10. Choice

8 0 0
                                    


CHAPTER 10

CHOICE

* - - - - - *

Riza POV

After all those years na enemy ang turingan namin ni Dennis, sinong magaakala na magiging magkaibigan pa kami kung kelan malapit na kaming gumraduate.

Kung hindi dahil sa "DEAL" na pakana nito ay hindi kami magiging ganito kakomportable sa isa't-isa. Nakakapag-open siya sakin ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya at ganun rin ako.

" Riza, okay na ba kayo ni Kirk ? " tanong ni Rona sakin pagkatapos nilang magbulungan ni Kath.

Si Kirk ay isa sa mga kaibigan ni Dennis plus he's also my ex. First Boyfriend to be exact pero matagal na naman yun, ang kaso nga lang simula nung naghiwalay kami di kami okay pero di rin kami hindi okay. Magulo ba ? Hehe. Well, sabihin nalang natin na naapply namin ang kasabihan na "Ex's can't be friends".

"Ano namang nakain niyo at bigla niyong natanong?" I asked one brow raised pero di ako galit , nagtataka lang.

"Wala naman. Diba friend siya ni Dennis. Baka lang naman magkailangan kayo. Ganern ! " sabi ni Kath with matching kibit-balikat.

"Okay naman kami." Walang gana kong sagot.

"Sure ??" Tanong nilang dalawa na uber makatitig. Imbes na sumagot ay tumango nalang ako habang tumatawa.

Wala naman na kasi talaga. Ang kukulit lang.

- - -

Haayyy !!!!

Ang Boring naman !!!! - Reklamo ko sa isip.

Actually hindi lang ako, kundi pati na din ang mga friends ko. Nandito kami sa may garden ngayon nakasalampak sa green grass at naghihintay ng milagro. Haha .. Paano ba naman kasi , wala na kaming ginagawa. Malapit na kasi ang semestral break kaya petiks petiks lang ang mga students. Naipasa na namin lahat ng mga requirements na kailangan ipasa kanina kaya tengga lang kami dito.

Kung ako lang, gusto ko na talagang umuwi para makatulog ako ng maayos. Kaso, ayaw ako pauwiin ng mga lokaret na ito. Maglalaro daw kami ng Spin the Bottle. Parang High School lang ang peg noh ? But I know more. Alam kong may gusto lang silang malaman kaya pinagkakaisahan nila ako. Ako kasi yung tipo ng tao na kailangan pilitin bago mapaamin.

"Ang tagal naman nung dalawang yun!" Reklamo ni Jean habang nakapalumbaba.

Pumunta kasi si Joma at Ge sa Canteen para bumili ng bottled water ng sa gayon ay may gamitin kaming pang spin.

"Baka natabunan na." Natatawang sabi ko.

"Game na !!!!!!" Narinig kong sigaw ni Ge kahit na malayo palang siya. Excited much lang ang peg.

"May sinasabi si Riza." Natatawang sabi ni Jean nang makalapit ang dalawa.

"Uy ! Salbahe !!" nakairap kong sinabi na tinawanan lang niya.

- - -

Nagsimula na kaming maglaro. Si Rona ang unang natapatan.

"Truth Or Dare ? " tanong ni Ge na siyang nag-ikot ng bote.

"Truth" sagot ni Rona. Nagtanong naman si Ge ng tungkol sa love life na agad namang sinagot ni Rona. Puro ganun lang ang tanungan kapag truth at nang natapat na sakin ay nag-dare ako dahil wala naman akong love life.

"Dare" sabi ko. Napasimangot naman silang anim sa sinabi ko. Pero ng binulungan ni Rona si Jean, na siyang magtatanong, ay lumiwanag agad ang mukha nito.

It's A DealWhere stories live. Discover now