Chapter 6

124 58 68
                                    

happy reading
------------------------





Flashback





“Huy ikaw panget ka paano ka nakapasok dito sa school eh for mayayaman lang naman ito ahh” sabi ng isa sa grupo ni Luis





Tinignan ko lang sila na para bang nagtataka. I am now a Grade 5 student kaya naiintindihan ko n akung bakit ako tinatago nila Mommy at Daddy because they care for me.






“Aba hindi ka sumasagot? Are you pipe?” maarteng tanong ni Krenelyn






Hinayaan ko na lang sila sa kung anong sasabihin at itatanong pa nila dahil ka bilin bilinan ni Daddy na hindi raw dapat ako sasagot sa anumang tanong tungkol sa akin dahil hindi raw pwede.







Napatigil ako sa pag lalakad ng biglang hinila ni Krenelyn ang buhok ko kaya napahawak ako dito.








“Ano ba masakit” mahinang utal ko at hinawakan ang  buhok ko ngunit mas hinigpitan lang niya ang paghila sa buhok ko.






Hinila naman ni Luis ang damit ko ng nakarinig ako ng damit na napunit. Binitawan na ni Krenelyn ang buhok ko kaya napaupo ako dahil sa pwersa ng pagkakahila ko sa buhok ko.





“Ayan mas bagay sa’yo ang butas butas na damit sa total pulobi ka naman eh, Ba’t  ba kasi you are here in our school eh you are so beggar naman.” Maarteng sabi ni Krenelyn at pumamewang







“Kung sinagot mo nalang sana ang tanong naming hindi na aabot sa ganito eh” sabi ni Luis at tinalikuran na nila ako kasama ang tatlo pa nilang kasama.






Hindi pa nakakalayo ang grupo nila Luis ay may humarang na sa kanila na isang batang babae.







“And where do you think you’re going unexplained species?” tanong ng batang sa kay Luis at sa grupo neto.






“W-what did you say?” sabi ni Klare at dinuduro na ang matapang na batang babae






“Unexplained species? You are all not dumb naman diba? So I think you know what I mean na” sabi ng batang babae and she crossed her arms over her chest and titled his head a little to the side with raising her one brow.







“How could you! Freak!” sabi ni Klare at sinugod na ang batang babae para sabunutan ngunit pinatid niya ito kaya naman nadapa ito. Umiyak naman si Klare and keeps on shouting.








Lumapit ang batang babae kina Luis na parang hinahamon ngunit yumuko silang lahat.








“I want you to say sorry to that kid.” Sabi ng batang babae at tinuro ako, napatingin naman sila Luis sa akin and they bit their lower lip.







Lumapit sila sa akin kaya napapikit ako at niyakap ang sarili ko dahil baka hindi nila sundin ang sinabi ng batang babae at sampalin ako.






“S-sorry” napamulat ako ng mata ko at medyo lumuwag ang pagkakayakap ko sa sarili ko dahil sa sinabi nila. Tama ba ang narinig ko? Sila nagso-sorry?







“You need to kneel” sabi ng batang babae sa grupo ni Luis.







Akmang luluhod na sila ng magsalita ako agad kaya natigilan sila.






Lost in the Clouds Where stories live. Discover now