HWFFTS 1 - 19th Birthday

81 12 11
                                    

Nakapikit kong kinapa ang cellphone ko sa gilid ng unan. Napakunot pa ang noo ko nang hindi ko ito makapa doon. Kaya no choice ako kundi bumangon sa pagkakahiga.

"Asan na ba yung cellphone ko?"

Nagpalinga-linga ako sa kama, tinanggal ko pa yung mga unan at kumot mahanap lang.

"Hala asan na yun?"

Bumaba ako sa kama at sinilip ito sa ilalim dahil baka naman nahulog lang. And ayun nga!

"Gotcha! Ang likot ko siguro matulog kaya ka nahulog" napailing nalang ako sa naisip ko. Tinignan ko ang oras at date ngayon.

June 15
06:05 am

Oh. Birthday ko na pala bukas?

Grabe di ko manlang namalayan. Di bale, wala namang ganap tuwing birthday ko. Its not like I have someone to celebrate my birthday with.

Sinimulan ko na gawin ang morning rituals ko, naghilamos lang ako at nagpalit ng over size shirt at shorts. Naka pantulog kasi ako kanina. And yun nga lumabas na ko sa kwarto to start my day.

Pumunta ako sa kusina at nagtingin ng makakain. Hotdog and eggs pwede na to! Sinimulan ko na ito iprito para makapag agahan na ako. Kumuha rin ako ng gatas sa ref.

Nang maluto, sinimulan ko na kumain. Wala naman akong kasama dito sa bahay namin. Yeah, mag-isa lang ako. I've been alone in this house for three years I guess?

Masyado kasing busy ang mga magulang ko, since marami silang business hindi lang dito kundi sa ibang bansa hindi na nila nagawa pang bumisita dito sa bahay. For those years, they would just sent me texts asking how I'm doing and such. And pag birthday ko ganun din, papadalhan lang nila ako ng regalo.

Since birthday ko bukas, tiyak na papadalhan nanaman nila ako. And ganun lang ganap sa life ko the past years. They never showed up, God knows how much I miss them. Naiintindihan ko naman na para rin yun sa aming magkapatid.

Yes, I have a sibling. An older brother, pero busy din sya eh. He's a pilot. May sarili syang condo kaya di na sya gaano umuuwi dito sa bahay.

Matapos kumain, dinala ko na ang mga pinagkainan ko sa lababo at hinugasan. Dahil konti lang naman yun, mabilis akong natapos.

"So, what to do next?" Nagpagala-gala ang tingin ko sa bahay, and the next thing I know hawak-hawak ko na ang vacuum at nagsimula nang maglinis.

Linis dito, linis doon. Sipag ko naman po.

Nalinis ko na ang sala, kusina, dining area at ngayon andito naman ako sa kwarto. Since araw-araw ko naman nililinis ang kwarto ko kaya malinis naman yun mabilis lang ako natapos.

"Finished at last!" At ayun nga, natapos na rin ako at napahiga sa kama. Kapagod teh. Naubos ata energy ko. After ko makapagpahinga bumangon na ako para magluto ng pananghalian.

Wala na akong stock ng pagkain kaya napag pasyahan kong mamili mamaya. Dahil may nakita pa akong noodles sa cabinet yun nalang ang naging lunch ko.

Pagka-kain, pumunta na ako sa kwarto para maligo pagkatapos nagsuot ako ng black longsleeve croprop at white highwaist short at white na rubber shoes. Nag powder at liptint lang ako and off to go na.

Andito na ako sa grocery store, and ngayon ko lang narealize na hindi pala ako nakagawa ng list na kailangan ko bilbin. Napa-face palm nalang tuloy ako.

No choice tuloy ang lola nyo kundi ikutin bawat shelf at dumampot nalang ng kung ano-anong magustuhan ko sabay lagay sa cart.

"OMG! Ang gwapo mo talaga Cloud hihihi."

"Oo nga girl! Makalaglag panty shet!"

"Cloud my baby, i love youuuu!"

Andito ako ngayon sa may appliances section at nakaagaw ng pansin ko yung grupo ng mga babaeng akala mo uod na sinabuyan ng asin. Namimilipit sa kilig jusko! May pinapanood sila sa isang flat screen tv doon. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy na sa paglalakad.

"Okay na siguro to." Chineck ko ang laman ng cart at wala namang kulang kaya pumunta na ko sa may cashier para magbayad. And di naman mahaba ang pila kaya nakalabas din ako agad at pumara ng taxi.

Pagkauwi, inayos ko lang ang mga pinamili ko and umakyat ulit sa kwarto para magbihis. Dahil bored ako naisipan ko na manood nalang muna sa salas.

"Mukhang maganda tong Love O2O ah! Shet ang gaganda ng genes."

Masyado akong naengganyo sa pinapanood ko kaya umorder nalang ako ng makakain sa isang fast food dahil tinatamad ako magluto.

Dumating din naman agad ito at sinimulan ko na kumain habang nanonood. Lumipas ang mga oras.

11pm na nang mapagdesisyunan ko na tumigil na sa panonood at linisin ang kalat ko dito sa sala at pumasok sa kwarto.

Nag halfbath ako at nag toothbrush, nagpalit narin ako ng pantulog. Pagkahiga sa kama, tinignan ko ang oras.

12am.
June 16.

"Happy 19th Birthday Angel." bati ko sa sarili ko, napangiti nalang ako ng malungkot.

Nakatanggap din ako ng mga pagbati sa ilang mga kaibigan ko, nireplyan ko muna sila. Nagpasalamat ako at nakipagkamustahan.

Maya maya, tumigil narin ako at pumikit. I wonder what changes might've happen after this day.

He Who Fell From The SkyWhere stories live. Discover now