CHAPTER 19

191 9 5
                                    

Nasa hapagkainan kami ngayon kasama si Ace pero parang wala parin balak magkwento si kuya kung bakit nandito si Ace.

"Ace pasensya ka na ulit, wala na kasi kaming maisip na pwedeng makasama ni Mae, alam mo naman kalagayan namin"

"Okay lang"

"Kamusta naman tong si Mae sa school?, May mga nanliligaw ba?"

Hala. lagot nanaman ako nito kay kuya kapag sinabi ni Ace na marami akong nanliligaw?

"Wala" walang kalatoy latoy niyang sabi

"Wala?" tanong ko

"Bakit meron ba?" tanong ni kuya

"Wala po. hehe"

"Buti naman. Ikaw na bahala sa kapatid namin, kapag may nangahas na manligaw, isumbong mo agad samin o kaya upakan mo na"

"Grabe ka kuya, gagawin mo pang basagulero si Ace"

"Kala mo naman may manliligaw sayo. haha" pang-aasar ni kuya

Napanguso nalang ako. Kahit kelan talaga nakakainis to si kuya Aso. Di na nahiya kay Ace. Baka isipin ni Ace masyado akong nagmamaganda.

"Isang linggo lang naman kaming wala, wag kang mag-alala, magaling magluto 'tong prinsesa namin kaya di ka magugutom. Kung may papalabhan ka ibigay mo lang

sakanya, di ba Mae?" Pinisil pa ni kuya pisngi ko.

Prinsesa. Sus.

Kung chimay, pwede pa.

"Akala ko dito ka matutulog kuya?"

"Ngayong gabi lang ako pinayagan"

"Pano 'ko?"

"Anong pano ka? kaya nga pinapunta ko dito si Ace dito para may makakasama ka di ba?"

Tiningnan ko si Ace kaso masyado siyang focus sa pagkain niya at para bang wala siyang pake. Para ngang may sarili siyang mundo.

Bakit parang ang laki ng tiwala nila kay Ace?

Dati rati lagi nilang sinasabi sakin na:

"Tonet, wag kang makikipagkaibigan sa lalaki"

"Lahat ng lalaki manloloko, maliban samin. Pero yang si Aso Playboy yan kaya isipin mo nalang si kuya Aso mo, manloloko"

"Walang lalaki na mabait, maliban samin nila papa. Tandaan mo yan"

***

Maagang natulog si kuya kaya kami nalang naiwan ni Ace dito sa baba. Tinulungan niya akong maghugas kahit sinabi ko naman sakanya na wag na, kaso wala lang

siyang imik pero sagana naman siya sa kilos.

"Ah Ace yung ibibigay ko pala sayo, wait lang"

Naghintay siya sa labas ng kwarto ko.

Pagkaabot ko sakanya nund diary ay seryoso niya akong tinitigan

"Binasa mo?"

"Hindi ah!" agad kong sabi

Totoo namang di ko binasa dahil hindi ko naman siya mabasa.

"Okay"

Pagkasabi niya nun ay umalis na siya at dumiretso sa kwarto niya.

Wala man lang goodnight.

Okay na yan, atleast nasa isang bubong na kami. Ano ba yan, feeling ko mag-asawa kami na may LQ kaya magkaiba ng kwarto. Wahh, kinikilig ako!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IM READING HIS DIARY (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon