Agreement

60 9 1
                                    

Riza POV

Nagmamadali akong umakyat sa hagdan papunta sa unang subject ko. Tinanghali kasi ako ng gising eh. Pero teka-teka! Bago ang lahat. Ako nga pala si Riza Lanat, isang 4th year Accountancy Student. Mamaya nalang yung iba kasi mala-late na ko :-(

Habang umaakyat ay nagdarasal ako na Sana malate si Ma'am o di kaya ay um-absent. Minsan lang ako humiling ng ganito kaya sana dinggin ang panalangin ko. Huhuhu T_T pag nagkataon Patay ako nito. Pero dahil Positive Thinker ako nag-chant ako na "Sana malate si Ma'am" ng paulit-ulit.

Paliko na sana ako sa isa pang hagdan ng may bumunggo sakin. "Aray!" reklamo ko. Mabuti nalang at flexible ako kaya nakakapit agad ako sa braso ng bumunggo sakin dahil kung hindi ay baka gumulong na ako pababa. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko only to see Dennis' face The hottest Man in our Campus. Mabilis pa sa kidlat na dumistansya ako sakanya.

"You're almost late." nakasmirk na sabi niya sakin. "Pasalamat ka, wala pa si Prof." ibinulsa pa niya ang kanyang mga kamay na kinainis ko lalo.

"Di mo ko kailangang sabihan!" naiinis na sabi ko. "And I know! kaya nga ko nagmamadali diba ? TABI !" pagsusuplada ko. Binunggo ko pa nga siya eh. Umakyat na ko at nagdire-diretso sa room.

- - -

"Good morning!" sabay-sabay na bati sakin ng mga friends ko.

"Good morning din!" balik bati ko at bored na umupo sa desk ko. Isa-isa naman silang nagsilapitan sakin at pinalibutan ako.

"What happened?" curious na tanong ni Tessa, nakataas pa ang kilay. Siya si Tessa Estuesta, ang bubbly kong friend Hotel and Restaurant Management Student yan.

"Oo nga. Any problem ?" segunda ni Rona Lopez. Ang aking Kikay friend. HRM Student din yan.

"Siya na naman ba?" tanong ni Kathleen Oyzon na ang tinutukoy ay si Dennis. Si Kath, ay ang aking Emo friend. Architecture student naman yan. Nagtataka siguro kayo kung bakit kami halo-halo noh? Open Section kasi kami. Gusto ko sana magblock section kaso hindi nagtutugma sa schedule nila kaya nagsacrifice ako XD Worth it naman, kasi kapag stressed ako sa Accounting Subjects ko pinapasaya nila ako.

Tumango nalang ako sa sinabi ni Kath. Sa tuwing nawawala kasi ako sa Mood alam na nila ang dahilan. Isang tao lang naman ang kinaiinisan ko sa lahat ng classmates ko at iyon ay si Dennis Mondejar.

"Magkwento ka naman!" udyok ng tatlo na kiniliti pa ako sa tagiliran.

I just rolled my eyes on them and said "Your just wasting your time." nangalumbaba nalang ako habang naghihintay kay Ma'am.

- - -

Dennis POV

I'm Dennis Mondejar, 4th year Business Administration Student. Yan lang muna ang sasabihin ko. Gusto ko kasi may paMysterious Effect :-). Pero ang totoo niyan tinatamad lang talaga ako magkwento tungkol sakin kaya yan lang muna xD

Vacant Period namin ngayon kaya nakatambay lang kami ng tropa sa Congregating area. Ang Susunod na subject ay Accounting kaya magkaklase sila ni Riza. Pero nalaman ko na wala kaming Professor dahil nasa seminar si Mrs.Taay.

Habang nakaupo ay inayos ko ang bag ko para makahiga ako. "Hay! Salamat!" sabi ko habang nag-uunat.

"Thankful ka kasi ? wala si Mam o di mo cya makikita?" tanong ni Dale Rugayan, isa sa tropa niya na lagi niyang kasama. Isa itong Civil Engineering student at tugmang-tugma ang schedule nila.

Umupo muna siya bago sumagot ng "Both!" sabay ngiti at sabing "About that Jean thing. Diba we have an agreement ?" tanong niya sa kaibigan.

"Oo nga pala!" mabilis pa sa alas kwatrong sabi ni Kirk Gamosa na Civil Engineering student din. Nagsilapitan agad ang iba pa nilang katropa upang maki-usyoso.

"Diba bukas na Deadline nun" sabi ni Eugene Uy, Business Student at masasabi ko na pinakaclose ko sa lahat kasi magkababata kami. Our families are business partners kaya bata palang tropa ko na yan.

"Yeah, I know." malungkot na sabi nito. Natahimik naman kaming lahat. Ako na ang bumasag sa katahimikan. Hinawakan ko siya sa balikat.

"What's the problem?" tanong ko na medyo may halong sympathy. Pero nagulat kami ng bigla siyang ngumiti at sinabing.

"Kami na." mayabang na sabi nito. Binatukan ko tuloy, may Pasuspense pang nalalaman. "Aray!" reklamo niya habang kumakamot sa ulo.

"Whoa! Congrats! Kailan pa?" sabay na sabi ni Kirk at Eugene. Napailing-iling nalang ako.

"Just a while ago." mayabang ulit na sabi nito, may kibit balikat pang kasama. Nakatanggap tuloy siya nang batok galing sa dalawa. Pero imbis na masaktan ay tumawa lang ito. "Pano ba yan,Dennis?" tanong niya sakin habang ngiting-ngiti.

Binato niya rito ang bag ngunit tumatawang sinalo lamang nito iyon. "Okay fine! You won this time. Ligtas ka na sa parusa mo." kunwaring galit kong sabi pero deep inside natutuwa rin ako. Sigurado ako na kapag nalaman ito ng tatlo pa nilang tropa ay makakatanggap na naman ng batok itong si Dale.

- - -

Merry Christmas Everyone :-)

It's A DealWhere stories live. Discover now