HWFFTS 3 - Lexus

31 6 16
                                    

Nakapikit kong inabot ang cellphone ko sa may side table at tinignan ang oras.

8:15am

Dahil inaantok pa ako pumikit ako ulit at inalala ang panaginip ko.

"Ang lupet ng panaginip ko grabe, may lalaki daw na naka parachute tapos unti-unting bumababa galing sa langit." iiling-iling habang natatawa ko pang sabi.

"Nginisian pa ako nung gag--"

"Good morning"

Napamulat ako bigla ng mata at tumingin sa gilid ko. Nakita ko ang lalaki sa panaginip ko na nakangisi ngayon sa harap ko.

"Waaaaaaaaaah!" sigaw ko dito at sinipa sya paalis sa kama. Agad-agad naman itong nahulog.

"Fuck!" Lumagabog sya sa sahig. Dali dali akong bumangon sa kama at hinila ang kumot sabay takip sa katawan ko.

"Hoy! Anong ginawa mo sakin?! At anong ginagawa mo dito? Gago ka!" Pinagbabato ko sya nang mga unan ko. Pilit naman nyang sinasangga ito. Sinamaan nya ako ng tingin at biglang ngumisi.

"You don't remember?" Nakangisi parin itong nakatingin sakin. Uminit nalang bigla ang gilid ng mata ko.

"Ni-ni-nirape mo ako? Ho-ho-how could you?"

Bigla biglang umagos ang mga luha ko na ikinataranta nito. Akmang lalapitan niya ako pero lalo akong lumayo.

"Hey. I didn't do anything to you. Stop crying. Won't you feel yourself first before you accuse me of raping you?"

Napatigil naman ako sa pag-iyak ko at pinakiramdaman nga ang sarili.

Wala naman akong nararamdaman na masakit down there, at tinignan ko rin ang suot ko.

Ito parin naman ang suot ko kagabi. Napahinga nalang tuloy ako ng maluwag. Nang mai-check ko ang sarili ko, muli akong humarap sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tinignan ko ito ng masama. Ginantihan naman ako nito ng tingin na parang bagot na bagot.

"Won't you say thank you first?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"At bakit naman ako magpapasalamat sayo?" Tinignan ako nito na parang hindi sya makapaniwala.

"I just fucking carried you all the way to this room even though you are fucking heavy. And you won't even say thank you? Instead you fucking kicked me off the bed and even accused me that I raped you! I can't belive you woman." Sobrang sama ng tingin ang binibigay nito saakin ngayon.

Wow. Haba ng sinabi mo kuya, panay mura naman!

Naguilty naman ako bigla, sorry naman. Ikaw ba naman na may makitang katabi na lalaki sa kama syempre iisipin mo talaga na may nangyari. Diba?

Pero teka, he carried me?

"What did you mean by carrying me?" Napakunot ito ng noo sa tanong ko.

What? Wait, nahimatay ba ako?

"Yes you did." Nanlalaki ang mata na napatingin ako dito. Did he just read my thoughts?

"Did you just read my mind?" Napangisi ito sa naging tanong ko.

"It's for me to know and for you to find out."

ANDITO kami ngayon sa sala, magkaharap kami ng upuan kaya mataman ko syang tinitigan. Pinanliitan ko ito ng mata, habang ginagala nito ang paningin sa paligid.

"Sino ka?" Nakuha ko naman ang atensyon nito. Binalik na nito ang tingin sakin.

"Lexus" sabi niya.

Lexus? Doesn't ring a bell!

"Now that you know my name, go cook. I'm hungry." Tinignan ko ito na parang tinubuan sya ng tatlong ulo.

"Wow! Ang kapal naman po talaga ng mukha natin ano?" Sinamaan na naman ako ng tingin nito. Natakot naman ako bigla sa kanya.

"Ahh hehe sige magluluto muna ako. Saglit lang." Katakot teh! Hindi ko kilala tong taong to. Baka mamaya i-massacre nya ko kaya wag dapat syang ginagalit.

Pumasok na ako sa kusina at nagluto. Busy ako sa pagprito ng ham and eggs nang marinig ko ang tikhim mula sa likod ko. Napalingon naman ako dito.

"Can you make it fast? I'm hella hungry." Napairap naman ako sa sinabi nito. Nahiya naman po ako.

Hindi ko na ito pinansin. Bahala ka dyan, bwisit ka! Nang matapos ako magluto. Hinanda ko na ang mga ito sa lamesa. Nakaupo na sya sa upuan kanina pa.

Walang kalaunan sinimulan na namin kumain, galit-galit muna. Mamaya na interrogation. Gutom narin kasi ako. Ilang saglit pa pareho narin kaming natapos kumain.

"Ask" Walang ano-ano'y sabi nito sa akin, naramdaman nya siguro na kanina pa ako kating-kati na magtanong.

"Lexus, right?" Tinignan lang ako nito. Sungit, psh!

"Anong ginagawa mo dito? And where did you come from? Alien ka ba? Don't tell me agent ka? Omygosh!" Nanlalaki ang mata na tanong ko dito.

Seryoso lang nya akong tinignan. Ang sunod na sinabi nito ikinaguho na yata ng mundo ko.

"I am the one you wished for. And from now on, I'll be living here with you. Whether you like or not."

He Who Fell From The SkyWhere stories live. Discover now