, paano ba yan ikaw nalang single sa atin.?" Sabi niya at tinitigan talaga ako. Di ko tuloy alam kung anong sasabihin ko, totoo naman kasi ako nalang ang single saming pito. Meron namang nanliligaw sakin pero ewan ko ba. Di ko kasi maramdaman sa kanila yung tinatawag na SPARKS. At isa pa, priority ko kasi talaga ang studies ko kaya hangga't maaari ayaw ko munang makipag-commit.

Bubuka, sasara ang bibig ko. Nalunok ko yata ang dila ko kaya ngumiti nalang ako.

"Ano na?" Tanong ni Geraldine.

"Naku Riza! Wag mo kaming daanin sa pangiti-ngiti mo." Dagdag pa ni Jomaika.

"Ehhh..." ang tanging nasabi ko sabay kamot sa ulo ko.

"Eh-eh ka diyan!" Natatawang sabi ni Jean na mahahalata mo talagang sobrang saya.

"Bakit kasi napunta sakin?" Balik-tanong ko sakanila. Sobrang excited kasi ang mga ito na magka-boyfriend na ako.

"Di ka kasi nakikinig." Pasigaw na sabi ni Tessa

"OA much teh? Lapit-lapit ko lang sa'yo oh." Sabi ko kay Tessa trying to change the topic.

"Tama na guys! Si Riza, umiiwas." Sabi ni Kath na naka-emo attire na naman. Mangungulit pa sana ang mga ito ng may lumapit sa amin at sinabing pinapatawag ako ni Mrs. Argie Arbis professor ko and at the same time College Dean. Napangiti ako sabay tayo.

"Pano ba yan Guys?" Natatawang sabi ko habang kinukuha ang bag ko.

"May next time pa naman! Wag ka munang magsaya." Sabay sabay na sabi ng mga ito. Natawa na lamang ako at nagwave ng kamay.

"Mauna na ko!" Paalam ko sa kanila at sumunod na sa estyudanteng sumundo sa akin.

- - - - -

It's A DealWhere stories live. Discover now