IT HURTS TO SEE YOU

1K 53 17
                                    


ROME

Siyempre dahil tatay ko si Emil Katipunan at sa kanya ang Katipuneros, palaging may pagkain ang mga doktor, PT at nurses dito sa ward kung nasaan ako. Pati mga kasama kong sundalo na naka confine at mga dalaw nila may pagkain at meryenda. I tried to stop them pero dahil para din naman sa mga bayani ng bayan eh di pagbigyan ang matanda, mayaman naman eh. Nalaman ko sa nurse na yung para kay July Cruz iba ang food pack niya. Natawa ako dun sa nurse na yun.

"Alam niyo sir,kay July, yung PT niyo, sosyal mga regalo sa kaniya eh. pati din kay Dr. Hanson. Pero si Dr. Hanson inuuwi yung sa kanya si Julu, pag nakakuha na siya ng isa, ibinibigay na niya sa amin."

Siya at si July lang ang di natatakot sa akin. Sabi niya,

" Sir, matanda na ako, forty. May asawa at mga anak na ako kaya di na ako natatakot or kinikilig sa iyo. Hahaha. Pero si July wala naman boyfriend yun na alam ko, kaya di ko alam bakit hindi siya apektado sa kaguapuhan niyo. Pero sir, come to think of it, bagay kayo ha! Kahit mas bata si July sa inyo. Age does not matter naman eh."

Siya si Nurse Susan. Maganda, a little chubby at palaging nakangiti. Mayron din isa na mabait yung pt na maliit, si Kitty, nakangiti din yun all the time. Si July nakangiti din sa lahat ng sundalo at mga pasyente. Pero pagdating sa akin, hindi siya ngumingiti. Kasalanan niya. Di ko naman siya inaano. Kung napipikon sa akin, bahala siya. Minsan dahil siguro sa inis sa akin, pinalo niya ng ballpen ang paa ko habang chinecheck niya.

My foot is in a metal lizarov apparatus and I am not allowed to stand without support. Stand for a long time. I need to use the wheel chair for the meantime. Proper healing of my bones daw according to Captain Hanson at kay July, 8 to 12 months.

"Eight to twelve months?"

"Yes sir."

"Teka, pano trabaho ko?"

" You can report to your commanding officer at the HQ, I will give you supporting documents about your condition sir."

" Hindi ako makakapunta ng unit ko?"

" I can not answer tHat sir. I can only answer about your foot condition. If you want to walk again, I strictly WANT you to stay put and follow Doctor's orders or you will end up in that roller the reSt of your life."

" When will I be discharged here?"

" Pag walang fever the whole day today and tonight, you may go home tomorrow."

" Okay, Captain. Thank you."

Buti na lang mabait tong doctor ko. Bukas tatawagan ko yung Batcom (Batallion Commander) ko tatanungin ko kung ano ang dapat kog gawin. As much as possible kailangan makabalik ako sa unit ko. Ayokong tumira sa bahay. Ako na lang ang makikita ni Mommy. Mula pumasok ako sa PMA, hindi na ako sanay na pinagsisilbihan sa bahay. Kaya hindi ako umuuwi kasi palagi akong kinukulit ng tatay ko na walang kasama yung ate ko na titingin sa business. Puro negosyo ang laman ng usapan namin pag nagkikita kami, pag kumakain kami. Ako ang na a out of place kasi, di ko naman alam ang mga pinagsasabi nila.

Si Ate mabait yun. Kabaliktaran ko. Hindi man lang nagalit yun sa akin kahit nung lumalaki kami. Kung ano ang gusto ko nun, binibigay niya. Pati yung sasakyan niya naibangga ko nung minsang umuwi akong lasing, bagong auto, pero hindi talaa niya ako pinagalitan. Minsan lang. Nung sinigawan ko si Mommy kasi ang kulit. Kinausap ako ni Ate nun. Lalo na nung naghiwalay kami ni July, di na ako umuuwi. Nagpa assign pa ako sa Mindanao paradi ako madalas mapuntahan ng mga magulang ko.

Ngayong nadisgrasya ako sa operation, siya yung umayos sa med evac ko kasi walang available na eroplano ang AFP kasi puspusan ang operations ngayon kaya natagalan ako sa Mindanao. Yung chopper ng kumpanya ang ginamit. Yung ginagamit niya pag nagpupunta siya sa mga lugar na kailangang puntahan niya. Humingi lang sila ng clearance sa Army para dun ako sumakay papunta ng V. Luna.

Sana bukas madischarge na talaga ako.

Bukas, hindi ko na makikita si July. Nung makita ko siya, gusto kong magalit, pero gusto ko din siyang yakapin. Namiss ko siya ng sobra. Five years na lumayo ako. Five years na wala akong balita. Nung pumasa siya sa board exam para sa mga PT dun ko lang nakita ang picture niya ulit. Sa tv, #2 siya. Pag ikinukuwento siya ng Mommy ko, pinapatigil ko siya. Alam ko nag uusap pa sila ng mommy ni July. Minsan tinawagan ako ni Tita Tina, kinamusta niya ako. Sinabihan ko siyana okay lang naman din ako. Pero siguro dahil sinabihan din siya ni July, hindi na siya tumawag pa.

Nagkita kami bg Daddy niya sa Davao. Kami ang incharge sa security dun nun, nandun ang dad niya. senator na siya ngayon. Tumatakbo pa lang siya nun.nung makita niya ako,niyakap pa niya ako. Nakakalungkot lang at ngayong gusto na nila ako, anak naman na nila ang may ayawsa akin.

Pag nakikita ko siya ngayon, the event thay happened five years ago is still so freah in my mind. It hurts so bad. Ang sakit sakit.

Nakipag date ako after her. Nagka girlfriend din pero wala eh,siya pa rin ang nasa puso ko. Siya kaya? May iba na ba siya?

Author: Ano ang nangyari kina Rome at July, abangan ang susunod na kabanata. Hahahaha. Please vote, comment and share. Thank you guys. Stay safe

ROME & JULY Book IIWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu