CHAPTER 15

1.7K 38 16
                                    

Mae's Narration

papalapit ng papalapit parin ako sakanya ng marinig ko ang pag-singhot niya ng sipon

at tulad ng sinabi ko kaming dalawa lang ang nandito sa hallway kaya rinig na rinig ko yun.

Kaya ibig sabihin, umiiyak nga siya?

Pero impossible kasing umiiyak ang isang basugulero di ba?

At ng halos kalahating metro nalang ako kalapit sakanya ay napatigil ako dahil iniangat niya ang kanyang ulo habang nakakunot pa ang noo sabay tingin saakin. Pero ang nakakagulat pa dun ay sobrang namamaga ang kanyang mata na kahit wala akong makitang luha sa mga mata niya ay masasabi mo parin na kagagaling palang niya sa pag-iyak.

"yeogiseo mwohaneungeoya?" tanong niya habang nakakunot  parin ang noo

"Ah?" yun nalang ang nasabi ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya, pero kung ibabase sa tono ng boses niya ay para bang nagtatanong siya

"Anong ginagawa mo dito? Why are you here?" nakakunot noo parin niyang tanong saakin pero ngayon ay titig na titig na siya sa mata ko. Kaya napaiwas ako bigla ng tingin, Kinabahan nalang kasi ako sa pagkakatitig niya

"Ah. Ano kasi--" Bago ko pa maipagpatuloy sasabihin ko ay nagsalita ulit siya

"Leave, now"

"Pero kasi, ano--" pinutol ulit niya ang sasabihin ko

"I said leave! Kung hindi ka makaintindi ng Ingles, tatagalugin ko sayo. UMALIS KA NA" umiwas siya ng tsaka siya tumingala tapos isinandal niya ang kanyang ulo sa pader kasabay ng pagtakip niya ng kanyang mata gamit ang kanyang braso

"ah. sorry, sige aalis na ako" natataranta kong sagot tsaka na ako nagsimulang maglakad ng mabilis paalis.

Di ko alam pero bigla nalang akong nagpanic, lalo pa't nakita ko si Ace sa ganun sitwasyon. Di ko rin maiwasang masaktan kahit di ko alam kung ano nga bang nangyayari, pero sigurado akong he's in pain right now.

Ano ba kasi talagang nangyari?

Ba't siya umiyak?

May namatay ba sa pamilya nila? pero sana naman wala. Kaso yun lang ang naiisip kong dahilan lalo pa't nandito siya sa ospital

At para umiyak siya ng ganun ay siguro sobrang importante ng taong yun sakanya.

Naglalakad parin ako palabas ng ospital ng

"Aww." sabi ko sabay hawak sa noo ko. nabundol kasi yung noo ko dahil nakayuko ako habang naglalakad.Pagtingala ko ay nakita ko si Luke na parang nagtataka pagkakita saakin

"oh, Mae kaw pala"

"ah. hello" matamlay kong bati sakanya "Sige Luke, mauna na ako sayo" sabi ko tsaka ako ngumiti ng pilit. Tapos nagsimula narin akong maglakad paalis

"Teka lang Mae"

napatigil ako sa paglalakad pero hindi ako lumingon, hinintay ko nalang ang sasabihin niya

"Mag-iingat ka sa pag-uwi" 

"ah. salamat" sabi ko tsaka na ako nagpatuloy sa paglalakad

___

Umuwi ako sa bahay ng matamlay parin, di kasi talaga mawala sa isip ko yung pag-iisip kay Ace.

"Anong nangyari diyan sa mukha mo Mary Anthoniette? bakit parang sinipa ng isang daang kabayo?" hinarang ako ni Kuya Aly

"At bakit ngayon ka lang umuwi?" lumapit naman sa tabi ni Kuya Aly si Kuya Ase habang nakataas pa ang kilay

"San ka nanggaling? Hindi ka daw pumasok ng school"tumabi naman si kuya Aso sa tabi ni Kuya Ase na nagtaas din ng kilay

IM READING HIS DIARY (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon