Chapter 5

161 65 68
                                    

happy reading
---------------------


“Akala ko talaga you and Markus are really a thing ‘yun pala hindi at mas worst pa he just played your heart kawawa ka naman geekgirl” sabi ni Freya





“Tigilan mo nga si Abe, babaeng makapal ang blush on!” depensa naman ni Odette sa akin






Pagkatapos ng pag kasigaw ko sa corridor ay agad  rin na dumating si Odette at dinala niya ako sa comfort room. While I am washing my face at umihi naman si Odette and then Freya suddenly showed up and confront me.





Hindi pa rin nag sisink-in na nalaman ng lahat ng studyante ng DLSU kung anong nangyari sa amin ni Markus nakakapagtataka kung paano na video ang lahat ng nangyari pati na rin ang pag yakap ni Odette sa akin at isa pa paano nalaman ng sender na ang nakalagay sa cake ay ‘It’s a yes my Captain’ kami lang naman ni Odette ang nakakaalam neto dahil hindi rin nakita ni Markus ang nakasulat sa cake maliban nalang sa yes. Pero hindi ko rin pagdududahan ang aking bestfriend, she was always there for me and hindi ko makakayanan kung siya ang nag send ng video.







“Kawawa ka naman Abe” sabi ng isang studyante na nadaanan namin ni Odette







Pagkatapos akong cinonfront ni Freya ay lumabasa na kami ni Odette at pupuntahan na si Kuya Ricardo at uuwin na sa bahay dahil hindi maganda ang araw na ito gusto ko atang umabsent nalang kesa sa pumasok ako at pag-usapan ng boung campus.






“Kung kalian hulog na hulog na siya tsaka rin siya binusted ni captain”





“Nakaka-awa naman siya”





“Bilib talaga ako sa captain natin!”






Tinakpan ko na lang ang tainga ko para hindi na makarinig ng kahit ano pang salita tungkol sa akin. Pagkarating ko sa isang eskinita ay nakita ko na naka start na ang kotse.  Tinawagan ni Odette si Kuya Ricardo para ihatid ako sa bahay batid ko na alam na rin ni Kuya Ricardo kung anong nangyari sa akin dahil hindi na siya nag tanong pa.








“You’ll be okay Abe, makakalimutan rin nila ang nangyari” sabi ni Odette at niyakap ako








“Sana nga Dette, hindi pa nga ako nakaka move on sa ginawa ni Markus sa akin na dagdagan na naman ng isa pang issue, hindi ko alam kung anong nangyayari pero alam ko na malalagpasan ko ito. Ako pa ba?” sabi ko at niyakap siya pabalik, hinalikan ko muna sa pisngi si Odette at pumasok na sa sasakyan.







Pagkarating namin sa bahay ay agad akong nag tungo sa kwarto ko at isunbsob ang mukha ko sa kama at binuhos ang lahat ng luha ko. Ganito pala ang pag-ibig? Iyong tipong kung kalian hulog na hulog ka na doon ka rin sasaktan, susubokin ang tiwala mo sa isang tao.







Halos isang oras ata akong nag mukmok sa kwarto ko at walang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak. Napapunas ako sa mukha ko ng may kumatok sa kwarto ko.







“Hey Sharlotte I heard what happened are you okay?” halatang boses ni Mommy iyon tumayo ako at pinagbuksan ng pinto si Mommy at niyakap siya ng mahigpit.







Ganito si Mommy kahit na may ginagawa siyang mahalaga uuwi talaga siya para tanungin ako sa personal kung ayos lang ba ako. Busy si Mommy sa Business namin pero she always have a time for me. Kinuwento ko ang lahat ng nangyari at halata sa mukha niya na galit na galit siya.





Lost in the Clouds Where stories live. Discover now