Chappie Thirty Three

942 30 0
                                    

ALEXEI POV

Simula kahapon nung iuwi na namin si Mikee ay hindi na ito lumabas ng kwarto niya. Dinadalhan na nga lang namin siya ng pagkain dahil hindi naman siya bumababa kapag kakain na.

Pati nga si Gross walang nagawa kundi ang manatili na lang sa isang tabi. Alam namin na gusto niya ding kausapin si Lukaret kaya lang wala talaga yun sa mood.

"Kamusta na kaya siya?" Tanong ni Kim. Naandito kami sa living room at kasama din namin ang mga boys.

Actually dito din sila natulog dahil nagbonding din pala sila kahapon at napag usapan din nila na mag overnight ulit sila dito sa bahay ng soon to be married.

"Sana okay na siya." Malungkot na sabi ni Carmille kaya niyakap namin siya.

"Magiging okay din yang si pwenie." Nakangiting sabi ni Azalea. Kaya kahit ayaw naming ngumiti dahil alam naman na niloloko lang namin ang sarili namin ay ngumiti pa din kami.

Matapos ang dramahan na iyon ay nakita namin si Mikee na pababa ng hagdan na tawang tawa kasama si Nikko.

Talagang close na silang dalawa ni Nikko at hindi pa namin malalaman yun kung hindi kinuwento sa amin ni Carmille yung nangyari sa kanilang tatlo.

Napansin ko na nakasunod lang si Gross sa dalawang masayang bumababa ng hagdanan. Lungkot yung makikita sa mukha ni Gross. At isa lang ang naiisip ko sa mga oras na ito kung bakit siya malungkot.

Hindi niya inaasahan na si Nikko ang magiging way para bumalik or tumawa ulit si Mikee ng ganito after what happen yesterday or baka naman nahihiya lang si Mikee kasi ganyan yan eh.

"Saya natin ahh." Bungad na sabi ni Ross pagkababa na pagkababa ng tatlo. Si Gross naman ay nagtuloy tuloy lang palabas ng bahay na ikinataka naming lahat pati na din si Mikee ay nagtataka.

"Sundan ko lang." Paalam ni Mikee na ikinatango namin sa kanya.

"Ikaw kasi Nikko eh." Sisi sa kanya ni Carmella at agad itong hinampas sa braso.

"Bakit ako?" Tanong niya na may paturo turo pa sa sarili niya.

"Duhh! Soon to be husband yung nasa likod niyo kanina tapos ikaw feel na feel mo yung ginagawa mo." Gigil na sabi ni Azalea sa kanya kaya napatawa kami sa kanya.

"Okay! Ako na ang may kasalanan." Pag amin ni Nikko sabay dais kay Carmille at niyakap ito.

"Ano ba kasing ginawa mo?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"I just prank her." Simple niyang sagot na ikinataka ko sa kanya.

"Hah?" Taka ko ng tanong at pati din pala yung iba nagtataka din sa sinabi ni Nikko.

"Listen okay? Prinank ko si Athenna na kapag hindi siya tumawa or ngumiti man lang ay ako ang papakasalan niya." Ngiting ngiti nitong sabi kaya ang sama ng tingin ko sa kanya ngayon.

"GINAWA MO YUN?" Sigaw na tanong ni Carmille. Oh oww!! Giyera na to!

"Oo but it's not what you think guys. Lalo ka na baby." Pag aalo niya kay Carmille na ang sama na ng timpla ngayon.

"Listen okay! Effective naman siya kasi napatawa ko na si Baby girl." At baby girl pa talaga ang tawag niya kay Mikee ha.

"Ano ba talaga kayo ni Athenna Nikko?" Seryosong tanong ni Kiel. I agree on what Kiel's question.

"We're just a best friend and kuya naman ang tawag niya sa akin." Nakangiti nitong sabi kay Kiel at yumakap kay Carmille na nagmemake face pa.

"Baby, wag ka ng magalit. Ikaw lang naman ang baby ko eh pero baby girl ko naman si Athenna kasi para ko na din siyang kapatid. You know naman na wala akong kapatid diba?" Oo nga pala. Namatayan ng kapatid si Nikko when he was 5 years old.

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Where stories live. Discover now