Chapter 4

302 8 0
                                    


Chapter 4

*Jasmine P.O.V*

Dumating naman ako sa tagpuan. Yun nga lang, late ako ng konti. At male-late pa talaga ako dahil hindi ko pa siya nahahanap.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid and there, i saw him na kumakaway sa akin.

Pinagmasdan ko siya ng maigi. He's wearing a blue polo shirt with maong short and rubber shoes. AT PARA KAMING NAG-SABI SA ISA'T ISA NA COLOR BLUE ANG SUSUOTIN NAMIN NA DAMIT. . . . Grrrrr. . . . Hiyang-hiya ako sa mga dancers na walang uniform. He-he!!!!! Joke. . .

"Hi," - bati ko.

"Hi din."

"San ang sayawan?" - natatawang tanong ko.

"Nasa loob." - nakangising sagot niya.

Napahagalpak tuloy ako ng tawa. Hindi ko alam na mais din pala tong isang 'to.

"So. . . Pano to? Ang ikli ng suot ko?" - nag-alalang tanong ko.

"Bakit mo ako tinatanong? Ako ba ang pumili ng susuotin mo?"

"Hindi." - nakangusong saad ko.

"Yun naman pala, eh. . . Wag mo akong isali sa problema mo sa damit mo."

"Leche."

"Bakit di ka na lang kaya nag-panty no, kung ganyan naman kaikli ang suot mo." - manyak na suggestion niya.

"Oo nga no? Tara samahan no akong pumunta ng banyo at huhubarin ko tong shorts ko." - pikon na sabi ko.

"Eto naman, di na mabiro. Tara na nga lang."

Ngumiti pa siya sabay hila sa akin papuntang entrance. And mind you my dear, RIDES-ALL-YOU-CAN ANG BINILI NA TICKET! ! ! ! ! !

Pinasadahan ko ulit ng tingin ang kabuuan ko. Okay lang naman siya. Fit naman kaya malabo naman na masilipan ako. Pwera na lang kung sinadya talaga.

"Ano ba naman ang pumasok sa kukote ko at ganito ang suot kong damit." - bulong ko.

Ang una naming sinakyan ay UP-UP-AND-AWAY ba yun? Basta yung para kang lilipad? Hehe! And then, sunod-sunod na yung extreme rides na sinakyan namin. Woohoo!!!! Ang LUFET MAHMEHN. . . . ^_^

Hindi nga namin napansin na mag-ga-gabi na.

"Pa-gabi na pala?" - parang tangang tanong ko.

"Obvious naman di ba? Tara kain na tayo. Kumukulo na yung tiyan ko." - reklamo niya.

One Magical NightWhere stories live. Discover now