꧁ ҳҳҳıı | тяєιηтα у ᴅσѕ

2K 52 7
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

"Paano kung sabihin ko sa iyo na isang pares ang bituin na iyan?" pamisteryoso kong tanong sa kanya.

Ang alam ko'y unang nadiskubre ang Sirius A at nalaman lamang ng mga siyentipiko ang tungkol sa Sirius B matapos ang ilang taon.

"Tunay ngang nag-iisa ka," namamanghang sabi ni Ibarra bago nakangiting tumingin sa langit, "Ang mas matingkad na tala ang unang natuklasan at nakilala. Samantalang nagawa nitong ikubli ang kanyang kapareha ng matagal. Ngunit sila ay magkarugtong. Ipinanganak sa takdang oras ang nakadiskubre sa kanyang kabiyak. Nakilala at namalas sa lahat ang kanilang pagtakhan."

Nanatiling nakatanaw si Ibarra sa kalangitan ngunit natali ang mga mata ko sa kanya. Sa mga mata niya, nakikita ko roon ang karagatan ng mga tala. Ngunit imbis na araw ay buwan ang nasa sentro nito.

Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig sa kanyang mga mata. Ngunit agad akong napalihis ng tingin nang lumingon sa akin si Ibarra.

"Iyong nabanggit ang mga nakilala mo sa Europa. Sadya bang totoo na naiiba ang mga kababaihan doon kaysa rito sa Filipinas?" ang naitanong ko upang hindi niya mahalata ang pag-iwas ko ng tingin.

"A! Sila," ang narinig ko kay Ibarra, "Sa Europa ay marami akong natutunan. Mapalad akong nakapagbasa ng isang pambihirang anekdota. Ang may akda nito'y hindi gaanong kilala ngunit nahihitik sa karunungan ang kanyang katha."

Hinintay ko ang kanyang susunod na sasabihin ngunit katahimikan na ang namayani sa paligid. Ako'y napalingon sa aking gilid sa pag-aakalang nakatulog na si Ibarra dahil sa kapaguran.

Ngunit nagkakamali pala ako. Sa pagpiling ko sa kanya'y aking napagtanto na hinihintay lang pala niya akong tumingin sa kanya.

"Ayon sa kanya, naiiba ang nakikita ng mga mata niya. Ang mundo ay isang napakalawak na hardin. Ang mga nilalang na tumatamasa sa masagana nitong lupa ay ang iba't ibang uri ng bulaklak. At ang Diyos ang Siyang hardinero na namamahala at nangangalaga sa Kanyang hardin," makulay niyang pagkukuwento.

"Kung gayon ay nalalaman ba ng may akda kung anong uri ng bulaklak ang makikita sa Europa?" pabiro kong tanong.

Nakita kong kumurba ng kaunti ang kanyang labi. Naghangad tuloy akong marinig muli ang kanyang tawa subalit hindi ito nangyari.

"Walang nabanggit ang may akda. Ngunit, Mirasol, ako'y may sapantaha," aniya.

"Ang mga kababaihan sa Europa ay namumulaklak na parang mga tulip. Iba ang kanilang pag-ibig. Masidhi, malalim at kung minsan pa'y mapusok. Samantalang maihahalintulad ko naman sa isang makahiya ang mga binibini rito sa Filipinas. Sa isang marahang haplos lamang, sila'y uurong. Ang mga bisig nila ay titiklop hanggang sa magsara ng labis. Kung mas matindi ang iyong lapit, mas mabilis at mas malakas ang kanilang tauli," paghahambing ni Ibarra.

"Wari'y marami kang nakahalubilong kababaihan sa iyong paglalakbay. Marahil ay lubos kang sumaya sa Europa," panunukso ko kay Ibarra.

Naalala ko ang mga babae ni Rizal sa kanyang buhay. Hindi naman siguro mamasamain ng iba kung sabihin kong may pagkababaero ang ating bayani. At dahil iwinangis niya ang sarili sa bida ng kanyang nobela, hindi nalalayo na marami ring babae ang dumaan at daraan sa buhay ni Ibarra.

Dahil sa sinabi kong 'yon ay napatawa si Ibarra bago sinabing, "Ako'y kapatid din ni Kain, na marunong umilag at mandaya. Ngunit tila hindi ko kaya'y magsinungaling sa iyo."

Nginitian ko siya ngunit nagtaas ako ng isang kilay upang iparating na hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

"Totoo, Mirasol, na marami akong nakilala sa aking pananatili sa ibang lupain. Mga ginoo at mga binibini. Ang mga hiyas ng kanilang lupain ay kahanga-hangang tunay. May mga marurunong sa aritmetik na kung minsan pa'y hinihingan ng opinion at kuro-kuro ng mga ilustrado roon. Ang iba naman ay may angking-lakas sa pakikipag-eskrima. Natitiyak kong kapag ikaw ay napunta roon, makakasundo mo ang karamihan sa kanila," masayang pagsasalaysay ni Ibarra sa akin.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now