CHAPTER 18

152 5 3
                                    

Mae's POV


"Mmm" hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero pakiramdam ko gumagalaw ang hinihigaan ko

dahan dahan kong minulat mga mata, ginusot ko pa ito nang matanaw ko ang mukha ni Ace na dahilan para lubusang magising ang diwa ko.

Teka ba't niya ako buhat buhat?

tiningnan niya ako

"buti gising ka na" sabi niya tapos dahan dahan niya akong binaba

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil una sa lahat nasa hallway kami at napakaraming estudyante ang nakatingin saamin at sigurado akong nakita nila yung pagbuhat sakin ni Ace na para bang bagong kasal. Pangalawa hindi ko alam kung bakit niya ako binuhat

"bakit? --" di na niya ako pinatapos nang magsalita siya

"ayaw mo gumising" sabi niya tsaka na siya naunang naunang maglakad

Naconsious ako lalo sa mga tingin ng mga estudyante nang iniwan ako ni Ace kaya sinundan ko siya

Wahh. nakakahiya!

Dalawa lang ang pwede nilang isipin

1. Weird kami

2. Malandi kami at nagpPDA

Sana yung no. 2 nalang pero nakakahiya padin.

Di naman sa ayaw ko pero ba't kailangan niya akong buhatin? Pwede naman niya akong iwanan nalang.

"Ginising mo talaga ako?" tanong ko sakanya

"Tingin mo ba gusto kitang buhatin?" nagsalubong ang mga kilay niya

"ah sorry, I mean salamat sa pagbuhat" kahit hindi ko alam kung bakit kailangan mo pa akong buhatin.

Pagpasok namin ng room halos lahat ng mata ay nakatingin saamin maliban kay Aerith. Si Zoerie parang hindi na makahinga at para bang may gusto siyang sabihin sakin

"Mae, pinapatawag ka ni Madam Tayutay" hinila ako ni Zoerie palabas hanggang sa malayo layo na kami sa room tsaka siya tumigil

"Bakit daw? Napansin niya bang nagcutting ako?"

Hala! wahh! ito na ata ang katapusan ng pagkakaroon ko ng good records! nakakadalawang cutting classes na'ko!

"Malamang! pero hindi yun gusto kong sabihin"

"Akala ko pinapatawag ako ni Madam, ba't ikaw may sasabihin?"

"Excuse ko lang yon! Walang nagpapatawag sayo, Me, myself and I lang" tinuro niya pa ang sarili niya tsaka niya kinuha cellphone niya at pinakita saakin ang picture namin ni Ace habang buhat buhat ako

"Ano to teh?! Wala pang isang oras, nagrebelde ka na agad kay Aerith! Kaloka ka! Ang bilis naman! Dapat di mo na pinatulan si Aerith! naiingit lang yun dahil may gusto sayo si Rose at waley sakanya! Pero infairness ang habaaaaaa talaga ng hair mo! si Fafa Ace talaga? Seryoso?! Ilang galon ba ng kamandag ang nilaklak mo!? Pero di yan ang importante ngayon, kailangan natin mag-isip ng paraan para hindi ito magamit ni Aerith na panira sayo" sabi niya tsaka niya kinagat ang ibabang labi at kinamot kamot ang baba niya

"Si Rose?" naguguluhan kong tanong sakanya

"Hah? Alin? ahh yung kay Rose, ba't di mo pa ba alam na may gusto siya sayo? akala ko napansin mo na dati pa"

"Okay ka lang?" tanong ko sakanya

Bigla akong kinilabutan sa pinagsasabi nitong si Zoe.

"Oh my God? Seriously? di mo alam?" napahawak pa siya sa bibig niya na para bang gulat na gulat siya

IM READING HIS DIARY (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon