Can't Leave : Tsurugi Brother's

135 8 3
                                    

Can't Leave : Tsurugi Brother's

I was walking like any other day. Yes.. nabuhay ako na may kakaiba sa akin. I can see souls.

"Hi tenma!" Sigaw nung kaluluwa na nakaupo sa may kalsada. Dun kasi sya nasagasaan.

Hindi ko sya pinansin pero bahagya lang akong ngumiti. Ayoko kasing isipin na naman ng mga tao... na... baliw ako.

At may panibagong tumawag sa akin.

"Ouy bata! Makipaglaro ka naman sa amin" sabi ng matandang nagchechess sa may waiting area. May katabi din syang matandang nakasumbrelo at nagbabasa ng dyaryo.

Binilisan ko lakad ko. Pansin kong tinitignan na rin ako ng ibang tao.

"Kung ano na naman nakikita nya"
"Halika na. Mahawa pa tayo dyan"

Isinuot ko nalang ang earphones ko at naglakad papunta sa school.

Pansin kong may sumusunod sa akin. Di ko iyon nilingon. Napahinto ako ng may biglang humarang sa harap ko.

Isang lalaki na may maamong mukha. May nunal sa may baba ng labi at nakapang ospital na damit sya.

Alam kong kaluluwa sya kaya dinaanan ko sya.

"Uy!" Sambit nya at sumulpot uli sa harap ko. Di ko sya pinansin pero   buong maghapon sa trabaho ko sa cashier sinusundan nya ko.

"Alam kong nakikita mo ko" nang iinis na sabi nya. Di ko sya pinansin at ng uuwi na ako. Napadaan ako sa may tulay. May nakita akong lalaki na nakaupo sa may kongkreto sa kabilang rehas na pagtinalon mahuhulog sya.

Nakita kong nag aalalang tumingin ung sumusunod sa akin na multo. Hay...

Naglakad ako palapit sa lalaki at naupo sa liko nya habang nakasandal sya sa rehas.

"Uy" sabi ko

"Hmm"

"Bat ka nandyan?" Kaswal kong tanong

"Di ba halata?" Natawa sya

"Bakit mo gagawin yun?" Natahimik sya saglit

"Tutal wala rin naman magagawa. Sasabihin ko na. Alam mo.." panimula nya.

"May kapatid ako. At alam ko na hanggang ngayon, nandito parin sya at di matahimik. Siguro.. galit sya sakin. " malungkot nyang sabi

"Bakit naman?"

"Kasi... namatay sya na galit sa akin. Bata pa lang kami.. kinukumpara na ako lagi sa kuya ko. Magkaiba kami. Mabait sya, masiyahin, matalino, maraming kaibigan, gwapo... perpekto sya. Samantalang ako, wala pa sa kalingkingan nya" bahagya syang natawa.

"Isang araw..  sa sobrang galit ko sa kanya nasabihan ko sya na sana hindi nalang sya naging kuya ko. Sabi nya.. sana nga. Lalo akong nagalit. Kasi... ayaw nya sakin?! Ano.. kasi sya perpekto? Tapos.. kinagabihan. May binalita. Isang lalaki, namatay matapos iligtas ang 56 na bata mula sa mga kidnapper. Namatay ang kuya yuuichi ko ng.. nililigtas ang iba. At.. saka ko nakita ang liham nya para sakin."

'Kyousuke... sorry ah. Kung hindi ako naging mabuting kapatid sayo. Pinilit ko naman pero.. alam kong nagagalit ka sa akin. Nasaktan ako ng marinig na.. ayaw mo kong maging kuya. Pero.. kung iyon ang ikakasaya mo. Sana nga.. hindi nalang ako ang naging kuya mo.

-*bura na kuya* yuuichi'

Narinig ko ang paghikbi nya. Tumagos sa rehas ung multo at niyakap sya.

"Alam mo..." sambit ko.

"Sa tingin ko hindi sya makaalis sa mundong ito di dahil galit sya sayo. Sigurado akong.. nag aalala sya sayo. Gusto ka nyang makitang masaya."

Napangiti ako ng mapait.

Ngayong araw.. nabago ang pananaw ko. Hindi pala lahat ng multo, naiiwan sa mundong ito dahil gusto ng hustisya. Ung iba..

Di makaalis dahil nag aalala sa kapatid nya, na di mapatawad ang sarili at sinisisi ang sarili sa pagkawala ng kuya nya.

"O sya.. aalis na ako. Alam mo. Hindi matutuwa ang kuya mo pag tinuloy mo yan. Umuwi ka na. Hindi sya galit sayo. Mahal ka nya.. kyousuke"

-THE END

IEGO  Stories by NeechanWhere stories live. Discover now