Chapter 6 ANG PUSA

227 21 0
                                    

Chapter 6 ANG PUSA

***KAYE POV***
WALANG tigil ako sa paghinga ng malalim habang nakahawak sa seradura. Nasa harap na ako ng pinto. Hindi ng school kundi sa mismong bahay ng lola kong may dalawang sungay. Isama niyo na ang buntot.

Nasa sitwasyon ako kung saan hindi ko alam kung paano makakatakas. Sa unang araw ko sa pagpasok, napagalitan at nabato ako ni teacher ng chalk. Take note, sapo ako sa noo. Pangalawa, nakisama ako sa gulo kanina. Nakisawsaw ako sa problema ng iba. Sino ba namang hindi? Hindi na iyon makatao. Kaya naman hindi ko napigil ang sarili na maawa dito.  Siguro naman, kahit sino ang nasa kalagayan ko ay iyon din ang gagawin...

Saglit na pumasok sa utak ko ang ilang eksena kanina. Kung saan minamata ng mga kapwa ko kamag-aral ang babaeng naka-green na ribbon. Binabawi ko na, walang awa ang mga estudiyanteng nag-aaral doon. Lalo na ang mga nataguriang special students na iyon. Perpekto daw sa lahat ng perpekto. Pwe, hindi ko naman mahanap kung saan banda. Kapag sinabing perfect, dapat pati ugali kasama. Lahat sila ay masasagwa ang ugali. Lalo na ang manyak na si Tristan.

Huminga ako upang kalmahin ang sarili. Hanggang ngayon ay naaalibadbaran pa rin ako sa hunghang na iyon. Inapak-apakan niya ang nananahimik kong I.D. Humanda siya bukas. Siya naman ang aapak-apakan ko.

Ang pangatlo nga pala, napatawag ako sa principal's office, hindi sa gulo na pinasok ko kundi gusto lang nito na ipaulit sa akin ang test, na siyang ipinapakuha sa mga papasok sa school. Matapos ang nagawa kong pagpasa sa eksaktong puntos na hinihingi nila, saka pa ako pinaulit. Tapos inilagay pa ako sa pinakaalanganing sitwasyon.

Napabuga ako ng marahas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng matandang iyon sa akin. Sa lakas ng radar niyon, natitiyak ko na alam na niya ang mga pinanggagawa ko. Sana hindi bawasan ng matandang iyon ang allowance ko. Tinitipid ko pa naman ito para tuluyan na akong makalayas dito.

Saglit akong bumitaw sa seradura at tinapik-tapik ang nangmamanhid kong pisngi nang dahil sa lamig. Inabot na kasi ako ng isang oras sa pag-iisip.

"Kaya mo iyan Kaye." pagbibigay lakas ko sa sarili. Sunod ay pikit matang pinihit ko ang seradura pabukas. At parang walang nangyari na tinahak ko ang direksiyon ng hagdanan. Hindi na muna ako kakain. Lalabas lang ako kapag tulog na ang lahat. Ngunit eksaktong pagtapak ko pa lang dito saka ko pa narinig ang malamig at nakapaninindig balahibo niyang boses.

"Where do you think you are going?" aniya.

Lagot! Huminga ako ng malalim sabay kagat sa ibaba kong labi.

"Karriza Aye!" She continued.

Mariin kong ipinikit ang nga mata. Nagbilang ako hanggang tatlo, maratos niyon, hinarap ko ang matandang ito kagaya ng dati. Halos magkasalubong ang magkahiwalay niyang kilay. Kasa-kasama niya rin ang nakakatakot niyang pagmumukha at awra.

"Good evening Lola." Hindi na ako nag-abalang bumaba at humalik sa kanyang pisngi. Wala sa ugali ko ang ganoon. Bagkos nanatili lang ako sa aking kinatatayuan.

"How's school?"

Napatayo ako ng tuwid sa labis na kaba. Tinatanong pa talaga? Hindi ba ba obvious? Baka naman alam na niya ang totoo tapos gusto niya lang akong tanungin kuno.

"It's fine." Humalukipkip ako.

"Pumasok ka?"

"Oo."

"Are you sure?"

"Oo naman!" Pinanlisikan niya ako ng nga mata sa biglang pagtaas ng boses ko. Darn! Hindi ko napigil ang bunganga ko. Masyado kasing makulit ang isang ito.

The Class S Students DareWhere stories live. Discover now