Chapter 3

66.9K 1.9K 502
                                    

KULANG na lang ay pasakan ni Cambria ng pagkain ang bunga-nga ni Crosoft sa kakadaldal nito. Sabi na nga ba't ito na naman ang babanat ng kwento. Sa kanilang dalawa mas madaming ulat itong si Crosoft. 'Yong tipong pang showbiz balita.

Inisang kagat niya ang kalahati ng hamburger na kinakain. Hindi niya 'yon nilunon agad. Nginuya-ngoya niya muna habang ang tingin niya ay nakatuon kay Crosoft.

"Matagal ko na talagang napapansin na may pagka-tsismosa 'yang si Cutleen. Napansin mo?" tumango-tango siya. "Kahit na nasa harapan natin siya halatang nakikinig at kapag narinig niya tayong mag-usap sa likod bigla na lang." Ginaya nito ang boses ng kaklase. "Ay kilala ko 'yan. Ang landi nun. Madami 'yong lalaki. Baliw! 'Di siya na lang nag-kwento, diba? Langya!"

"NyaanMoNaKasheYon," komento niya.

"Kaibiganin mo muna kaya ang tubig," binuksan nito ang isang bottled water bago 'yon itinulak palapit sa kanya. "Uminom ka nga bago ka magsalita. Mabolunan ka pa riyan."

Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito bago sinaid ang laman ng bottled water. Napa "woah" pa siya nang maramdaman niyang lumuwag ang lalamunan niya. Dapat yata one-third na lang ang kainin niya sa susunod.

"Nga pala," pag-iiba niya. "Bakit 'di mo kasama si Jeymes ngayon?"

"Sige kain ka pa," biglang isinubo ng buo ni Crosoft ang kinakain nitong burger sa bibig niya. "Pakabusog ka."

"H-Hoy!" nailuwa niya ang burger. "Baliw ka ba?! Huwag mo kong idamay sa LQ n'yo ni Jeymes. Tao ako, 'di alagang baboy. Kabanas 'to." Itinabi niya na lang 'yong na sayang.

"Bakit mo ba pinoproblema ang lovelife ko? Pinapakialaman ko ba ang sa'yo? Ay oo nga pala, wala ka pala nun." He chuckled.

Nanlaki naman talaga ang butas ng ilong niya. Nami-mersonal na ang 'sang 'to eh!

"Naku! Kapag ako napuno sayo magpapabuntis talaga ako sa'yo para wala ka ng masabi sa akin." Banta niya rito. Na pwede ring half meant kapag tinupak ako. Bwesit!

He tilted his head. "Hay naku! Pinapahalata mo na naman na patay na patay ka sa akin." He leaned his face forward. "Natatakot na tuloy ako sayo." A mischievous smile curved on his handsome almost perfect face. Ang expression ng mukha nito ay kabaliktaran ng sinabi nito.

She gulped. Bakit ba ang gwapo-gwapo ng nilalang na 'to? Apat na taon mo na 'yang tinatanong Cambria huwag kang paulit-ulit! Dapat, itanong mo sa sarili mo kung bakit 'yon ang nasabi mo.

"Ay huwag na! Ayokong maging single mother." Bawi niya. "At saka ayokong ma – in love sa kagaya mo. Walang assurance na mamahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sa'yo kung sakali man." May hugot lang?

Bigla namang natahimik si Crosoft. Naingat niya ang tingin dito. Nandoon na naman ang blankong expression ng mukha nito. Wala na naman siyang mabasa.

"Marunong din naman kaming magmahal," wika nito bago ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Tapusin mo na 'yan."

Hindi na ulit siya nakaimik pa. Lihim siyang papangiwi. Tanga ko talaga eh! Na offend ko pa yata.



LUTANG ang isip ni Cambria habang kumukuha ng order. Hindi na nga umaabot sa mata ang ngiti niya. Buti na lang at 'di pa siya pumapalpask kung 'di patay siya sa boss niya. Hapon na at basta ganitong oras ay wala gaanong customers. She leaned her arms on the counter and sighed.

MY CROSOFT - PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon