꧁ ҳҳ | ʋıєŋɬє

2.1K 106 14
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

𝟷 𝟾 𝟾 𝟾 , 𝙾 𝙺 𝚃 𝚄 𝙱 𝚁 𝙴 𝟸 𝟿
𝙲 𝙰 𝙻 𝙻 𝙴   𝙰 𝙽 𝙻 𝙾 𝙰 𝙶 𝚄 𝙴
𝙱 𝙸 𝙽 𝚄 𝙽 𝙳 𝙾 𝙺 , 𝙼 𝙰 𝚈 𝙽 𝙸 𝙻 𝙰

Hindi ang magaganda't may magagarang kasuotang binibini, ni hindi ang Gobernador Heneral at ang kanyang mga kagawad, ang nakapagpatigalgal kay Padre Damaso. Wari'y hindi makakakilos sa kinaroroonan dahil sa pagpasok sa bulwagan ng isang pandak, kayumanggi, bilugan ang mukha at matabang ginoo na may katandaan na. Tangan niya sa kamay ang isang binatang luksang luksa.

Ang pagsilay ng mga mata ko sa mukha ng binata ay nagdulot ng libu-bibong boltahe ng kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat. Ang pag-iinit ng aking mga mata ay umigting. Gustong managhoy at dumaloy ng mga luhang kanina pa nagbabantang tumangis.

"Narito na siya," masigla at may pananabik na sambit ni Sinang. Nakatingin din siya sa bagong dating.

"Tiyak na magagalak si Maria," masayang tugon naman ni Neneng.

Maraming nakapansin sa pagdating ng bagong panauhin. Lalo na ang kumpol nina Padre Damaso. Sila'y nilapitan ng mga ito at nakipagkilala.

Napuno ng bulung-bulungan ang buong bulwagan na tila nagwawari kung sino ang kasama ng ginoo. Ang mga binibini ay nagsisitakip ng mukha gamit ang kanilang mga abaniko. Nahihiyang pasulyap-sulyap sa binatang ilustrado.

"Magandang gabi po sa inyo, mga ginoo! Magandang gabi po, padre," ang bati ng pandak na ginoo na noon di'y humalik sa kamay ng dalawang padre na kapwa nakalimot na siya'y basbasan.

Ang prayleng Dominiko naman na si Padre Sibyla ay nag-alis ng salamin upang tingnan ang binatang bagong dating. Samantalang si Padre Damaso naman ay namutla habang nanlalaki ang mata.

"Kapitan Tiyago!" masiglang bati ni Tinyente Guevarra sa pandak na ginoo.

Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Kung ang may edad na ginoong iyon ay si Kapitan Tiyago, iisa lang ang maaaring pagkakakilanlan ng binatang kasama niya.

Nalipat ang tingin ko sa binata at tila napako na sa kanya ang aking mga mata. Maayos at malinis ang kanyang pananamit. Nakaitim na amerikana at kulay puting polo ang pang-itaas niyang kasuotan. Tila kulay itim ding slacks ang pang-ibaba nito. Maayos ang pagkakagupit at pagkakasuklay ng kanyang buhok.

Matangos ang kanyang ilong na bumabagay sa makapal ngunit makitid at malarosas niyang labi. Siya'y maputi at matangkad.

Sa paraan ng kanyang kilos at pananalita ay napaka-elegante niyang tignan.

"Ikinararangal kong ipakilala sa inyo si Don Crisostomo Ibarra, anak ng aking yumaong kaibigan. Ang ginoong ito ay kararating pa lamang buhat sa Europa at aking sinalubong," pagpapakilala naman ni Kapitan Tiyago sa binatang kasama niya.

Pagkabanggit sa pangalang iyon ay napuno ng mga salitang paghanga ang naibulalas ng ilang panauhin.

"Juan Crisostomo Ibarra..." wala sa sariling sambit ko sa buo niyang pangalan.

Hindi ko makakalimutan ang tagpong aking natutunghayan sapagkat ito ang simula ng Noli Me Tangere.

Nakaramdam ako ng paggiliw at pangungulila mula ng masilayan ko si Ibarra. Ang kanina ko pang dumadagundong na puso ay lalong nag-ibayo na para bang sasabog na sa sobrang pagbilis ng tibok nito.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Where stories live. Discover now