Chapter 3

201 76 86
                                    

happy reading
------------------------


"Oh ano gurlll lutang ka na naman?" Napatingin ako kay Odette na kanina pa pala nagsasalita.





"Iniisip mo na naman si Markus nuh? Alam mo gurl kung gusto mo si Markus bakit hindi mo nalang siya sagutin? Matagal na naman siyang nanliligaw sa'yo eh I guess it's time already??" Dagdag pa ni Odette






Hindi na kami masyadong nag-uusap ni Markus kasi busy kami sa school works naiintindihan ko naman iyon eh. Kasalukoyan kaming nasa condo ni Odette kasi mag nenetflix raw kami. Eh ang ending napatulala ako kaya ito siya ngayon pinapangaralan ako.





"Hindi rin naman kasi ganun kadali iyon eh baka malaman nila Mommy pagalitan pa ako nun. Tsaka isa pa hindi ko rin naman alam kung paano siya sasagutin" mahinang sabi ko at pinaglaruan nalang ang mga daliri ko





Mahirap para sa akin na sagutin si Markus kasi hindi naman ako nagkaboyfriend simula bata pa siguro crush pwede na pero yung ganito? Hindi pa, kaya nga naninibago ako eh. Iba kasi yung nararamdaman ko para kay Markus kompara sa mga naging crush ko.




"Alam ko na kung paano mo siya sasagutin!" Sigaw ni Odette at maypa tayo pa talaga siyang nalalaman.




"Baka kalokohan na naman iyan. H'wag na nuh" sabi ko at nagfocus nalang sa pinapanood namin




Napatingin ako kay Odette dahil sa inoff niya ang TV. Tinaasan ko siya ng kilay.





"Let's bake" seryosong sabi ni Odette





Nanlaki naman ang mata ko dahil wala naman akong alam tungkol sa pagbake tsaka gusto ba niya na sumabog itong condo niya? Seryoso ba talaga siya sa pinagsasabi niya? Nahihibang na ata to si Odette eh.






"Mali ka naman eh!!" Sigaw ni Odette sa akin at kinuha ang whisk






"Pati ba naman sa pagmimix kailangan tama!?" nakabusangot kung sabi at iniwan na siya sa kitchen






Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto ni Odette at kung bakit kailangan ko pa na mag effort eh sasagutin ko lang naman si Markus pwede naman na itext ko nalang siya ng 'It's a yes' diba? Pwede naman? Pero si Odette kasi ang may alam sa mga ganito kasi siya ang naka experience ng serious relationship eh.





"Huy Abe baka nakakalimutan mo na para sa mahal mo itong ginagawa natin at hindi para sa mahal ko kaya bakit ako pinapagawa mo nito huh?" Sigaw niya mula sa kitchen





Isang Black Forest cake ang napagpasyahan namin na gawin dahil nga mahilig si Markus sa chocolate kaya ayun. Tumungo na ako sa kitchen para tumulong sa kay Odette.





"Aba bakit sino ba naka-isip neto huh?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang




"Ako?" Sagot naman niya at parang hindi pa sigurado dahil tinuro niya pa ang sarili niya.






"Hay naku gumawa ka na nga lang ng icing diyan" sabi niya at tinalikuran na ako para ipagpatuloy ang ginagawa niya






Pagkatapos naming mag bake ay nilagyan na namin ito ng icing na may nakasulat na 'It's a yes my Captain' si Odette naka-isip nun daming alam ng babaeng ito eh.






"Oh tapos? Anong gagawin natin dito sa cake?" Tanong ko kay Odette






"Simple. Ihahatid natin ito sa condo niya" sabi niya na para bang hindi kinalabahan. Sa bagay bakit naman siya kakabahan eh ako naman ang magdadala neto.




Lost in the Clouds Where stories live. Discover now