Chapter 8

332 8 2
                                    

DJ'S POV

Buong magdamag ko nang naiisip si Kath. Nakita ko kung gaano kahalaga ang kaibigan niya sa kanya, gumagawa siya ng paraan para magkaayos talaga sila. Lalo na nung narinig ko yung sinabi sa kanya nung Jerome na yon, oo tama. Narinig ko sila. Sinundan ko si Kath non. 

Nung nakita kong umiyak siya, wala akong ibang naisip kundi yakapin siya. Hindi ko alam, basta bigla nalang gumalaw ang katawan ko at nilapitan siya. Nung nakita kong naiyak siya, naramdaman ko lungkot niya. Ewan ko nga e, di ba dapat masaya ako kasi umiiyak siya? Dapat inasar ko siya. Wala akong nagawa. 

Nung nagpasalamat siya saken, nakita ko yung mga ngiti niya. Parang bigla nalang gumaan yung loob ko. Bigla nalang tumunog yung alarm ko. What the? 530 na? Hindi ako nakatulog. Shit! Bgla namang pumasok si daddy sa kwarto ko.

"Oh, gising ka na pala e." siguro nga? Ang aga naman ata niyang pumorma. Nakabihis agad siya, san naman punta nito?

"Aga pa ah, nakabihis ka na agad?" pagsita ko sa kanya.

Umupo siya sa kama ko. "Nalimutan mo na ba? 10th year anniversary namin ng mommy mo. Daniel talaga. Pupunta kami ng Bagiuo. Bibilinan lang kita. Wag kang masyadong pasaway. Ok?"

Napakamot ako sa ulo, "Dad naman. Aga aga e." bugnot kong sinabi.

"Teka, natulog ka ba? Bakit ang laki ng eyebags mo?" nangaasar ba siya? Malaki naman talaga eyebags ko e. Asset ko yan no.

"Psh, di pa ba kayo aalis?"

"Hindi pa. Nagbibihis pa ang mommy mo. Sige na, maligo ka na. Baka malate ka." tumayo na siya at aalis na sana pero.

"Dad, nasubukan niyo na bang mainlove sa kaibigan niyo?" naglakas loob akong magtanong pero hindi ako nakatingin sa kanya.

Sinarado niya ulit ang pinto at bumalik sa pwesto niya kanina. "Bakit?"

"Meron lang akong kakilala na..magbestfriend. Yung lalaki, may gusto siya sa babae. Yung babae, clueless, wala siyang alam sa nangyayari basta masaya siya dahil magkaibigan sila. Nung inamin nung lalaki yung nararamdaman niya, hindi natanggap nung babae dahil magkaibigan lang sila."

Nagbuntong hininga si daddy. "Same old story anak. Madalas naman, jan nauuwi ang mga magbestfriend e. At kadalasan din, natatapos ang pagkakaibigan nila sa ganon nalang. Hindi na magpapansinan. Bakit?"

"At merong bagong kaibigan tong babae na, walang ginawa kundi asarin itong babae. Nung una, akala niya magiging madali ang lahat. Na lahat aayon sa plano niya. Gusto niyang laging inaasar to pero nung makita niyang umiyak yung babae..parang mas nasaktan siya sa nangyari. Bakit ganon dad?" nakatingin lang mabuti sakin si dad. Psh, di niya siguro naintindihan yung kwento. Kahit ako, naguguluhan. "Sige dad, wag mo nang sagutin."

"Alam mo, na-in love din ako sa kaibigan ko nun. She's beautiful, she's smart and also clueless. And then, naging kami. Naging girlfriend ko siya pero nagbreak din kami."

Napakunot ang noo ko, "Bakit?"

"Nagbreak kami dahil asawa ko na siya ngayon." at napangiti naman ako don. Tinap niya ang braso ko, "Mahirap husgahan ang friendship. Minsan kailangang tapusin ang pagkakaibigan para mawala na din ang sakit pero minsan din kailangan mong panindigan ang sakit para maisalba ang friendship."

Napayuko ako sa sinabi niya, "At sa bagong kaibigan ng babaeng yun, mahirap kasing maglaro e lalo na kung hindi naman siya kasali sa laro. Siguro, napamahal na siya dun sa babae. Tinuring niya nang kaibigan."

You are my sweetest downfall. (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon