Chapter 7

360 7 2
                                    

 Sorry ngayon lang nakapag-update. ;(

Sabi ko lang heartbreaking scene.. Pero di ko sinabi kung KATHNIEL ba ah. Game!

__________

Monday, 7:00 am

Kath's POV

Kainis naman, sobrang madali ako, wala naman palang first teacher. :/

Aalis na sana ako ng classroom nang biglang may nakasalubong akong grupo ng mga babae na nagkakagulo sa isang magazine.

"Sinasabi na nga ba e! Magjowa sila!"

"Gaga! Agad agad? Nageendorse lang?!"

"Malay mo naman!"

Napadaan sila sakin, hindi na nga nila ako napansin e. One thing for sure is...magazine yun ng company namin! Grabe, nai-publish agad? Uhhh. Tsaka meron agad sila? Bilis naman!

"Kath!"


May tumawag sakin mula sa lkod ko, alam kong boses ni Padilla yun. Naiilang kasi ako pag dito sa school pag siya kausap. Kunware nalang di ko siya naririnig. Dumere-derecho ako.

"Kathryn! Huyy!"


Shit, agaw atensyon na naman kami nito sa mga babaeng nakaabang palagi sa kanya e. Hindi ko pa din siya nilingon at mas binilisan yung lakad ko.

Hanggang sa nahawakan niya na ako sa balikat at pagharap ko sa kanya, patay-malisya ako. "Oh Padilla? Hingal na hngal ka ata?"

"Tsk..kanina pa kita tinatawag at hinahabol. Bingi ka ba?" hindi. Pilay ako. Haha. "Oh baka galit ka na naman sakin?"


 

"Huh? Hindi. Talagang di lang kita naririnig. Ano kasi e, maingay. Oo maingay."

Napalingon naman kami. Nahiya naman yung tatlong tao sa may gilid. Sobrang tahimik lang kasi nila. Alam kong naguluhan siya at napakamot pa siya sa ulo. "Samahan mo na lang ako sa canteen, nagugutom ako e."

Hinihila niya na ako pero hindi ako umaalis sa pwesto at hinihila pabalik ang kamay ko. "Ano? Tara na."


"Ih. Maga-advance reading kasi ako sa El Fili. Ganito na lang, kumain ka nang mag-isa mo tapos ako magbabasa ng mag-isa ko. Galing di ba?" *taas baba kilay + full smile*

You are my sweetest downfall. (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon