Chapter 13 Hate

70 8 4
                                    

Chapter 13 Hate

***KAYE POV***

ILANG ulit kong iniuumpog ang noo ko sa inosenteng pintuan na nadaanan ko. Nagbabakasakali ako na makalimutan ko ang katangahang nagawa ko kahapon. Sino ba naman kasi ang nasa tamang katinuan upang gawin ang kagagahang iyon? Nakagawa ako ng isang kasalanan na kahit mga magulang ko ay tiyak na babangon sa hukay upang pangaralan ako.

Tumigil na ako sa ginagawang pananakit sa pinto.

Kahit hindi ko man iyon nagawa, ang aksidenteng mahalikan ang hari ng kaperpektuhan kuno na lalaking iyon. Natitiyak ko na magagalit pa rin sa akin ang mga magulang ko dahil nagawa kong pabayaan ang pag-aaral ko dahil sa labis na galit ko sa mundo. Sa sarili ko.

"Mama, papa..." Kagat ang ibabang labi na inumpog kong muli ang noo ko sa labis na pagka-miss sa kanila ngunit wala na roon ang sakit. Nasa kaliwang bahagi na iyon ng dibdib ko.

Kung hindi dahil sa aksidenteng iyon, masaya pa sana kaming tatlo. Hindi sana ako aabot sa punto na mawawalan ako ng ganang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Wala sana ako sa poder ng matandang iyon. Kaso hanggang sana na lang ang lahat. Hindi na maibabalik sa akin ang mga nilalang na pinapahalagahan ko higit pa sa aking buhay.

"Aray naman!" anang boses ng isang lalaki.

Dagling hinanap ng mga mata ko ang pinanggalingan ng tinig. Sinalubong niyon ang hindi maipintang mukha ng lalaking umapak sa minamahal kong id kamakaylan. Ang lalaking kailangan kong mailampaso. Nakalapat ang likod ng palad niya sa direksiyon kung saan ko ibinubunton ang lahat ng hinanakit ko.

"Problema mo?" Pahinamad kong tanong na hindi inaalis ang noo sa pinto. I want to challenge him but he keeps on insisting to wait for one week because I defeated the notorious twins. It's their rules.

"The heck!" Tinitigan niya ako na parang ako pa itong may kasalanan.

I rolled my eyes. Balak kong ibalik ang bagay na kanina ko pa ginagawa ngunit hindi masakit. Isang sigaw ang bumasak sa minamahal kong tainga.

"F-ck!" Maang na napasulyap ako kay Tristan, hindi maipinta ang kanyang mukha. He's shaking his right hand and blows it afterwards, as if it will ease the pain.

"You're weird. Ano namang kaartihan ang pumasok sa utak mo para iharang ang kamay mo sa noo ko?" Ako ang dahilan kung bakit nagpapakasakit ang lalaking ito. Malay ko naman na palad pala niya ang ipapalit sa pintong napagdiskitahan ko kanina pa. Akala ko kasi tatanggalin na niya. Hindi pala.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang bulalas niya.

"What?" I innocently ask. Alam ko naman kung ano ang iniririklamo niya, feel ko lang talagang mamikon.

Inarko niya ang katawan na parang balak niya akong sabunutan- Mariin akong napailing, hindi sabunot kundi batok. Iba talaga ang epekto ng katangahan ko kahapon. Nagiging mapurol lang lalo ang utak ko.

"Stupid!" he hissed.

"Talking to yourself?" I sarcastically smile.

Tristan just glares at me and took a deep breathe. Mukhang kinakalma yata ang sarili niya na ewan ko kung bakit. Bweno, kung balak man niya akong saktan, handa naman akong lumaban. My deceased father taught me how to protect myself. Hindi nga lang niya naituro sa akin kung paano protektahan ang puso sa labis na paghihinagpis mula ng mawala sila ng mama ko.

Marahas kong isinuklay ko ang mga daliri sa buhok ko. I want to forget this pain. It's eating me again.

"Shit!" Napasinghap ako matapos kong madama ang noo ko. It's freaking painful. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba o hindi. Bakit ba ngayon ko lang naramdaman ito? Kanina parang wala lang iyon a. "Ang sakit!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Class S Students DareWhere stories live. Discover now