Chapter 4

445 13 7
                                    

DANNA'S POV

"I'm home!" sigaw ni daddy. Sinalubong naman namin siya ni Mommy pagpasok niya pa lang. "Si Kath ba nakauwi na?" Kath na naman, kakauwi niya lang si Kath agad. Hmp.

"Hindi ko napansin e. Umuwi na ba Danna?" tanong sakin ni mommy.

"Opo dad. Nandun siya sa kwarto niya. And sabi niya masama daw ang pakiramdam niya. Gagawa din daw siya ng homeworks niya."

"Ganon ba? Sige, ako na lang ang tatawag sa kanya. Para sabay-sabay na tayong makapag dinner." bago pa man siya makaakyat ng hagdan, nagmadali akong unahan at harangan siya.

"Wag na dad. As in sobrang sama ng pakiramdam niya. Bilin niya din, wag siyang istorbohin. She's resting dad, just let her" 

"Oh ok. Let's have our dinner." hay salamat. Lusot na naman ako. :)

Flashback

"So Danna, papayag ka na lang ba na si Kath ang laging bida sa daddy mo?" si Yen. Napatingin ako sa kanya while brushing my hair.

"Any plans?" alam din kasi nila kung gaano kalaking sagabal sakin yang bruhildang Kathryn na yan e. Ako ang top ! sa buong batch namin pero sa mata ng daddy KO, siya pa din.

"According to our source, nakita niya si Kath na pumasok sa library." Our source? You'll know him soon. Haha.

"You know what to do girls." sabi ko sa kanila ni Lynn..

Nagpunta na agad kami ng library at nakita nga namin si Kath na nasa loob. Papasok na sana kami pero.."Oops, isasara ko na ang library. Bawal nang pumasok." Hinarang na agad kami ni Ms. Reyes.

"Sige po Ms Reyes, pakibilis na lang po."

*BLAG!*

Nagngitian kami nila Lynn at Yen dahil hindi na namin kailangang um-effort para dito. Haha pagkalock na pagkalock umalis agad kami kasi baka maabutan pa kami ng bruha.

End of FLashback

"Are you sure na ok lang si Kath? Asan si Manang Linda? Papaakyatan ko na lang siya ng pagkain at gamot." Ganito rin kaya si daddy sakin pag ako ang may sakit? Urg. I need to do something.

"Dad, ayaw nga pong magpa-istorbo."

"Kaya nga Roberto. Stop spoiling your daughter."

"You mean OUR daughter?" OUR? E hindi naman kay Mommy lumabas yun e! "Ok, i'll check her na lang before I sleep."

"Daddy let me do it. Para naman mas maging malapit kami." He gave me a convinced smile. Haha, kayang kaya ko talaga siyang paikutin. Hindi niya kasi to pwedeng malaman, kailangan to sa plano ko.

KATH'S POV

Madilim na, haay. Nakakatakot. Sabi pa naman nila may nagmumulto sa Library. Hindi ko alam kung nasaan ang kasama ko basta ako tumakbo agad pagkatapos ng nangyari. Haay, di ako makapaniwala na aksidenteng nakuha ng isang demonyo ang first kiss ko. Saklap dre.

*asdjklsdajshdjs.*

Alam niyo kung anong tunog yun? Tyan ko. Gutom na kasi ako e. Uhhh, na-miss ko tuloy ang luto ni Manang Linda. Siya kasi ang pinaka-masarap magluto sa bahay. 

Manang Linda.. TEKA, MANANG LINDA? TAMA! Lagi nga pala ako nung pinapabaunan ng Sandwich. Ang swerte ko pa din, haha. Makakakain na din ako. Dlawang sandwich ang meron ako. Haha, wala nga lang akong tubig.

You are my sweetest downfall. (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon