Chapter 11 Ryu and Leo

83 7 4
                                    

Chapter 11 Ryu and Leo

***KAYE POV***

"A badge huh?" mataman kong pinagmasdan ang golden badge na ibinigay ng kambal. Hugis bilog ito, maaaring paghiwalayin kagaya ng yin at yang na disenyo. Na oras pagdikitin mo ay magiging isa. Mayroon itong dalawang kamay na mahigpit na magkahawak. May nakaukit na munting apoy sa magkabilang kamay. Oras na magdikit na ito doon mo lang mauunawaan ang desinyo niya. Bago ko nga pala makalimutan, kailangan mo siyang e-unlock upang paghiwalayin. Masyadong metikuloso ang pagkakagawa. Hindi ordinaryo, para bang sinadya siyang ipagawa.

Ibinagsak ko ang katawan sa kama. Ingangat ko ang badge at muling pinagmasdan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumasaksak sa ulo ko na nagawa kong talunin ang kambal nang hindi ko namamalayan.

Nag-bake lang naman ako ng cake at tinukoy kung sino ang Ryu at Leo sa kanila. And ola, my badge na ako. Parang isang malaking joke naman ito.

"Wear that tomorrow, to show what greatness you've done this afternoon my princess." Nakangiting wika ni Leo.

"Be proud my little lamb," Ryu show his purest smile.

Tahimik lang nang mga sandaling iyon si Tristan. Nasa mukha pa rin ang di pagkapaniwala na nakatumpak ako. Isa daw malaking himala na tama ang pagtuloy ko. Weird. Kahit saglit ko lang nakasama ang dalawang iyon ngunit nagawa ko silang kilalahanin tungo sa pagkain.

"Chamba lang ba?" Napangiti ako pagkakita ko sa hawak. It's kinda heavy for a fake golden badge. O baka nama tunay na ginto ito. Kahit alin man doon ay hindi mahalaga.

Inilapag ko iyon sa mesa saka natulog na. Kailangan ko pang makipagtunggali sa damuhong si Tristan. Sana magawa ko siyang talunin para maabot ko ang tinatawag nilang hari.

"Wait for me Kaizzer Leigh Montefalco." Saglit akong bumungisngis bago hinila ng antok.

***END OF KAYE POV***

***TWINS POV***

"THANK you Manang Esme for this wonderful meal," Leo said with a smile on his face.

"Your cook is the best." Ryu agreed.

"Naku, walang ano man senyorito Ryulenzo at Leorenzo. Mas masaya ako dahil nasarapan kayo sa luto ko." Maligayang sagot ng matandang taga-luto ng mga Mondejar.

"The pleasure is ours po Manang Esme,"

"Naku naman." Bakas sa mukha ng matanda ang kasiyahan dahil napagsilbihan niya ng maayos ang dalawa niyang alaga.

"Manang Esme," nakangiting ibinaba si Ryu ang hawak na kubyertos saka hinarap ang namumulang matanda.

"Can you determine the handsome guy in front of you?" Ryu asked sweetly.

Napasulyap si Manang Esme sa pagkaing nakahain sa harap ng kanyang alaga. Pagkakita na isa itong minatamis na dessert, agad na sumagot ang matanda.

"Senyorito Leorenzo," tila proud na wika nito.

Lumapad ang ngiti sa labi ng kaharap niyang alaga. Ngiting hindi abot sa mga mata at tila sinasadya lang na ipakita.

"Ang galing naman. She got us right, Ryu." Ryu called his twin brother Leo.

"Yes she is," nakangiting sang-ayon ni Leo. Kahit ang totoo niyan ay mali ang matanda sa paghula.

Hindi makikitaan na hindi sila natutuwa sa halos mali-mali na pagtawag sa kanilang dalawa. Mula sa mga magulang hanggang sa sariling kaibigan. No one can guess right.

Maraming nang katulong ang dumaan sa buhay nila ngunit kahit isa ay walang nakatama. Kung meron man, agad na magdadahilan ang isa sa kanila na mali ang mga ito. Kaya naman wala ng tatama.

The Class S Students DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon