Chapter 10

123 34 25
                                    

happy reading
-----------------------



"Aba h'wag ka ng makialam dito bata masasaktan ka lang, wala kang laban sa amin huy,  tatlo kami ikaw isa lang." sabi ng mamang naka yellow tshirt at nagtawanan naman sila






Sinubukan kung tingnan ang mukha ng taong tutulong sa akin ngunit nakatalikod ito sa akin kaya mahihirapan ako na tignan ang mukha niya. Tama nga naman si kuya tatlo sila at isang tao lang ang tutulong sa akin pero kung titignan naman sa katawan, well aba! Panalo ata ang manok ko!







Anong manok ang pinagsasabi ko? Ano bang mayroon sa Ramon Magsaysay na ito at parang naiiba ang ugali ko.






"Oo nga manong mag-isa lang ako ngunit tignan mo naman ang katawan ko, panalong panalo na sa pa machohan, diba miss?" Wika ng lalaking tutulong sa akin at tinignan ako.




Bahagya akong nagulat ng makita ko ang pag mumukha ng lalaking tutulong sa akin. Sheteng malagket sa lahat ng pwedeng tumulong sa akin itong si mayabang pa?






"Ikaw!?" sabay naming wika at turuan sa isa't-isa








Napatakip siya sa bibig niya na para bang gulat na gulat na makita ako. Tsk neknek niya pasalamat siya kailangan ko ng tulong. Tinignan ni Angelo ang mga so called 'The gwapings' nagpamewang na muna siya at isa-isa silang tinuro.









"Manong ewan ko sa inyo kung nakadrugs ba kayo or nasobrahan lang ng alak" paninimula ni Angelo









Pinagsasabi nito? Malamang nasobrahan sa alak ang mga manyak na ito. Kumunot naman ang noo ng so called 'the gwapings' 







"Eh kasi po hindi naman kagandahan ang babaeng gagasahain niyo at isa pa hindi din sexy tignan niyo nga po" sabi ni Angelo at lumapit doon sa tatlong manyak at inakbayan niya ang walang tatlong ngipin na manyak.







Nag-init naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Aba! Sumusobra naman ata itong lalaking mayabang na ito. I mean yes I am not pretty but at least I'm cute and of course I am not sexy but at least I have curves hindi lang halata dahil lage akong naka hoodie at loose na mga damit kapag lumalabas. Sampalin ko kaya ng boobs itong Angelo na ito ng matauhan?









Pinagsasabi ko? Nawiwindang na ata ako hayss respeto sa sarili Abe, h'wag mo nalang pakinggan ang sinasabi ni Angelo. Don't belittle yourself, appreciate it because no one else will.







"Alam mo ikaw binubuhay mo talaga ang maldita radar ko nuh. Kapag tapos ka na sa pakikipag chismisan diyan sa mga manyak na iyan baka gusto mo na tulungan akong makatayo?" sabi ko at inirapan siya pagkatapos kung magsalita







Nagtinginan naman ang tatlong manyak at nakita ko na parang kumikislap ang kanilang mga mata at nabitiwan pa ng isa ang hawak niyang fighter wine.






"Boshes hangehel paweee" hindi maayos na pagkakasabi ng naka kulay green na tshirt







"Tara na pre umpisahan na natin" sabi naman ng naka yellow na tshirt at pa segway segway na lumalakad papunta sa direksyon ko.







Lagot na, anong ginawa ko? Parang na himasmasan naman sila kanina ah? Bakit naging manyak na naman sila? Gumapang ako papalayo habang ang tuta naman na hawak ko ay tahol ng tahol subalit pilit ko itong tinatago dahil sabi nga nila kanina itatapon nila ito. Ayaw ko naman na itapon nila ang cute na tutang ito, kaya mas mabuti na itago.






Lost in the Clouds Where stories live. Discover now