Chapter 1

1K 13 0
                                    

*Jasmine P.O.V*

"Susmaryosep!!! Anong nangyari sa mata mo Jasmine at parang magdamag kang umiyak?"- narinig kong bulalas ng kaibigan kong si Jemaikha.

Di ko napansin na nakalapit na pala ang kaibigan ko sa akin dahil nasa malayo ang isip ko... Ngumiti na lang ako sa kanya..

"Naku! Wala ito. Nakagat lang to ng ipis."- ako.

"NAKAGAT NG IPIS???? Ganyan na ba talaga kalaki ang kagat ng ipis ngayon?"- Jem.

"Oo,"- ako.

Tumayo na ako at niyaya ko na si Jem na pumunta na ng classroom. Sumabay naman siyang maglakad sa akin kahit na alam ko na di siya kumbinsido sa sagot ko...

Eh, sino ba naman ang makukumbinsi ko kung ganito kalaki ang kagat ng ipis, di ba?- bulong ko sa isip.

Muli.. Ay naglakbay na naman ang aking isip sa nangyari nung nakaraang araw.

Tinawagan ko si Dexter, ang boyfriend ko, para yayaing pumunta sa mall pero tumanggi ito at sinabihan ako na wag na lang pumunta pero may katigasan ang ulo ko at sobrang boring na dito sa bahay kaya napagpasyahan kong pumunta na lang ng mall kahit mag-isa lang.

Habang naglalakad ako sa mataong mall ay may nakita akong pamilyar na mukha na may kasamang babae. Binalewala ko iyon dahil imposible naman na boyfriend ko yun. Sabi kasi ni Dexter kanina ay busy ito kaya di niya ako masasamahan.... Pero.... Leche lang.... Nakita ko na kasi ng maayos yung mukha nila. Di ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Pinahid ko agad iyon. Nilapitan ko sila at pinipigil ko na lang na humikbi... Niloko na nga ako.... Pati pride ko ba.... Ibababa ko???? Hell, no!!!!!!

"Hi, babe."- ako.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at pagkataranta....

"Kaano-ano mo siya, babe?"- ako.

"Ah... Kaibigan ko, babe. Si Shane. Shane, si Jasmine, girlfriend ko."- pagpapakilala nung manloloko sa akin sa kabit niya.

Kaibigan..... My ass, bastard. Bulong-bulong ko.

"Uhm... Hello, Jasmine. Nice to meet you."- Shane.

Pagkasabi niya nun ay inilahad niya ang kamay niya para makipag-shake hands sa akin. Pero di ko tinanggap yung kamay niya. Tiningnan ko lang iyon at ibinaling kay Dexter ang atensyon ko... Tiningnan ko siya deretso sa mga mata niya.

"Maghiwalay na tayo..."

Yun lang ang huli kong sinabi at tumakbo na ako dahil di ko mapigilan ang luha ko.

Di ko pinansin ang pagtawag sa akin ng ex ko at di ko rin pinansin ang mga taong may pagtataka sa kanilang mukha na nakatingin sa akin. . . . . . .

Nagbalik lamang sa pangkasalukuyan ang isip ko nung sinigawan ako ni Jemaikha.

"ANO BA, JEM?"- sigaw ko pabalik sa kanya.

"Anong "Ano ba, Jem"?. Eh, hello, Earth to Jasmine. Kanina pa po ako salita ng salita dito na parang isang baliw dahil walang nakikinig sa akin."- Jem.

"Sorry... Tara na nga."- ako.

Hinila ko na siya pero pinigilan niya ako.... Tiningnan ko siya ng nagtataka....

"Ano?"- ako.

"Hello, hello. Nandito na po tayo sa harap ng room natin. Kung di mo napapansin."- Jem.

Pagkasabi niya nun ay awtomatikong napatingin ako sa harap namin.

"Hi-hi! Sorry."- ako.

"Kayong dalawa.... Ano pang itinatayo-tayo niyo dyan? Pumasok na kayo dahil magsisimula na ang klase."

Napalingon kami sa nag-salita at buti na lang, mabait ngayon ang teacher namin.

"Sorry po, sir."- sabi ni Jemaikha at hinila na ako papasok ng room.

Habang nag-di-discuss ang kanilang Filipino teacher ay natulala na naman ako.

Nabalik lamang ang aking diwa nung  may kumalabit sa akin. Nakita ko si Jemaikha na tinuturo si Mr. Cruz. Dun ko lang napansin na pati kaklase ko ay nakatingin na sa akin.

"Jas. Bakit ka umiiyak?"

Tanong sa akin ni Jem na may halong pag-alala ang tinig.

Kinapa ko naman ang pisngi ko at nasalat ko na basa nga ang mukha ko.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Di ko nakayanan ang mga naaawang tingin ng mga ito sa akin kaya tumayo ako at tumakbo palabas.

"Sir, excuse us."

Narinig ko pang sabi ni Jem sa teacher namin.

Takbo-lakad ang ginawa ko hanggang sa mapadpad ako sa abandonadong gusali sa likod ng paaralan namin.

Pumasok ako doon at tuluyan na akong naiyak.

Ilang minuto na rin ang nakalipas hanggang sa may naramdaman akong may yumakap sa akin.

"Tahan na, Jas."- pag-aalo sa akin ni Jemaikha.

Sinundan pala niya ako nung umalis ako sa room namin.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Jas?"- nag-alalang tanong sa akin ni Jem.

"Break na kami!"- humihikbing sagot ko.

Nakinig lang siya nung ikiniwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Ssshhhhh........ Tahan na.... Wag mo siyang iyakan... Di siya kawalan..."- nahimigan ko na nahihirapan din ang kaibigan ko sa nangyayari sa akin.

Nanatili lang na nakayakap sa akin ang kaibigan ko. Tanging pag-hikbi ko lang ang maririnig sa apat na sulok na gusaling iyon.

"Sshhh...... Tahan na...."

Narinig kong paulit-ulit na sabi niya sa akin.

Napatigil ako sa pag-iyak nung may marinig akong papalapit na mga yabag.... Kinabahan ako dahil abandonado na ang gusaling iyon.

Palakas ng palakas ang mga yabag kaya alam ko na palapit ng palapit din ang taong yun sa amin.

Nagulat kami pareho ni Jemaikha nung may sumigaw.

"Sino kayo at ano ang ginagawa niyo dito?"



(A/N: Good day!!!!! Pasensya na kung trying hard ang P.O.V nila, ha? Bago pa kasi ako.... Hehehe!!!! <3)

One Magical NightWhere stories live. Discover now