CHAPTER 16 (first entry)

1.2K 51 32
                                    

napapalibutan ako ngayon ng 4 kong kuya except kay kuya Asa na nagbabasa ng libro sa sala, buti pa si kuya Asa, cool cool lang.

"at sino naman yung lalaki kanina? siya ba ang dahilan kung bakit gabi kana umuwi?" panimula ni kuya Aso

Actually hindi nila kilala si Rose pati sila Aerith at Zoe dahil tuwing pumupunta sila dito sa bahay ay laging natatimingan na wala sila kuya

"kaklase ko po" sagot ko sabay yuko at buntong hininga

"kaklase o boyfriend?" tanong naman ni kuya Ase

gusto ko sanang, mag-eww, yuck! bakla kaya yun' kaso tinitense nila ako e TToTT pero kung normal na usapan naman, yun talaga sasabihin ko

"hindi man po kuya" sabi ko

Ang hapdi ng mata ko. huhu. bwusit na sore eyes to at di pa maalis alis

"ikaw Mae ah, porket hinahayaan ka namin sa mga ginagawa mo, ay aabusuhin mo na kami, dati rati hindi ka naman ginagabi, pero ngayon nakakadalawa kana, hinayaan ka namin nung una kasi akala namin tungkol sa eskwela yan, pero ngayon mukhang hindi na yata" litanya ni kuya Asi kaya parang gusto ko nalang takpan ng dalawa kong kamay ang tenga ko

"hindi naman ako umaabuso kuya e, nakatulog lang talaga ako sa park"

"ano ngang ginagawa mo sa Park?, at di ka man lang nakaalala magtxt" sabi ulit ni kuya Asi

"nakalimutan ko kasi kuya, sorry na kasi kuya, wag na kayong magalit" medyo naiiyak na tuloy ako, kasi naman feeling ko galit silang lahat saakin dahil napagalitan sila ni Mama.

Ayaw ko pa naman maging pabigat sakanila, kaya nga ginagawa ko lahat ng inuutos nila e.

Tapos ngayon TToTT

Ano ka ba naman kasi Mae! ba't mo pa kasi sinundan sundan si Ace!

"Tatanggapin namin ang sorry mo, pero hindi ka na pwedeng magpa-gabi sa labas, hatid sundo kana rin ni Mr. Leeds, papabantayan kana rin namin kay Ace since pareho lang naman kayo ng school na pinapasukan, at ayaw ka naming makikita na may kasamang lalaki ah. Aso tawagan mo nga si Ace kung nadala talaga niya bag ni Mae?" sabi ni kuya Asi. Kainis! nasabi ko pa sakanila kanina na nadala ni Ace yung bag ko.

"kuya wag mo ng tawagan! gabi na kaya!" mabilis kong sabi kay kuya Aso na pupunta na sana sa may telepono

bigla ko kasing naalala yung kanina sa ospital.

nakakahiya naman, feeling ko kasi mabigat yung pinagdadaanan ni Ace though hindi ko talaga alam kung bakit siya umiiyak pero may feeling ako na isa sa mga kakilala niya ang naka-confine doon

"at bakit hindi?" tanong ni kuya Ase na nagtaas pa ng kilay

"nakaka-" hindi ko pa natatapos sasabihin ko ng mapatingin ako sa may ulo ni kuya Asi dahil sa ipis na nakadapo dito habang nakatingin lang sila saakin na waring naghihintay ng sasabihin ko

"kuya may ipis sa ulo" tsaka ko itinuto yung ulo niya

"hah?" tanong ni kuya Ase

kasabay ng pagtatanong niya ay pagtakbuhan nilang tatlo

"sh*t!" - Aso

"Mae! patayin mo yan!" - sigaw ni kuya Ase

"Mae, patayin mo to! bilisan mo!" sigaw ni kuya Asi tsaka pinagpagpag ang ulo niya!

"Mae! bilisan mo! bilis!" dagdag pa ni kuya Asi

habang si kuya Aly ay nagtatakbo papunta sa taas

At ako? eto dali daling kinuha yung walis tambo tsaka hinunting yung ipis na lumilipad lipad pa.

Isa nga pala sa kinakatakutan ng lima kong kuya ay ang  Ipis, masyado kasi silang malinis sa sarili nila. Ako lang ata hindi takot sa ipis e >_>

matapos kong patayin yung ipis ay napansin kong nag-iisa nalang ako dito sa baba, lahat sila nasa taas na, kahit si kuya Asa pasimpleng pumanhik din. Minsan kinahihiya ko din tong mga kuya ko e >_> pero pasalamat padin ako dahil natigil yung panenermon nila saakin

"Mae! napatay mo na ba?" sigaw ni kuya Asi mula sa taas

"Opo kuya!"

"Ok, linisan mong mabuti yan ah! Punasan mong mabuti yung mga dinapuan! at matulog kana rin" sabi pa ni kuya Ase. Pagpasenshahan nyo na, napapraning talaga sila pagdating sa ipis, nasanay nalang din ako

Papanhik na dapat ako para matulog ng maalala ko yung diary ni Ace kaya dali dali akong pumunta at hinanap yung diary ni Ace at sakto namang nakita ko agad ito.

'Kung basahin ko kaya to?' kasi malay mo nandito yung dahilan kung bakit nandun si Ace sa ospital

pero Hindi Mae! >____< wag kang pakialamera!

pero kasi! naku-curious talaga ako, as in sobra!

at hindi naman niya malalaman kung binasa ko nga ito.

pero mali parin e!

Ok. isasauli ko nalang to bukas. -.- ayoko na maging pakialamera, baka ikamatay ko pa kapag nakonsiyensya ako.

pero kung silipin ko kaya kahit yung first page lang? 

para naman may malaman ako kahit katiting lang ng buhay ni Ace.

pikit mata kong binuklit yung diary ni Ace, okay ba't parang kinakabahan ako? e wala naman tong curse o something scary.

relax lang mae!

dahan dahan kong binuksan yung kaliwa kong mata tsaka tiningnan yung first page.

pagtingin ko dun sa first page medyo napakunot ako.

'M and A' kasi ang nakalagay.

ano naman meaning ng M and A? Mae and Ace kaya? haha! anubeyen! ang feeling ko naman!

binuklit ko ulit yung page at tsaka ko nakita ang first entry ni Ace

December 29, 20**: (ibig sabihin last december palang to? bago pa siya nag-transfer sa school namin?)

Sa totoo lang hindi ko alam kung ano nga bang isusulat ko dito. o dapat ba talaga akong magsulat dito para lang mapasaya ka at mabawasan tong guilt na nararamdaman ko. Para ngang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa kabobohan ko, bat kasi hindi kita binantayan ng maayos, bakit hindi ko napansin na may sakit kana pala? Sabi mo isulat ko dito lahat ng mga mahahalagang bagay na mangyayari saakin. Sa totoo lang hindi ko inisip na darating ang araw na magsusulat talaga ako dito, dati tinatawan lang kita pero ngayon sarili ko naman ang gusto kong tawanan. At kung mahahalagang pangyayari talaga ang dapat isulat dito, siguro yun ay ang nakatingin ako sayo at binabantayan ka, parang tulad lang ng dati na binabantayan kita sa pagtulog mo, ang kaibahan nga lang nakangiti kang natutulog.

(authors note: kunwari naka korean characters siya ah! kunwari lang, ayoko ng mag google translate. di rin naman natin maiintindihan. hehe)

Nakatitig parin ako dun sa first page. As in nakatitig lang ako, tinry ko din mag-isip ko ano nga ba tong nakasulat dito dahil kidlatan man ako ngayon ay hindi ko talaga siya maintindihan! Teka baka naman dahil sa sore eyes ko kaya hindi ko siya magets? pero syempre shunga lang makakapag-isip nun.

PERO ANO BA TALAGA NAKASULAT DITO!?

binuklat ko pa ng binuklat yung mga sumunod na page at ganun padin ang mga nakasulat, ang naiba lang ata ay yung mga Date na tanging yun lang naiintindihan ko.

"Mae! hindi ka pa ba tapos dyan? matulog kana magaalas dose na oh, may pasok ka pa bukas" napaitiklop ko agad yung diary tsaka napatayo.

"opo kuya!" sabi ko tsaka ako dali daling umakyat sa taas

IM READING HIS DIARY (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon