Chappie Eleven

1.1K 89 0
                                    

MIKEE POV

Ngayon ko na mamimeet yung so called fiance ko daw. Kasama ko ngayon si Ate dito sa kwarto ko kasi hindi ko alam kung ano ang susuotin ko. Sabi kasi nina Mommy, yung comfortable daw ako sa susuotin ko eh wala nga akong maisip na isuot kaya kay Ate Reign ako nagpatulong.

"How about this one bunso?" Sabay pakita sa akin ni Ate ng isang purple dress na below the knee.

"Hmm.. Let me try Ate." Agad namang ibinigay sa akin ni Ate yung dress kaya pumasok na ako sa banyo at sinukat ko yung dress.

Pagsukat ko at tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Pwede na naman siya kaya lang kailangan ko munang ipakita kay Ate kung ayos lang din sa kanya.

Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Ate na nakaupo na ngayon sa kama habang nagcecellphone.

"Ate!" Tawag pansin ko kay Ate Reign.

"Ang ganda! Bagay sayo bunso." Ngiting ngiting sabi sa akin ni Ate kaya napangiti din ako sa kanya.

"Talaga Ate?" Paninigurado ko kay Ate. Bigla ko namang naalala kung ano ba talaga ang itsura ng fiance ko kunno.

Kasi naman nung tinanong ko sina Ate at Kuya wala din silang idea kung ano ba ang itsura ng fiance ko daw. At isa pa. Ngayon pa lang din daw nila makikita yung fiance ko.

"Ano, tara na?" Tumango na lang ako at sumunod na din kay Ate palabas ng kwarto ko.

Kinakabahan ako hindi dahil sa suot ko kundi dahil sa magiging itsura ng fiance ko kunno. What if kasi kamukha niya talaga si Sadako? No no no! Erase that thoughts.

"Ready ka na?" Tanong sa akin ni Ate ng makababa kami ng hagdan.

"Opo?" Patanong kong sabi at bumuntong hininga ako. Kakakaba kasi eh.

Habang naglalakad kami ni Ate papuntang dining ay hindi pa din mawala yung kaba ko. Kasi naman eh. Kinakabahan talaga ako baka multo yu----.

"Andiyan na pala sila." Rinig kong sabi ni Daddy kaya nabalik ako sa ulirat.

Bumuntong hininga muna ako bago ako lumapit kay Kuya. Katabi ko kasi siya, sa madaling sabi pinaggigitnaan na naman nila ako ni Ate Reign.

Pag upo ko ay bumuntong hininga ulit ako. Napapadalas at napaparami na ata yung pagbuntong hininga ko simula kanina ahh. Baka maging mannerism ko na to ahh. Wag naman sana.

"Sweetheart." Napatingin ako kay Mommy ng tawagin niya ako. Ngumiti ako kay Mommy kahit na kinakabahan pa din.

Isa pa pala guys! Nasabi nga sa akin nina Mommy na may fiance na ako pero hindi naman nila nasabi kung sino or ano ang mga pangalan nito. Kaya isa pa din yan sa mga pinagtataka at ikinakaba ko.

"Ang gandang bata." Napatingin ako sa nagsalita. At nakita ko ang isang babae na sa tingin ko nasa mid's 40 na siya at may katabi siyang lalaki na kasing age lang din niya. Siguro ito yung magulang ng mapapangasawa ko. Pero pag titingnan mo siya mabuti hindi sila mukhang nasa mid's 40 na. Mukha silang teenager kagaya nina Mommy at Daddy.

"Mana mana lang yan." Proud na sabi ni Mommy kaya napayuko ako. Nahihiya kasi ako. At isa pa, sila kaya yung parents nung fiance ko kunno.

"Iha, I'm Tita Rosemarie. Just call me Tita Rose to make it short." Nakangiti niyang sabi kaya napangiti din ako. Mukhang mabait yung parents ng mapapangasawa ko pero yung magiging asawa ko? Yun ang hindi ko alam.

"I'm Tito Gilbert naman iha." Nakangiti ding sabi ng katabi ni Tita Rose na asawa niya.

"Ohh! Nasaan na pala si Gross??" Tanong ni Mommy kanila Tita. Gross? Yun ba yung pangalan ng fiance ko?

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Where stories live. Discover now