Chapter 3.5

393 8 0
                                    

Chapter 3.5

*Jasmine P.O.V*

Simula nung makilala ko yung antipatikong Terenze na iyon ay nagkandamalas na ang araw ko. Tulad ngayon, pinatawag ako ni ma'am Santos- ang aming prof, na nasa Faculty dahil di ako nakagawa ng assignment na dapat isa-submit ngayon.

"What's bothering you, Ms. Trinidad?" - ma'am Santos.

"Nothing." - walang gana kong sagot.

"Nah. . . Meron, alam ko. So please, kindly tell me what it is or should i say, what they ARE?" - ma'am Santos.

Napataas naman ang kilay ko dahil nagiging tsismosa na si ma'am. Pero sumagot pa rin naman ako.

"It's just my lovelife." - ako.

Nakita ko namang tumatango si ma'am.

"Pero Ms. Trinidad, di mo dapat dinadala ang personal mong problema dito sa loob ng paaralan."

"I'm sorry ma'am. It's just I can't help it." - nakatungong sabi ko.

"Okay. I understand. For now only. Dapat di na to mauulit. Hindi ko na to palalampasin sa susunod. . . You may now leave."

Napa-angat naman ang ulo ko nung sinabi na ni ma'am ang katagang iyon. Akala ko kung ano na ang parusa ni ma'am sa akin.

"Thank you, ma'am." - nakangiting pasasalamat ko.

Pero nawala din naman agad iyon nung sinabi ni ma'am ang katagang. . . . . .

"Don't thank me. Kay Mr. Lagdameo ka magpasalamat. He told me first what really happened to you in the past few days." - nakangiting sabi ni ma'am.

"What the. . . . Alam niyo na pala ma'am, eh. Bakit niyo pa ako tinanong?" - tanong ko. Nagpipigil lang ako na tumaas ang kilay ko dahil ayaw ko naman na pagalitan ako ni ma'am.

Tawa lang naman ni ma'am ang nakuha kong sagot.

Nadagdagan tuloy ang inis ko kay Terenze. Masyado siyang pakialamero. Kakabanas.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko- kanina pa naman kasi sinabi ni ma'am na pwede na akong umalis, at lumabas na ng Faculty.

Paglabas ko ay agad na kumulo ang dugo ko sa katawan. Nakasandal kasi siya sa dingding katabi ng pintuan.

"Anong ginagawa mo rito?" - mataray na tanong ko.

"'Di ka man lang ba magpapasalamat? Sabi pa naman ni ma'am yun na pasalamatan mo ako." - nakangising tanong niya sa akin.

"Salamat ha?" - sarkastikong sagot ko at binigyan din siya ng sarcastic smile. . . >_<

"Ahhh. . . . By the way, yayayain kitang mag-date sa darating na sabado. Hindi kita tinatanong kaya hindi mo na kailangang sagutin." - terenze.

Marahas naman ang ginawa kong pagpihit paharap sa kanya and my lips parted.

"WHAT THE. . . . PWEDE BA TERENZE, TANTANAN MO NA AKO? KAKASAWA NA KASI YANG PAGMUMUKHA MO, EH." - mariing bulong ko pero sapat lang iyon para marinig niya.

Hindi naman kasi ako ang tipo ng babae na eskandalosa.

"Hmmmm. . . . I'll think about it. . . And i think, tatantanan lang kita pag sumipot ka sa date natin sa darating na sabado." - nakangiting pahayag nito sa akin.

"NO WAY!!!!!" - ako.

"Yes way. . . Unless. . . . Gusto mo lang na palagi mo akong kasama at makita ang kagwapuhan ko." - mayabang na sabi niya sa akin.

Napamaang ako sa iniakto ng lalaking kaharap. Bilib din naman ako sa bagyong dala ng lalaking ito, eh. Nawasak kasi ang lahat ng gamit.

"Whatever." - sabi ko at tinalikuran ko na siya. Pero di ko pa naman naihahakbang ang paa ko ay pinigilan na niya ang braso ko at ipinihit paharap sa kanya.

"WAG NA WAG MO AKONG TATALIKURAN PAG KINAKA-USAP PA KITA." - mariing sigaw niya.

Nabigla naman ako sa iniasta ni Terenze. Nakaramdam ako ng konting takot pero di ko naman pinahalata sa kanya.

"Hinaan mo nga ang boses mo. . . Pwede mo namang sabihin sa mahinahong tono, eh." - sikmat ko.

"Sorry. This up coming saturday, 3 pm, sharp. Don't be late."

Yun lang at tinalikuran na niya ako.

"Ako? Si Jasmine Trinidad na nasusunod ang lahat ng gusto ko at di nagpapa-utos ay nautusan ng Terenze na iyon? Wow! Just. . . What the heck. . ." - bulong ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid dahil nakarinig ako ng mga bulung-bulungan. Doon ko lang napansin na nakatingin na pala ang lahat ng estudyante sa akin. Umalis na lang ako roon na parang walang nangyari. Pero hindi nakaligtas sa matalas kong pandinig ang huling bulong na narinig ko bago maka-alis.

"Ay! Buti pa siya. Niyayang mag-date ni Terenze." - girl na di ko kilala.

"Oo nga, eh. Ang swerte naman niya." - kasama ni girl.

"Ako? Swerte? Malas 'kamo, ne." - bulong ko.

One Magical NightWhere stories live. Discover now