CHAPTER 1 ❤

757 21 3
                                    

Hi, ako nga pala si Kathryn Bernardo. 4th year highschool student. 

Hindi ako maingay, pero hindi ako tahimik. Sakto lang para bumagay sa barkada ko. Si Ejay, ang bakla kong kaibigan, si Kiray, ang kikay/babaeng bakla, si Julia ang bestfriend kong mataray pero busog ang lovelife sa isa sa varsity ng school namin, si Diego. Ang isa ko pang bestfriend, si Jerome. Tahimik siya, halos pareho kami ng ugali kaya magkasundo kami.

No boyfriend since God Almighty created this world, haha. 

Masakit mang sabihin pero anak ako sa labas ng daddy ko at mas masakit pang sabihing patay na ang nanay ko. Lumaki ako sa bahay ng totoong pamilya ng daddy ko. Si Tita Charlotte, ang asawa ng daddy ko, masungit at sosyalera. Si Danna, pareho kami ng school na pinapasukan pero never kaming nag-usap sa loob ng campus. Never din kaming naging classmates. 

Simpleng estudyante lang ako, unlike Danna..campus sweetheart, kinababaliwan ng halos lahat ng lalaki at matalino din.

Actually, lagi kaming may kompetensya since alam naman ng lahat na half sisters lang kami. Pero lagi naman akong natatalo.

"Excuse me, di ka pa ba tapos sa pagde-day dream mo teh?" nagising ako sa katotohanan na first day nga pala ngayon at nasa school kmi. Kung di ako kinausap ni Ejay malamang iwan ako ditong tulala.

"Kung hindi pa, pwedeng tomorrow naman ang next episode?" Kiray. Nagkamot ako sa ulo at tumayo na sa kinauupuan ko.

"Let's go, tingnan natin kung anong section natin." Jerome.

Naglakad na kami papuntang bulletin board kung saan nakapaskil ang list of names and sections ng mga estudyante.

"IV Aerides, Bernardo...Bernardo lang?! Kath ikaw lang ang napahiwalay!" sabi ni Julia.

"Weh? Tingin nga." urg, wag naman sana. Baka maging loner ako nito. Binasa ko, tiningnan kong mabuti. Anak ng chokwa, "Badtrip oh. Guys, ayokong maging loner." nakasimangot kong sinabi.

"Don't worry Kath, every recess, lunch break and dismissal pupunta agad ako sa labas ng room niyo para sunduin ka." bait talaga ni Jerome. 

"Thanks Jerome. You're the best!" at nag-appear kaming dalawa.

"Haha destined ata talagang wag nating maging classmate si Kath e, look oh. Classmates tayong apat. Pati na din si Diego. Haay, poor kathness." habang hinahawakan ang dulo ng buhok ko, psh. Kontrabida lagi ang peg nitong si Kiray.

"I think alam ko na kung bakit ka napahwalay samin Kath. Look, classmate namin ang chaka mong sisteret, Danna C. Rodriguez!" sumenyas ako ng wag siyang maingay dahil madaming alipores si Danna dito, aawayin na naman ako. Ejay talaga.

Hindi ako sinunod sa pangalan ng daddy kasi noong una, itinago nila ito pero sadyang ganon e, malalaman at malalaman din ng lahat. Sabi ni daddy surname daw ng lolo ko yon sa motherside, pero di ko pa sila nami-meet. Ever.

You are my sweetest downfall. (Kathniel Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon