HWFFTS 6 - First Kiss

11 2 3
                                    

"And I also know that its your favorite."

Bumubulong na sabi nito na hindi ko naman naintindihan masyado.

"Ano yun?" Tanong ko. Ano daw? Hindi ko kasi narinig. Pano ko maririnig yun? E halos ibulong nya na.

"Nothing. Kumain kana." sabi nya. Nagkibit balikat nalang ako. Pero wait. Nagtagalog sya!

"Marunong ka naman pala magtagalog." sabi ko sa kanya. Grabe! Pinapahirapan pa nya ko sa kaka-english nya. Halos dumugo na kaya ilong ko, jusme! Charot.

"Ofcourse. Tingin mo naman sakin?" Pinanliitan ako nito ng mata.

Sungit!

"Bawas-bawasan mo po kasi kaka-english mo, nasa pilipinas ka oy!" Sinamaan nya ako ng tingin at tumayo na. Tapos na pala sya kumain.

Tinapos ko narin ang pagkain ko, at sinimulan nang linisin ang lamesa para mahugasan ko na ang mga pinggan.

Nilingon ko si Lexus, papunta sya sa sala. Manonood siguro yun ng tv, di manlang ako tulungan mag-imis dito.

Hayaan na nga, sya naman nagluto. Nang matapos kong hugasan ang mga ginamit namin na pinggan at pinaglutuan nya lumabas na ako ng kusina.

Pumunta ako sa sala. At ayun sya, prenteng-prente na nakaupo sa sofa habang nakataas pa ang paa sa center table. Feel at home talaga sya.

Tinignan lang ako nito sandali at di na ako pinansin. Wow! As in wow. Di manlang ako alukin na manood. Kainis!

Teka. Bakit naman ako naiinis? Ano naman kung di nya ko inalok manood kasama nya? Di naman kami close.

Pumasok nalang ako sa kwarto para maligo. Nagsuot lang ako ng oversized shirt at short shorts.

Ay, si Lexus nga pala! Buti nalang may ilang damit si Kuya dito sa kwarto ko. At marami-rami din naman akong mga oversized shirt na nabili.

Naka-lock kasi ang mga kwarto dito, maliban sa kwarto ko. Kasi syempre ako lang naman mag-isa dito.

Nang makakuha na ako ng pwedeng maisuot nung lalaking yun pumunta na ako sa salas.

Busy pa rin sya sa panonood sa tv. Tumikhim naman ako para makuha ko ang atensyon nya. Hindi naman ako nagkamali dahil agad itong nilingon ako.

"Damit 'to ng kuya ko, eto na muna suotin mo pansamantala."

Sabi ko sa kanya habang inaabot ko ang damit. Kinuha naman nya iyon.

"Thanks." Sagot nya pabalik at tumayo na papunta sa banyo.

May mga spare towels and toothbrush naman na doon.

Pagkaalis nya ako naman ang naupo dito sa sofa, naisipan kong manood nalang ng kdrama.

Ilang minuto lang nang lumabas na si Lexus sa banyo. Tinignan ko sya mula baba pataas. Grabe, simpleng damit lang yun pero mukha parin syang model!

"I might melt you know." Nang-aasar na sabi nito na ikinapula naman ng mukha ko.

"Hoy, wag ka nga! Hindi naman ako sayo nakatingin kundi sa banyo. Assuming ka ah." Nakaiwas tingin kong sabi dito.

"Oh really?"

"Yes really!" Bulyaw ko sa kanya.

Bigla akong tinitigan nito nang seryoso na ikinalunok ko. Walang anu-ano'y dahan dahan syang lumalapit sa akin.

Anong ginagawa nito?

Unti-unti naman akong napapaurong papunta sa dulo ng sofa na kinauupuan ko.

"Hoy! Anong ginagawa mo? Wag kang lalapit sakin! Hoy aba!" sabi ko.

Ngunit hindi ako nito pinansin at muli pang lumapit. Nang nasa harap ko na ito, bigla syang yumuko.

Pinakatitigan nya ako sa mata kaya naman ginaya ko rin sya. Para akong hinihipnotismo.

Napapikit nalang ako nang mas nilapit pa niya ang mukha niya sakin. Teka, hahalikan ba nya ko?

Naghintay pa ako ng ilang minuto.

Kumunot nalang bigla ang noo ko nang marinig ko mula sa TV ang paglalaban ng basketball sa Sports channel.

Parang may mali?

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. At ayun sya, nakaupo sa kabilang dulo ng sofa na kinauupuan ko at nakataas na naman ang mga paa sa center table.

Hawak-hawak ang remote na kanina lang ay nasa mga kamay ko.

Kukunin lang pala nya yung remote akala ko naman hahalikan nya na ako. Ano ba yan! Nag expect ako masyado, nakakahiya mga pinaggagagawa mo Angel!

Umubo-ubo ako ng peke at nag-ayos na ng pagkakaupo. Jusko, nakakahiya. Nakita nya kaya yung ginawa ko?

Muli ko syang sinilip ng palihim. Mukha namang hindi kasi busy-ng busy sya sa panonood. Hay, buti nalang. Pero nakakainis! Sayang yun!

Hoy self! Anong sayang pinagsasasabi mo dyan? Umayos ka nga!

Dahil wala naman akong hilig sa sports, mabuti pa sigurong sa kwarto nalang ako. Tama tama!

Dahan-dahan na akong tumayo at nag aalangan pang dumaan sa harap nya pero wala akong choice.

Akmang maglalakad na ako paalis nang bigla akong hilahin ni Lexus kaya't napa-upo ako sa kandungan nya.

"Next time you want me to kiss you, just tell me."

At pagkatapos nyang sabihin ang mga litanyang iyon naramdaman ko nalang ang mga labi nya sa akin.

He Who Fell From The SkyWhere stories live. Discover now