Chappie Twelve

1.1K 63 0
                                    

GROSS POV

Nasa bahay pa din ako at sina Mommy and Daddy naman ay nakaalis na. Hindi kasi ako makaalis agad dahil umiiyak si Teddy. Yes! I have a brother---younger brother. Siya yung nawawala kong kapatid na nakidnap one year ago.

Thankful nga ako kasi may tumulong kay Teddy at inalagaan siya ng pamilya na nagkupkop sa kanya. Pero hindi pa namin alam kung sinong pamilya yung tumulong dahil DSWD ang kumuha kay Teddy dun sa nag-ampon sa kanya.

"Kuya *sobs* shama po ako pleashe." Umiiyak na sabi sa akin ni Teddy. Hindi ko naman kasi siya pwedeng isama dahil gagabihin kami ng uwi.

"I can't Teddy." Malungkot kong sabi kaya lalo siyang napaiyak.

"Hush! Stop crying. I'll promise na bukas magmomall tayo." Nakangiti kong sabi. Bigla naman siyang tumigil sa pag iyak kaya napangiti ako lalo. Favorite niya kasi ang magmall kaya yan ngumiti.

"Promise?" Hayst! Gusto niya talaga makasigurado eh no?

"Promishe." Sabi ko ng nakataas ang kanang kamay.

"Sleep ka na." Inalayayan ko naman siyang humiga sa kama atsaka ko siya kinumutan. Lalabas na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Good luck sha mhagiging fiance mho kuya." Nakangiti niyang sabi sabay taklob ng kumot. Napailing na lang ako sa kapilyuhan niya.

Gusto ko pa sana siyang tanungin kung paano niya nalaman na may fiance ako pero hinayaan ko na maybe bukas ko na lang siya tanungin.

Hinalikan ko muna sa noo si Teddy saka ako lumabas ng kwarto niya. Baka kasi inip na din sina Mommy at nakakahiya yun sa family ng fiance ko.

Paglabas ko ng bahay ay agad na akong sumakay sa kotse. Mabilis yung patakbo ko kasi nakakahiya talaga dahil for sure late ako.

Pagdating ko sa bahay ng mga Silvastre ay pinark ko na ang kotse ko sa tabi ng kotse nina Mommy at dali dali na akong pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay naanduon na ang lahat pero merong isang upuan na walang nakaupo. So hindi lang pala ako ang huli?

"Gross! Glad at umabot ka pa." Bungad sa akin ni Mommy kaya napakamot ako ng batok. Kakahiya kaya sa family ng fiance ko.

Alam niyo ba guys na nag iisip din ako kung ano ba ang itsura ng fiance ko. Feeling ko nga nakasuot yun ng malaking salamin, mahabang damit at madaming pimples yun. In short isa siyang nerd na naiisip ko.

"Maupo ka na ijo." Siguro ito yung Mommy nung fiance ko. Napatingin naman ako sa dalawa na tahimik lang na nakaupo. Isang babae at lalaki , I think kapatid to ng fiance ko.

"Hintayin na muna natin si Mikee. Nagsi-Cr lang yun." Sabi nung lalaking kasing age ni Daddy. Hindi ko pa nga pala kilala sila.

"Anyway iho, I am Tita Kathleen but you can call me Tita Kath para hindi ganun kahaba." Nakangiting pakilala ni Tita Kath.

"I'm Tito Avery naman iho." Nakangiti ding pakilala ni Tito Avery. Mukha silang mga teenager at para lang sila Mommy at Daddy.

"I'm Aiden." Pakilala nung lalaki na katabi nung babae.

"I'm Reign." So Reign pala ang name niya. Maganda siya at magkamukha sila ni Aiden.

"Gross." Pakilala ko. Hindi ko na sinabi ang buo kong pangalan, masyado kasing mahaba.

Pagkatapos ng pagpapakilala ay naghintay pa kami ng ilang minuto. Masyado naman atang matagal mag-Cr yung fiance ko kunno?

Bigla namang may umupo na babae na nakayuko. Pero sumilip muna ito sa dalawa niyang katabi na sina Reign at Aiden. Mabilis akong makatanda kaya kilala ko na sila by there names.

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Where stories live. Discover now