HWFFTS 5 - Carbonara

17 2 1
                                    

Cloud Lexus Miller pala full name nya. Oh well! Kinuha ko na ang papel at nilagay sa isang folder.


"Ako na bahala magtago nito. And oh, ako nagluto ng breakfast natin kanina so its now your turn to cook for lunch. Sa kwarto muna ako." Pagkasabi ko non. Umalis na ako para pumunta sa kwarto ko.

Nilagay ko ang folder sa loob ng drawer ng bed side table ko. At pagkatapos nahiga ako sa kama. Nakakaloka ang happenings sa life ko.

Nag birthday lang ako, tapos nag-wish sa isang shooting star at ngayon biglang may sumulpot na lalaki dito na sinasabing he's the one I wished for. And now, were living in one roof.

"Nakakaloka!" Nasabunutan ko nalang sarili ko dahil sa frustration.

Buti nalang talaga wala sila Mommy kundi lagot ako kung sakali. Speaking of Mommy, miss ko na talaga sila sobra. Kaya naman naisipan kong mag send ng message kay Mommy para mag thank you sa pinadala nilang gift para sakin.

Thank you for the gift, Mom and Dad! I love it. And I really miss you both so much. Sana po umuwi na kayo soon. Mag-iingat po kayo lagi, I love you both! Mwa!

Sent!

After ko mai-send ang message sa kanila napatulala nalang ako sa kisame ng kwarto. So, what to do now self?

Ilang saglit pa akong nagmuni-muni dito sa kwarto nang maisipan ko na bumangon at lumabas.

Tapos na kaya magluto si... wait! What should I call him pala? Lexus? Cloud? Lexus nalang siguro. Yun naman yung sanabi nya na name nya nung tinanong ko sya.

So yun na nga. Tapos na kaya yun? Dahil curious ako, nag dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina.

Nang makarating ako sa may pinto papasok, sumilip ako doon. Ano ba naman 'tong pinag-gagawa ko? Bakit ba ako nagtatago? Bahala na nga!

Ayun sya. Nakatalikod sya sakin. Nakaharap sya ngayon sa stove. Mukhang patapos na sya sa kung ano mang niluluto nya.

Suminghot-singhot ako para maamoy yung niluluto nya. Shet! Ang bango! Amoy carbonara, my favorite!

"What are you doing?" Napamulat ako bigla.

At ayun sya, nakakunot na nakatingin sakin. Jusko naman self! Nakakahiya ka. Nahuli nya akong nakapikit habang sumisinghot ng amoy nung niluto nya.

"Chine-check ko lang kung marunong ka ba talagang magluto, baka kasi mamaya bigla nalang sumabog 'tong kusina." Maang-maangan kong sagot sa kanya.

"I cooked carbonara." sabi niya. Gosh! Carbonara nga niluto nya. Nagning-ning naman ang mata ko dahil a sinabi nya.

Wala sa sariling lumapit ako sa kinaroroonan nya at sinilip ang niluluto nya. At inamoy-amoy iyon.

Napatigil nalang ako ng marinig ko syang mahinang tumatawa. Nang tignan ko sya umiwas ito nang tingin bigla sakin.

"Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"You look stupid." sabi nya nang nakangisi. Ano daw?

Nag-init naman bigla ang pisngi ko, double kill! Nakakahiya ka talaga self. Dahil sa carbonara nawawala ka sa sarili mo.

Inismiran ko nalang sya. Kumuha nalang ako ng dalawang pinggan, sinimulan ko na maghanda sa lamesa para makaiwas sa sinabi nya.

Nang mailagay ko na ang dapat ilagay sa lamesa, narinig kong pinatay na nya ang stove. Naupo na ako at hinintay sya na ilapag ang carbonara sa lamesa.

Nang mailagay nya ang carbonara, agad-agad akong kumuha doon. Hindi lingid sa kaalaman ko na amused itong nakatingin sa akin ngayon.

Bahala sya dyan, basta ako kakain ako. Nang maisubo ko na ito, nanlaki nalang bigla ang mga mata ko.

"So, how does it taste?" Tanong nya sakin.

"Heaven." Wala sa sariling sabi ko. Ang sarap! Seryoso, ang sarap talaga.

"Glad you like it." Nakangiti nitong sabi sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Heaven talaga." Tulalang nasabi ko sa kanya. Oh my golly wow! Ang gwapo nyang nilalang. Well napansin ko na naman yun sakanya. Pero iba parin pag nakangiti na sya. Shet!

"What?" Natatawa na sabi nito. Napaayos naman ako bigla sa sarili ko.

"Sabi ko heaven talaga yung lasa. Ang sarap." Nakaiwas tingin na sabi ko dito.

"Okay." Nakangisi nyang tugon sa sinabi ko. Dahil sa kahihiyan, pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

Nagsimula narin syang sumandok at sinabayan na ako sa pagkain. Halos makalahati ko ang kinakain ko nang maisipan kong magtanong sa kanya.

"Bakit pala carbonara niluto mo?" Tinignan ko sya habang ngumunguya parin.

Tinignan naman ako nito at pagkatapos ay uminom muna sya ng tubig bago sagutin ang tanong ko.

"Because I want to." Sabi nya. Tatango-tango ko namang tugon sa sinabi nya.

"And I also know that its your favorite."

He Who Fell From The SkyWhere stories live. Discover now