8. Comfortable

4 0 0
                                    


CHAPTER 8

COMFORTABLE

* - - - - - *

RIZA POV

Nasa School Canteen ako ngayong araw. Kasama ko si Jean, Jomaika at Tessa, sumaside-line kami. Hanggang 5 ang duty namin at 3:00 na kaya medyo kaunti na lang ang tao dahil nasa kanya-kanyang klase ang mga studyante. Hindi naman masyadong boring dahil nagdadaldalan lang kami dito.

"Tapos na yung practice ng basketball team. Papunta na sila dito." Hinihingal na sabi ni Tessa. Nasa labas kasi siya para tignan kung tapos na magpractice ang basketball team. Pa-ispecial kasi ang mga iyon at gustong - gustong inaasikaso. Hindi nalang pumila gaya ng ibang students, gusto lalapitan pa.

As usual umupo ang mga ito malapit sa counter. Lumapit agad si Jomaika sa kanila para tanungin kung anong kakainin nila. Si Jean ang Cashier at ako ang nakatoka para magprepare ng order nila. Bukod pa ang taga-luto at ibang gawain sa loob. Kapag maraming tao kaming tatlo ang nag-aayos ng order. Pero dahil kaunti lang ay kami lang muna ni Tessa.

Habang kumakain sila ay napansin namin na nagtaas ng kamay si Dale kaya lumapit agad si Jomaika sa table nila.

Nakakunot ang noo nito ng lumapit sa kanila. "Tawag ka daw ni Dale." Sabi nito na nakatingin sakin.

"Ako? " takang tanong ko. Tumango naman si Joma. Nang tignan ko si Jean ay nakatingin siya sakin na parang nagtatanong ang mga mata. I just shrugged my shoulders telling her na malay ko.

Nang makalapit na ko sa table nila ay biglang tumayo si Dale kaya sumunod ako. Tinawag pa nga siya ng mga kasama niya pero tinaas lang niya ang kamay niya telling them to wait.

"Problema mo? " nakataas ang kilay na sabi ko ng huminto ito sa paglalakad. Lumayo lang kami ng kaunti para hindi nila kami marinig. Napansin ko pa nga na tinitignan nila kami mula sa pwesto nila. Buti nalang at nakatalikod si Dale sa kanila kundi mamimis-interpret nila ang kilos nito.

Yung itsura niya kasi halatang balisa at kabado. Para siyang torpeng matagal nag-ipon ng lakas ng loob at handa ng umamin ng nararamdaman ngayon. I crossed my arms on my chest ng hindi pa rin siya magsalita. After a minute ay nagsalita na siya.

"I-I don't know how -- " sabi niya na tila naguguluhan. I smirked.

May konsensya pala ang loko.

Gusto kong marinig mismo sa kanya kung anong sasabihin niya pero may kutob na akong it's about our DEAL.

After a couple of minutes ng paghihintay ay hindi pa rin siya nagsalita. Nakatingin lang siya sa akin na parang nag-aalinlangan.

I heaved out a sigh. "Just act normal." I decided to speak. Kumunot naman ang noo nito. "Tell her you're sorry and offer friendship. She won't reject you, I'm sure of that." I said then walked out.

- - -

Umaayon ang lahat sa plano ko. Magkabati na si Jean at Dale, maayos na rin ang relasyon nilang dalawa bilang magkaibigan. Samantalang ako ay unti-unting gumagaan ang loob sa dating kaaway na si Dennis.

Don't get me wrong ha. What I mean is I feel comfortable with him na. Hindi katulad dati na presence palang niya umiinit na ang dugo ko. Ngayon, sanay na ko na nakikita siya pero mabilis pa rin akong mainis sa kanya sa tuwing nang-aasar siya. Likas na yata ang pagiging asarero ng lalaking yun.

"Kain na! Kanina ka pa tulala." Nabalik ako sa realidad ng alokin ako ni Dennis.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin na nandito ako ngayon sa bahay niya. Bukas na kasi ang performance namin kaya todo practice na kami.

It's A DealWhere stories live. Discover now