Chapter 2

508 8 0
                                    

 Chapter 2

*Jasmine P.O.V*

Napa-angat ang ulo ko nung marinig ko ang boses na iyon. . . .

Kilala ko ang lalaking nasa harap namin ngayon. . . .

Sino ba naman ang hindi makakilala sa lalakeng nakatayo sa harap ko ngayon? Siya lang naman ang binansagan na Crush Ng Bayan dahil sa taglay na kagwapuhan nito. Siya si Terenze Lagdameo na tinitilian ng lahat pero di ako kasali dun.

Gwapo nga siya. Napakalaking antipatiko naman.

Napa-igtad ako nung kinalabit ako ni Jemaikha. Ininguso nito yung lalaking antipatiko kaya nilingon ko ulit. Naglalakad siya papalapit sa amin kaya hinanda ko na ang sarili ko kung may masama man itong balak sa amin. Pero. . . . Yung kasama ko, nangingisay na sa kilig.

"Anong ginagawa niyo dito?"- tanong nung antipatiko.

"PAKI-ALAM MO?!"- sigaw ko sa kanya.

Pagkatapos ko na sabihin iyon ay bigla na namang tumulo ang luha ko.

"Miss, anong nangyayari sayo? Di pa naman kita inaaway ah. . . .!"- naulinigan ko ang pagkataranta sa boses niya kaya mas lalo akong naiyak. . . . . .

*Terenze P.O.V*

Nung makita ko yung babae na umiiyak ay nataranta na ako. Hindi ako sanay na may babaeng umiiyak sa harapan ko. Inulit ko yung tanong ko kanina at yung kasama niyang babae- na nakayakap sa babae, ang sumagot.

"Pasensya ka na Terenze, ha? Brokenhearted kasi tong kasama ko, eh."- narinig kong sabi nung katabi ng babaeng umuiiyak.

Nagtaka pa ako nung alam ng babae ang pangalan ko at sa wari ko'y nabasa ng babae ang aking isip.

"Ahhhh. . . . . Dito rin kasi ako nag-aaral kaya kilala kita. . . . . By the way, I'm Jemaikha Gonzaga and this is Jasmine Trinidad,-"- sabi nung babaeng nagngangalang Jemaikha at itinuro yung babaeng umiiyak. "- the cry baby at ang nag-iisa kong bestfriend.", dugtong pa nito.

Napangiti ako nung sinabi ng babae iyon pero nawala din agad iyon ng makita ko si Jasmine na pinandilatan ang babae. . . . .

"BAKIT KA NAGPAKILALA? SA KANYA BA ITONG BUILDING NA ITO?"- angil niya kay Jemaikha ngunit yumuko ulit siya nung tiningnan ko siya.

"Pasensya na ulit. . . . . Ganyan talaga 'to pag wala sa mood."- jem.

"Nah. . . . It's okay. . . . . Anyway, I like your friend."- ako.

Natawa ako ng lihim ng makita ko ang reaksyon nila. Si Jemaikha kasi ay natigilan at si Jasmine naman ay umirap. . . . . Ang TARAY. . . . .

"Tara na Jem. Maghanap tayo ng tahimik na lugar at alam ko na may baliw dito. Leche. . . Daming asungot. . . . ."

Narinig kong bulong ni Jas kay Jem. Tumayo na ito pagkatapos sabihin iyon pero nakita ko na matutumba si Jasmine kaya nilapitan ko siya at sinalo. Pero pumiksi agad siya nung mahawakan ko na.

"PWEDE BA? WAG MO AKONG HAWAKAN? ASUNGOT KA. . . ."- sigaw niya at ang tono niya ay nagtataray.

Ngumiti ako sa kanya dahil nagugustuhan ko talaga ang pagiging mataray niya.

*Jasmine P.O.V*

Nagulat ako nung makita ang ngiting sumilay sa labi ng lalaking antipatiko. Para bang. . . Di siya naapektuhan sa pagtataray ko. Inirapan ko ulit yung lalaki pero nakita kong mas lumawak ang kanyang pagkakangiti. . . . .

Nairita tuloy ako.

"I KNEW IT. . . . ."

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng lalaking nasa harap ko. At nakita ko na pagkalawak-lawak ng kanyang ngiti.

"Anong "I knew it" ang pinagsasabi mo?"- tanong ko.

"Pumunta lang kayo rito para magpapansin sa akin. Na nagkukunwari kang brokenhearted at umiiyak para makuha ang atensyon mo."- mayabang na sabi nito at ngumisi. . .

Napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"WHAT? KAMI? MAGPAPANSIN SAYO? FOR YOUR INFORMATION, MISTER ANTIPATIKO. TOTOO ANG LAHAT NG NAKITA MO. TOTOONG UMIIYAK AKO DAHIL BROKENHEARTED AKO. . . . HINDI AKO TULAD NG IBANG BABAE DYAN NA HALOS SAMBAHIN AT HALIKAN NA NILA ANG NILALAKARAN MO!"- sigaw ko sa kaharap ko at hinila ko na so Jem. "Tara na Jem. BWISIT. . . . DI LANG PALA SIYA ANTIPATIKO. UBOD DIN PALA SIYA NG KAYABANGAN SA KATAWAN. . .  "

Sumunod din naman agad sa akin si Jemaikha pero nagpanting agad ang tenga ko nung marinig ko ang sinabi niya.

"'Di mo dapat ginanun si Terenze, Jas. Kawawa naman siya."- jem.

"KAWAWA? TINGNAN MO NGA ANG UGALI NIYA! ANONG KINAKAWAWAAN MO DUN?" - sabi ko ng halos pasigaw na ng bongga. . .

"Easy ka lang, Ne. Di ako ang kaaway mo."

*Terenze P.O.V*

Ngumingiti ako ng mag-isa ngayon. Para na nga akong baliw habang pinagmamasdan ko yung dalawa na papalayo. Pareho silang maganda pero mas maganda talaga si Jasmine sa paningin ko.

'Siraulo ang ex niya. . . . Sasaluhin ko na lang siya. Shit. . Ang ganda talaga niya.'

"Aish. . . Nababaliw na ata ako. Pati isip ko, kinakausap ko na. Leche. . . . Pero . . . . Aaaaaaish. . . . Na Love at first sight na ata ako. . . . Aaaahhhh.... Ang mais ko. . . . . Baliw na nga siguro ako." -patuloy na bulong ko. . .







(A/N: Ang sabaw ng UD ko. . . . Pero sana. . . Patuloy niyo paring basahin. Hehe! <3)

One Magical Nightحيث تعيش القصص. اكتشف الآن