HWFFTS 2 - Shooting Star

34 11 8
                                    

Today is my birthday!

Gosh, 19 na ako. Last year ko na nang pagiging teen. Tumatanda na ang lola nyo.

DING DONG

"Yun na siguro yung pinadala nila Mommy na birthday present ko." Nagmadali akong nagpalit ng damit at naghilamos. Binuksan ko na ang pinto.

"Delivery po para kay Ms. Angel Crystalline Lux. Paki-sign nalang po dito Mam" Pagkapirma nagpaalam narin si kuya at sinarhan ko na ang pinto. Tinignan ko ang box. Ano naman kaya ito ngayon?

1 message received

Biglang tumunog ang cellphone ko sa bulsa at binasa ang text doon.

Happiest Birthday to you sweety. Sorry, you're father and I cant make it to your birthday. Nasa Paris kami ngayon for a business meeting. We miss you so much sweety. Promise, youre Dad and I will make it up to you. Always take care, okay? I love you!

Its Mommy. Nah, they always say that naman. Di na ako umaasa sa promise na yan. I just replied them thanks and that I also miss them.

Okay, its my birthday so I think I should do something. Dapat mag enjoy ako. Pumasok ako sa kwarto and do my thing. Nagbihis ako ng denim na highwaist shorts and white spaghetty strap and boots. Nag ayos din ako, kinulot ko ang buhok ko and viola! Dyosa looking nanaman po si Angel.

Naisipan kong mag shopping ng mga damit, namili ako ng maraming oversized shirt at cotton shorts na medyo mahaba. Parang paglalaki naman yata to? Nah bahala na nga astig naman tignan. After giving myself a shopping blowout, pumunta naman ako sa isang korean restau para mag lunch.

Nagcrave ako bigla sa korean dish. Umorder na ako at naghintay nalang muna. And napatingin ako sa group of girls na nakaupo 2 tables away from my right.

"Gosh, how can Cloud be this hot?"

"Yeah right! Ang yummy nya girl."

"How I wish I am his girlfriend."

"You wish! He doesn't even give a damn about girls. Have you ever heard him having a girlfriend?"

Ang ingay nila grabe! Buti nalang hindi ako ganyan. Dumating narin naman ang inorder ko. After eating nagikot-ikot pa ko saglit and naisipan ko na bumili ng chocolate cake for myself. After that I went home.

Pagkapasok ko sa bahay, nilapag ko muna ang nga paper bags sa sofa dito sa sala and pumunta ako sa kusina para ilagay sa ref ang binili kong cake.

"Hmm, I'm gonna eat you later!" sabi ko pa sa cake. Bumalik na ako sa sala. Andito pa nga pala yung box na regalo nila Mommy. I opened it, its full of cosmetics and perfumes. Binalik ko ito sa box at binitbit ito sa kwarto kasama ang mga paperbags na pinamili ko kanina.

Inayos ko ang mga ito, nilagay ko sa walk in closet ang mga bago kong pinamili. At nilagay ko naman ang nga regalo nila Mommy sa vanity table ko. Nagbihis na muna ako bago mahiga sa kama, iidlip muna siguro ako. Its been a tiring day for me.

Nagising ako nang madilim na sa paligid, kinapa ko ang cellphone ko to check the time.

11pm

Shoot! Di pa ako nakakapagdinner kaya naman pala kumukulo na itong sikmura ko. Bumangon na ako at pumunta sa kusina.

"Infairness ang haba ng tulog ko."

Parang feel ko ata kumain ng pancit canton ngayon, kaya naman kumuha ako ng isang sweet and spicy at isang calamanci flavored. Pagkaluto, nagpasya akong kumain sa backyard. Maliwanag dito kasi maraming mga ilaw sa paligid.

Pumwesto ako sa may ilalim ng di kalakihang puno, naglatag din ako ng tela. Grabe tong trip ko ah, mag 12am na dito ko pa naisipan kumain sa labas. Nagpatugtog lang ako ng music sa phone at nagsimula na akong kumain.

Pagkatapos kumain, tumingin ako sa taas. Ang ganda ng langit. Ang liwanag ng mga bituin.

Napabuntong hininga nalang ako. Malapit na matapos ang birthday ko, 5mins nalang. Sana next birthday ko hindi na ako mag-isa. Nagmuni-muni nalang muna ako habang nakatingin sa langit.

"Uy may shooting star!"

Dali-dali akong pumikit at buong pusong nagwish. Nang masigurado ko na nasabi ko ang wish ko bumuntong hininga muna ako bago nagmulat ng mga mata at muling tumingin sa langit.

"What the fuck?"

Hindi ko inaasahan ang nakita ko. Sinapak sapak ko muna ang sarili ko. Ilang beses ko pa kinusot-kusot ang mata ko.

Am I hallucinating things? Or I'm really seeing a guy falling from the sky?

Tinitigan ko pa ito ng maayos at shit!

There really is a guy with a parachute slowly falling from the sky!

Nakanganga ako habang nakatingin dito,

wait did he just...

did he just smirked at me?

He Who Fell From The SkyWhere stories live. Discover now