꧁ ѵ | ƈıŋƈơ

2.7K 330 375
                                    

Ang mga susunod na eksena ay naglalaman ng sensitibo at maseselang tagpo. Ihanda ang sarili sa mababasa.

∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙

ꜱᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ꧁

Aria hasn't forgotten that particular name since the evening she heard it for the first time two days ago. Oftentimes, when no one else was around, she enters that room during the night because she was so intrigued and attached to that name. In the room that her mother had kept her out of.

She just stared at the stunning woman in the moonlit portrait for a long while. Aria's thoughts strayed all over her. Asking things such as what happened during her lifetime, what went wrong and what her tale was.

Aria couldn't stop thinking about Serizawa Jaeha, to the point where she had trouble falling asleep. The noble woman in the portrait materialized in her dreams every time she closed her eyes. It would be as though there were shadows whispering in her ear if she attempted to listen to the ticking of the clock. Saying things that caused her to lose even more sleep.

"Hanggang kailan ka maliligaw sa tadhanang hindi naman nakalaan para sa iyo?"

Her eyes snapped open at a voice. However, the bright light also caused Aria to instantly close her eyes and shield them with the back of her hand.

Sunlight filters through her fingers, warm and bright. Aria dropped her hand when her eyes adjusted to the new light.

Napagtanto ni Aria na siya'y nasa isang bukirin ngunit hindi niya maaninag ang kalayuan nito. Nababalutan ng hamog ang paligid at ang kalangitan ay napipintahan ng kahel na kulay.

"Bakit mo hinahayaan ang iyong sarili na maging bulag at pipi sa katotohanan?"

Muli niyang narinig ang tinig na iyon. Luminga-linga si Aria sa kaliwa't kanan upang hanapin ang may-ari ng boses. At sa hindi kalayuan, natagpuan niya ang isang masaganang puno. Doon ay kanyang napansin ang anino ng isang babae na nakatalikod. Ang buhok nito ay nakapusod at ang kanyang kasuota'y 'sing puti nang gatas ng kalabaw.

'Who are you?' Aria wanted to voice it but her lips didn't open. Thus, this question remained in her mind.

Nagusot ang noo ni Aria dahil dito. Kanyang inilagay ang kamay sa labi upang alamin kung ano ang nangyari. Naramdaman niya ang lambot ng kanyang labi at wari'y wala namang kakatwa rito.

Natigil ang kanyang pagtataka nang umihip ang malakas na hangin. Ang hamog na bumabalot sa paligid ay sumabay sa daluyong nito.

"Nahanap na kita, ikaw na may kaugnayan sa kanya. Ngayon, tuparin ang nakalimutan mong hiling at kamtin ang iyong wakas na ninanais,"

Ang malakas na bugso ng hangin na may halong hamog ang siyang pumipigil kay Aria upang makita nang lubusan ang babaeng nakatalikod sa ilalim ng puno.

Tumakbo siya palapit sa babae subalit tila lalong lumalawak ang pagitan nilang dalawa. Ang kahel na sikat ng araw ay unti-unti nang kumukulimlim. Iniunat ni Aria ang kanyang kaliwang kamay upang abutin ang babae. At nang sa wakas ay mahawakan niya ang balikat nito, ibinaling ng babae ang kanyang mukha kay Aria.

Sa pagtama ng kanilang paningin, agad na nagbukas ang mata ni Aria. Lumantad sa kanyang nanlalaking mata ang kulay puting kisame. Hinahabol ni Aria ang kanyang panghinga at napupuno ng mga butil ng pawis ang noo niya. Nanatiling naroroon ang kanyang paningin ngunit tila ba iba ang kanyang nakikita.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon