꧁ ҳııı | ɬгєƈє

2.3K 214 136
                                    

ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ɴɪ ᴀʀɪᴀ ꧁

(Son of the bitch! Shut up, old hag! what you said is a blasphemy to the general who was serving in Spain.)
"Hijo de puta! Cállate, vieja bruja! Lo que dijiste es una blasfemia al general que servía en España," hindi ko mapigilang sabi sa salitang Espanyol.

"Ang narating ni Juan Vicente ay buhat ng kanyang pagsisikap at hindi resulta ng isang pandaraya," madiin at malakas kong sambit sa ginang na nanlaki naman ang mata nang mapagtantong nakakaintindi ako ng Espanyol.

Wala akong pakialam kung maparusan ako ng garrote sa pagmumura sa ginang dahil nararapat siya kanya iyon.

Ang lahat ng nakarinig ay napatigalgal at nanahimik.

Ilang segundo pa ang lumipas ng walang lumilikha ng ingay. Hanggang sa tumikhim na ang alkalde at malakas na nagsalita.

"Mga mamamayan ko! Ibig ko kayong pasalamatan sa inyong pagdalo sa munting salu-salong ito..." nagpatuloy pa ang malalakas na sambit ng alkalde na siyang nakaagaw nang atensyon ng iba mula sa amin.

"J-Juan Vicente? Tinawag mo ba ang heneral ng walang..." hindi na naituloy ng anak ang kanyang sasabihin dahil nasapawan siya ng kanyang ina.

"Walang hi—!" anas ng ginang.

"Tara na, Binibining Mirasol," putol ni Juan Vicente sa ginang na nais pa yatang bumawi sa akin.

Kinuha niya ang kamay ko at tumalikod sa ginang. Iginiya ako ng heneral palayo sa sentro ng atensyon.

Sa paghawak niya sa pulso ko ay tila binuhusan ako ng napakalamig na tubig. Napagtanto ko ang aking pagkakamali.

Hindi ko na dapat ibinuka ang aking bibig. Nagbuhat ako ng kahihiyan kay Juan Vicente at sa kanyang pamilya.

Hindi na nakasunod ang mag-ina dahil sa biglang paglapit ng mga bisita sa alkalde.

Napahigpit na lamang ang kapit ko sa kamay ng heneral at napatungo habang sinasalubong namin ang mga bisita dahil sa kahihiyan.

"Tumindig ka sapagkat wala kang ginawang pagkakamali, Mirasol," rinig kong sabi ni Juan Vicente habang pinipisil-pisil ang aking kamay.

Tinatawag lang ako ng familia Marqueza sa aking ngalan tuwing kami-kami lamang. At kapag may ibang tao ay laging may binibini. Sabi nila ay tanda raw iyon ng proteksyon. Kapag daw kasi nalaman ng mga may masamang balak na malapit ako sa familia ay maaaring gamitin ako para puntiryahin sila Juan Vicente.

Tumingala ako at tinignan siya. Sumilay ang isang sinserong ngiti sa kanyang mga labi bago ito nagpatuloy sa paglalakad.

Nadaanan namin ang mag-asawang Marqueza. Ang inaasahang kong poot sa mga mata ay taliwas sa nakapaskil na ngiti't kagalakan ng kanilang mukha.

Hindi kami tumigil sa tapat ng mag-asawa pero nakita kong tumango si Juan Vicente sa direksyon nila Don Tiburcio at Doña Soledad bago namin sila lampasan.

Tumuloy kami sa labasan. Nakita ko ang mga nanlalaking mata ng mga guardia civil at ilang bisitang nasa labas nang makita nila kaming magkahawak ng kamay.

Gusto kong magtanong kay Juan Vicente kung saan kami pupunta pero nawalan ako ng lakas ng loob magsalita dahil sa nangyari.

Hindi ko pinagsisisihan na aking pinatahimik ang walang galang na ginang na iyon. Wala siyang karapatang laitin ang ibang tao na para bang kilalang kilala na nila ito hanggang buto.

Estrella Cruzada  ⋮ ᴏɴɢᴏɪɴɢ ⋮Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon