Chappie Three

2K 64 2
                                    

MIKEE POV

Alam na nina Mommy at Daddy ang tungkol kay Baby Ted. Actually naadopt na nina Mommy at Daddy si Baby Ted.

It's Thursday and mag-iisang linggo na din bago maadopt si Baby Ted. Baka daw kasi may gusto pang umampon kay Baby Ted kaya hindi agad ganun kadali.

Syempre pinaglaban ni Mommy yun kaya walang nagawa yung DSWD at napaadopt na si Baby Ted.

P. S. Baby Ted short for Baby Teddy.

"Mom, can we buy a toy?" I asked Mommy. Gusto ko kasing bilhan ng toy si Baby Ted.

"Sure Princess." Mommy said. Now! It's my turn. Heheheh.

Naglakad ako ng mabilis para makuha ko na agad yung toy na gusto kong bilhin para kay Baby Ted.

Nang makita ko iyon ay agad agad ko ng dinampot kaso may biglang humawak nito. I mean kamay ko pala yung nahawakan niya hindi yung toy.

Tiningnan ko yung nagmamay ari ng kamay na nakahawak din sa Iron man na toy. Matatawa ka na lang kasi all in black siya at balot na balot ang katawan niya.

"Ahm. Mister, ako yung nauna." Mahinahon kong sabi sa kanya. Para ibigay niya na sa akin yun.

"Excuse me. Ako ang nauna." Aba't! Ayos naman yung pagkakasabi ko ahh? Eh bastos pala to eh.

"What!? Mawalang galang na po huh! Mister. Ako yung nauna kaso hinawakan mo din yung laruan kaya nasasabi mo na ikaw ang nauna." Gigil kong sabi sa kanya. Ewan ko lang kung hindi pa siya mahiya niyan huh. Kapals na ng mukha niya pag nagkataon.

"Tss." Sabi niya sabay agaw ng kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

Kamay mo ba talaga? Oo. Wag ka ngang epal diyan kosensiya.

Napangiti na lang ako ng nagtagumpay ako sa laruang Iron man. Wahhh!! Magugustuhan talaga to ni Baby Ted. Ito kasi yung gustong gusto niya simula nung makita ko siya sa mall.

Agad agad naman akong nagtungo sa cashier para mabayaran ko na yung laruan. Napansin ko naman yung lalaki na kaagawan ko kanina sa laruan.

Naguilty tuloy ako sa ginawa ko kanina. Ayst. Dapat lang naman yun sa kanya eh. Nang aagaw kasi siya ng laruan ng may laruan. I mean ako yung nauna kaya sa akin dapat yun. Bayae na nga.

"Ma'am, 3 thousand po." Sabi ni Ate'ng cashier. Binigay ko naman sa kanya yung cash na binigay sa akin ni Kuya kanina.

Nagtataka po ba kayo kung bakit mahal masyado yung laruan? Malaki po kasi siya kaya ganun na lamang kamahal ang price.

I can't wait na para mamaya. Gusto ko na tuloy umuwi sa bahay para makita ko na ang magiging reaksiyon ni Baby Ted.

********

"WERE HOME!!" Sigaw ko sa loob ng bahay. Syempre excited na akong makita si Baby Ted eh.

"Tss." Singhal ni Ate Reign sa akin. Kasama niya pala si Baby Ted. Kyahh!! Hindi ko napansin.

Gusto niyo po bang malaman ang nangyari kay Baby Ted simula nung makilala at maapon namin siya?

Ito po yung nangyari nung makilala siya nina Mommy at Daddy.

FLASHBACK

"Kuya, malapit na daw po ba sina Mommy at Daddy?" Tanong ni Ate Reign kay Kuya Aiden na nanunuod ng T. V. kasama si Baby Ted.

"Oo daw." Sagot ni Kuya na busy pa din sa panunuod ng T.V.

Habang naghihintay kami kanila Mommy at Daddy ay hindi ko mapigilang bumuntong hininga ng sobrang lalim. Nikakabahan kasi ako eh.

One Of The Six Prince's Is My Fiance!? (COMPLETED but being EDITED)✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant